Chapter 23-Goodluck

1.2K 18 0
                                    

Akala ko chapter 25 na ahahahaha sorna agad, so here it goes... Enjoy Reading!

~~~~~~~~~~~~~~~

Chapter 23

ANICA'S POV

"Oh?" sabi ko agad nung tumingin siya sakin, binigay ko yung phone niya at saka naglakad palayo.

"H-Hoy Celine!" sigaw niya habang nagdadial sa phone niya, magpapasundo na ata sa manager niya tsk wala man lang thank you hays.. Dumerederetso ako dahil masyadong gabi na para maglakad lakad pa ko dito sa mall para lang sagipin yung isang lalakeng puro kalokohan lang ang alam tsk.

"Hey Ce~"

"What?!" sigaw ko at lumingon sakanya.

"Uhm yung cap ko" sabi niya sabay turo sa cap na suot ko. Akala ko pa naman haist wala nang pag-asa tong lalakeng to d-_-b

Tinapon ko sakanya yung cap na suot suot ko saka ko siya inirapan, bwiset kasi tss

"Ahh!" natawa lang ako hahaha natamaan ko ata (≧▼≦)

Dumeretso na ko agad sa bahay para tapusin ang project ko sa math. Shet 11:15 na!

*well the scene between Stacie, Justin, Anica and Terrence happen at the same time, mas nalate lang ng uwi si Anica, kay Stacie... Nakipagsiksikan pa daw kasi siya sa pangurls ng fafa niyo hahahaha*

/The next day/

I'm already dressed for school, so I'm good to go.

"Nay nay nayyyyy, good morneng!" bati ko kay nanay na busy sa paghanda ng almusal.

"Oh anak, umupo ka na diyan at kakain na tayo" sabi ni nanay sabay lapag ng plato sa may tapat ko sa mesa.

"Hmm, mukhang masarap yan nay" sabi ko habang naglalaway charot hahaha oa yung naglalaway eh, pero kasi nagmamadali ako papuntang school, di naman sa late na ako, sadyang may gagawin lang ako na paper works.

"Pero kasi may gagawin pa ko sa school" sabi ko with my loneliest, deepest, saddest tone with matching pout pout pa, shet nahawa kay Stacie.

"Eh di ka pa kumakain eh" sabi ni nanay, hinanda ko na yung bag ko at kinuha na yung mga notebook.

"Sige nay, alis na po akooo" sabi ko saka dumeretso kay nanay at nagmano saka tumakbo papalabas ng pinto.

"Hala anak, kunin mo na lang tong hinanda kong baon mo, para di ka na bumili sa kantina niyooo!!" sigaw ni nanay kaya bumalik ako na nagmamadali sa loob at kinuha ko yung lunch box and snacks.

"Salamat po nay, thankyouuu!" sigaw ko at kumakaway kaway na kumaripas ng takbo palabas.

Dami ko pa kasing tinatapos na requirements since working student ako, kapagod nga eh huhuhu

Speaking of work, malapit ko nang mabayaran yung utang ng tatay ko dun sa bombay na naniningil owemjii and speaking of bombay na loan shark, di ko na yun nakikitang umaalialigid dito para habulin ako at hingan ng pera ha, nakakapanibago lang kasi dati halos habulin pa ko kahit hanggang sa bahay, tas ngayon ni anino niya wala man lang akong makita. Pero ayos na yun, may time pa para matapos ko yung binabayaran kong utang.

So maayos na, ang saya saya ko nga sana kasooo....

*Driiiiiinnngggg*

"Hello?" sabi ko.

[Hoy bes! San ka ngayon?] Mga tao talaga, walang manners, di man lang marunong bumati ng hi or hello.

"Oh Stacie? Bat napatawag~"

[Loko bes! Walang pasok ngayon, hanggang Monday!] sabi ni Stacie with feelings.

"Makasabi naman to ng loko, yun lang naman pala ibabalita mo....ayy pakshet bat ngayon mo lang sinabi?!" naghyhysterical na sabi ko habang nasa loob ng jeep shet shet shet nakabayad na ko kay manong driver, pwede pa bang irefund?

[Ayan kasi eh! Di nakikinig nung mga panahon na nag-aannounce si Mrs. Tapias]  sabi niya.

"Eh san ka ba ngayon? Diyan na lang ako dederetso sa bahay niyo"

[Eh di ka pwede dito, may bisita si mommy. Aalis din ako maya maya]

"Ahh san ka ba pupunta? Sasama na lang ako sayo, baka sabihin pa ni nanay nagcucutting na ako sa klase" gusto ko rin namang gumala ahahaha.

/Sa Shop/

"Yes baby girl, oh ang ganda ganda talaga ng lola niyo oh, bongabels ka teh!" sigaw ng babae este bakla na nasa loob ng dressing room. Tinanong ko na si Stacie kung anong ginagawa namin dito sa shop na to, ang alam ko kasi isa to sa pinakasikat na shop dito, nakalimutan ko lang kung sino may-ari.

Well sabi niya sakin, ikakasal na daw yung pinsan niya, I think si Audrey yun, yung kalakalaro namin dati, mas matanda nga lang samin ng 5 years. Di ko naman masyadong close si ate Audrey, di rin naman ako sumasama pag nagbabakasyon sila dito, minsan lang kasi sila dito sa Pilipinas, umuwi lang talaga sila dito para magpakasal. How sweet! Ajujuju hahaha

Lumabas na si Stacie sa dressing room na iyon, di niya ko pinasama kasi nahihiya daw siyang makita ko. Parang di ako kaibigan eh tsk.

"San ka sunod na pupunta?" bungad ko sakanya pakatapos niyang ngumiti ng abot tenga.

"Ahh...ano kasi eh..hmm may pupuntahan pa ako" sabi niya habang ginagawa ang mannerism niya sa kamay, di ko maexplain kung pano yun eh hahaha basta kinakalikot niya yung kamay niya.

"Sama na ako, san ba?"

"Eh ano eh...hehehe" sabi niya habang kumakamot kamot sa ulo na parang ewan.

"Tss may ginawa kang kalokohan noh?" tanong ko habang dinuro duro siya ng slight lang.

Tinaas niya ang kamay niya at pinagtapat ang hintuturo at hinlalaki na di masyadong magkadikit, na parang sinasabing "Konti lang" sabi niya, ayun tama yung iniisip ko.

STACIE'S POV

"Konti lang" sabi ko habang sumesenyas sa kamay na konti lang.

"Yan kasi, clumsy mo" sabi ni Anica at tinapik niya ang balikat ko saka naglakad palayo "Goodluck sayo bes, sana walang disgrasya araw mo ngayon" dagdag niya pa at kumaway sakin. Bat parang kinakabahan naman ako sa sinabi ni bes? Huhuhu di naman ako ganon ka-clumsy eh.

"Sige bessy! Salamat" sigaw ko habang nakadikit ang kamay ko sa gilid ng bibig ko at kumakaway kaway habang naglalakad siya palayo.

Alam niyo ba kung saan ako pupunta? Hihihihi pupunta lang naman ako sa *tooooooot* qwertyuiopasdfghjklzxcvbnm

----------------

A/N: Ahihihihi sorna mga bes wahahaha di ko po sinasadyang bitinin ang chapter na to, kasi meron akong sinusunod na rules sa paggawa ng isang chapter eh, hanggang 1100 words lang ahahahaha deh hahaha sinadya ko talagang bitinin ahahaha sorna sorna (≧σ≦)

Abangan niyo na lang ang next chapter tantananan.....

VOMENTS!!! ~♡

My Celebrity Boyfie [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon