Chapter 9-Birthday

2K 35 1
                                    


Chapter 9

ANICA'S POV

/yawns/

Teka birthday ko ngayon ha, hmmp para namang dadalaw si mama dito para batiin ako. Pumunta agad ako sa cr at ginawa ang morning rituals ko, kailangan ko na palang magmadali, late na ako sa school.

Bumaba na ako at pumunta ng kusina. Ngiti-ngiti rin pag may time, sinalubong ng halik sa pisngi si nanay

"Oh anong nangyari sayo, may hihingin ka no?" nag-pout ako, hindi man lang ba naalala ni nanay na birthday ko ngayon.

"Alam niyo po ba kung anong meron ngayon?" tanong ko at ngumiti habang nakayakap kay nanay.

"Bakit ano bang meron?" grabe lang, hindi niya naalala, inalis ko yung kamay kong nakayakap sakanya at nag-walk out.

"Teka, hindi ka man lang ba kakain?" sigaw niya.

"Hindi na po, sa school na lang po ako kakain" sagot ko sakanya at lumabas na, pagkalabas ko ng gate ay may naka-sabay ako.

"Eh? Diba ikaw yung lalaking nakatabi ko sa bench nung isang araw na may binigay sakin na eraser kasi hindi ko mahanap yung sakin at yung lalaking tumulong sakin magbuhat nung dala ko kagabi?" pahaba na ng pahaba ang tanong ko sakanya at pahaba na ng pahaba ang tawag ko sakanya.

"Justin for short" sabi niya at tumawa ng mahina.

"Ah, ako nga pala si Anica" sabi ko.

"Alam ko" huh? pano niya nalaman.

"Alam mo?" tanong ko.

"Ah ang ibig kong sabihin, alam ko na ang pangalan mo kasi sinabi mo na" sabi niya. Napatango-tango naman ako.

"Saan ka ba nakatira? lately kasi palagi kitang nakikita" sabi ko.

"Dun ako sa bahay na kasunod ng bahay na katabi ng bahay niyo" Huh? ano daw? hahaha gets ko naman, katabi siya ng kapit-bahay namin.

"Kakalipat lang namin kaya palagi mo akong nakikita" patuloy pa niya.

"Ah kaya naman pala" sabi ko at tumango-tango "Saan ka pupunta?"

"Sa university diyan sa malapit"

"Weh! Dun din ako eh, sabay na tayo" sabi ko. Hindi ko alam kung bakit ang gaan ng pakiramdam ko sakanya basta yun na yun. Naglakad kami papasok sa university, malapit lang kasi tong school na to sa bahay namin, pwedeng lakarin. Sabay kaming naghanap ng classroom namin. Hindi ito.....hindi...hindi pa rin....hindi ito....dito..dito ako.

"Dito ako" sabi ko sabay turo sa pangalan ko.

"Dito rin ako eh" sabi niya at tinuro rin yung pangalan niya. Pumasok na kami sa loob. Nakita ko si Stacie. Napangiti ako sa biglang naalala ko. Inakbayan ko siya.

"Stacie, dito ka rin?"

"Waahh dito rin si bes ko, masaya na ako" sabi niya.

"Stacie, may naalala ka ba ngayong araw na to?" tanong ko.

"Bakit mukha ba akong may nakalimutan?" tanong niya sabay kamot sa batok at parang nag-isip.

"Oo! meron kang nakalimutan! ( ̄^ ̄)" magwo-walk out na sana ako ng makita ko ang ekspresyon ni Justin, lumingon ulit ako kay Stacie at binalik-balik yung tingin sakanilang dalawa. Grabe gulat na gulat sila, mukhang may dapat akong malaman tungkol dito. There's something fishy.

----------------

A/N: Haay sorry po kung ngayon lang ako nakapag-update, sorry po talaga.

Thank you po sa mga nagbabasa pa rin nito at inaabangan ang mga susunod kong update kahit super late na, please suportahan niyo pa rin to, gagandahan ko po yung ending nito pramis.

VOMENTS!!!

My Celebrity Boyfie [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon