Chapter 34-Visit

868 12 0
                                    

Chapter 34

ANICA'S POV

/flashback/

4 days ago...

"If you always do what you have always done, you will always get what you have always got" naglilitanya na naman si sir. Mahilig kasi yan mag-discuss na isinisingit yung tungkol sa buhay niya, magkekwento na ng kung ano ano about sa personal life niya. Yan gusto niya eh haha

"You spend thousands of money and the best years of your life going to college so you can be considered good enough for a job you hate for a boss who doesn’t care about you, so you can be paid money which doesn’t exist in order to buy stuff you don’t need to impress people you don’t even like" nag-bulong-bulungan naman ang mga kaklase ko. So true huehue.

"Right?"

"Yes sir!" sabay sabay namang sagot nila. Parang nakakarelate sila haha. Napatingin naman ako sa katabi ko. Iirapan ko sana kaso nagulat ako ng mahimbing itong natutulog, nakayuko sa armchair at medyo kita yung half ng mukha niya kaya naman nasigurado kong natutulog talaga kasi nakita kong nakapikit ang mga mata niya.

Di ko namalayan na nakatitig na pala ako sakanya at inayos ang upo ko. Bigla kasing gumalaw at...

"Nic...." hinawakan niya ang kamay ko

"Nic, come back to me" sabi niya at may konting luha na tumulo mula sa kanyang mga mata.

/End of flashback/

Yan yung mga narinig ko habang natutulog si Terrence nung Thurday. Hindi ko kilala si Nic pero....

"Ex?"

"Yeah, the new girl is my ex. Margaret is my ex" pagpapaliwanag niya. Tumayo ako sa kinatatayuan ko at naglakad papunta sa tapat niya which is nasa kabilang side ng puno.

"Then who's Nic? Sinasabi ko na nga ba, you're a bad boy, cassanova who really likes to cheat and play with some nice girls" diin ko sa bawat salitang binitawan ko. Iniisip ko na to dati pa tsk, may pagka-badboy talaga yang lalakeng yan, sa kahanginan at kayabangan pa lang.

"Really?" sabi niya at tumawa ng mahina.

"What? Anong tinatawa-tawa mo?"

"Nic is a nickname I gave for Nicole, and Nicole is Margaret. By the way, I am the only one who calls her Nicole, because I want to feel special in terms of calling her name, and as for that, I gave her a nickname"

"And it seems like you still love her, right?" napakunot siya ng noo "You still call her by your nickname for her...and I heard it when you're sleeping in class" bat ba ako napapa-english? Langya kasing lalakeng to, nakaka-nosebleed kausap tengene.

"Umiiyak ka nung time na natutulog ka, so I placed a book right in front of you, to cover your head para di makita ng prof na natutulog ka at pinunasan yung mga luha mo gamit ang panyo ko. And suddenly you hold onto my hand and said that you want Nic to come back to your life" mahabang pagpapaliwanag ko.

"I don't know, but this time, I have no time for that" sabi niya at sinuot ang polo niya saka naglakad palayo. Nudaw? But this time, he have no time? Ghaadd nakakabobo yun ha. Sumunod naman ako sakanya.

"No time for what?" tanong ko.

"No time for stupidness" sabi niya at tuloy tuloy pa rin sa paglalakad, di ko alam kung saan siya pupunta, sumasabay lang ako sakanya.

"And pain" pakasabi niya ng mga salitang iyon ay tumigil siya at tumingin sakin. Straight sa mata ko. At nakita ko na parang pinipigilan niya ang pagtulo ng mga luha. I see darkness and pain in his eyes, parang may gusto siyang sabihin, parang may kwento sa likod ng mga mata niya, and I just don't know how to make him feel better. Sa kabila ng mga ginawa niyang kabutihan sakin, di ko na alam kung paano ko pa siya mapapasalamatan. And maybe I could thank him if I will try to stay by his side, in a way that I could.

Sinamahan ko siya sa canteen at binilhan ko siya ng maiinom. He was just literally silent the whole time na kasama ko siya. Ako rin, di ko kasi alam kung pano ko siya dadamayan, di ko naman alam kung anong nangyare sakanya eh.

"U-Uhm Terrence?" tumingin agad siya sakin.

"Bat sinamahan mo ko? Bat ka nandito? Na-missed mo na yung ibang subjects, baka i-mark as absent ka, or baka mapa-community service ka pa dahil sa pagcucutting mo~"

"Thank you" pagputol ko sa sinabi niya "Sinamahan kita kasi parang kailangan mo ng karamay, ng kasama. Kung kailangan mo ng kaibigan o ng makikinig sayo, andito lang ako. Kung ano man yang problema mo, I know that someday you will get over it, and maybe you could just move on and start turning the next chapter of your life, because that's how life works" sabi ko at ngumiti sakanya. Naglakad na ako palayo at dumeretso sa waiting area. Hays di ko namalayan na hapon na pala.

At yung last subject ngayong hapon ay di pa tapos kaya eto ako ngayon, naghihintay sa waiting area malapit sa hallway papunta sa classroom. Sabihin ko na lang na sumama pakiramdam ko kaya pumunta muna ako sa clinic.

TERRENCE'S POV

"Thank you. Sinamahan kita kasi parang kailangan mo ng karamay, ng kasama. Kung kailangan mo ng kaibigan o ng makikinig sayo, andito lang ako. Kung ano man yang problema mo, I know that someday you will get over it, and maybe you could just move on and start turning the next chapter of your life, because that's how life works"

Ngumiti siya sakin at naglakad na palayo. There's still pain in me, but somewhat I feel better when I hear those words from her. Why would she thank me? Tsk baliw rin yun eh.

"Thank you Celine" bulong ko habang nakatingin sakanya na naglalakad palayo. Tumayo na ako sa kinatatayuan ko at dumeretso na sa labas ng gate, hindi na rin naman humarang yung guard kasi alam naman siguro niya na baka ma-eskandalo pa siya sa pagharang sakin.

It's 4:45 pm, maybe I could still visit her....

----------------

A/N: Heyow heyow guysss wahahaha yesss naka-update rin sa wakas! Tumambay ako sa kapitbahay namin tas pinasaksak yung wifi wahahaha so eto nakapag-update, pero wala pa rin kaming kuryente hanggang ngayon, sorna di ako naka-update hehe by the way sinearch ko lang yung qoute na sinabi nung prof sa simula, wala akong maisip na topic nila eh.

And puro english, na-nosebleed tuloy ako huhu si Terrence kasi, english ng english hahaha

VOMENTS!!!

My Celebrity Boyfie [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon