Chapter 48-Mom

922 15 2
                                    

Chapter 48

MARGARET'S POV

Biglang na-out balance si Terrence dahilan para mapaupo siya ulit sa kinauupuan niya kanina. Halata sa mukha niya na di niya inaasahan ang mga narinig.

"Tim was there..." sabi ko saka siya tinulungang makaupo ng maayos "Your brother"

/Flashback/

"Tim...please wag mong gawin to" sabi ko sa pagitan ng paghinga ko.

"I'm done pretending to be the good one" sabi niya saka itinuon ang patalim na hawak sakin "Gusto kong maghiganti. Gusto kong lumaban. Gusto kong ipatikim sakanya ang paghihirap ko, ang galit ko"

"You're not the Tim I know"

"You're right. I'm not the Tim you know" sabi niya saka hinaplos ang buhok ko gamit ang kutsilyo "You. You break my heart into pieces, di mo alam kung gaano kasakit talikuran ng kaibigan na mahal mo para sa mahal niya."

Napasigaw ako dahil akmang sasaksakin na sana niya ako ng bigla akong makarinig ng malakas na pagkalampag kaya ibinuka ko ulit ang mga mata ko finding Tim na dumudugo ang ulo. I saw his mom, holding his bat, saka niya ito nabitawan. Hinila ako ni tita para makalabas sa pintuan ng kotse pero....bigla na lamang nanlaki ang mata ni tita...

"Tita!" hinawakan ko ang braso niya dahil unti-unti siya napapaluhod nang bigla kong makita ang dugo na tumutulo sa sahig. It was from his mother, stabbed by the person behind her. Nanlaki ang mata ko ng makita si Tim na nakahawak pa rin sa kutsilyo na nakabaon sa likod ni tita. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat at panginginig.

"Umalis ka na" sabi ni tita saka pilit akong pinagtataboy sa labas ng kotse. Nag-alanganin pa ako pero di nagdalawang-isip na tinanggal ni Tim ang kutsilyo sa likod ni tita at tumayo para habulin ako. I run as fast as I could saka nilingon ang kotse na kinaroroonan ni tita.

"I'm so sorry tita" bulong ko saka tumakbo ulit palayo.

/End of flashback/

TERRENCE'S POV

Napakuyom ako ng malaman kung sino ang pumatay kay mama. It was Timothy, my younger brother. He was also adopted like me.

Agad kong inayos ang gamit ko at saka tumayo para umalis.

"Pero...mag-iingat ka Terrence" sambit ni Nicole dahilan para mapatigil ako sandali. Ilang segundo lang at naglakad na ako palabas.

ANICA'S POV

"1, 2, 3, GO" sigaw ko saka nagsimulang tumugtog ang hiphop na kanta. Ilang araw ko nang pinagpapractisan ang sayaw nato. Di pa rin ako nag-aaudition. Pinagpipilitan ko talaga na mag-audition, ayokong tratuhin ako ng ibang trainee na nagsisipsip ako sa manager at sa president, lalo na kay Terrence -_-

Naalala ko pa kapag magkasama kami ni Terrence, grabe makatingin ang mga ate at koya, ghaadd feeling ko patay na ako kung nakakamatay ang tingin.

Now Playing: Stay by Zedd and Alessia Cara

"All you have to do is stay a minute, just take your time the clock is ticking, so stay. All you have to do is wait a second your hands on mine, the clock is ticking so stay"

Napahinto ako sa pagsayaw ng makarinig ng ingay sa labas. Pinatay ko ang speakers at dumeretso sa kung saan man galing yung ingay.

"Sorry sir, nakalimutan ko pong dalhin yung sign, sorry po talaga~" nakita ko si ateng kasama ko kumain kanina na nakayuko at humihingi ng paumanhin sa kung sino man na lalake sa harap niya. Napatingin ako sa sahig kung saan nagkalat ang tubig. Napakunot ang noo ko.

"Dapat kasi di mo kinakalimutan yan, madaming madidisgrasya dito dahil diyan eh" pasigaw na sabi niya.

"Edi sana naman kasi tumitingin ka sa dinadaanan mo" sabi ko at kinuha yung mop sa sahig na nabitawan ni ate at binigay sakanya saka ko inilapag sa sahig ang sign na Caution: Wet Floor. Nagulat ako sa kung sino yung lalake na sumisigaw kanina. Oopps... Napangiti na lang ako ng alanganin.

Tumingin lang siya ng masama at saka umalis na. Nagsi-alisan na rin yung mga nakiki-usyoso. Tsk mga chismosa't chismoso. Ibinaling ko ang tingin ko kay ate.

Nakatulala lang siya at nakapalumbaba sa hawakan ng mop, yung para bang nagpapantasya ng kung ano.

"Problema nun?"

"Hayaan mo na si sir. Ganon talaga ugali nun kapag pagod o may gumugulo sa isipan niya" sabi ni ate habang nakatingin pa rin sa papalayong si Terrence.

"Tsk nagulo rin pag-practice ko dahil sakanya" di pa rin niya inaalis ang tingin niya dun "Madungis ba mukha ko? Mukha ba kong taong-grasa?"

"Ayan oh ang dami tsk tsk tsk dapat kasi naghihilamos ka pakatapos mong mamalimos" tss sarcasm. Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa ko at pinunasan ang pawis dahil sa pag-practice. Tumingin na siya ulit kay Terrence. Hay nakoo makalayo-layo na nga dito.

TERRENCE'S POV

Hindi pa rin ako makapaniwala sa nalaman ko. Iniisip ko kung bakit niya nagawa yun? Sa anong dahilan at dinamay niya pa si mom? And the worst thing is, it is my brother who killed my mom.

"Ay sorry po" di ko namalayan na may nabanggan na pala ako. Tinulungan ko siya na pulutin ang mga nagkalat na pinamili niya. Hmm pamilyar siya.

"Salamat" I just feel like helping ngayon, kaya tutulungan ko na siya since wala naman akong ginagawa, at tsaka andami niyang dala. Nagsimula na kaming maglakad.

"San po kayo?"

"Umuwi ka na, asan na ba ang nanay mo? Sigurado ako na hinahanap ka na niya" may biglang kumirot sa puso ko ng marinig ko ang salitang 'nanay'

"Mama!" sigaw ng isang dalagita na tumatakbo papalapit sakanya mula sa kanyang likuran. Nagmano ito sakanya. Para talagang nakita ko na sila eh. Di ko lang maalala kung saan.

"Kumain ka na ba?"

"Opo, si Hiroki naman po kinuha na nung mama niya hehe"

"Good girl talaga ang baby ko"

Mama!

Biglang sumakit ang ulo ko kaya napahawak ako sa gilid ng noo ko. Ano yun?

Kumain ka na ba?

Good boy talaga ang baby ko.

May biglang lumabas na imahe sa utak ko. Isang babae at isang batang lalake. Hindi ko matandaan ang scene na yun nung kasama ko si mom. Ano yun?

"Salamat iho, napakabait mong bata" sabi niya "Kumain ka na ba? Halika sumama ka na samin maghapunan sa loob"

"A-Ahh hindi na po, naghihintay na rin po si mama sakin" sabi ko at agad na umalis don. Hindi ko alam kung bakit ako nagsinungaling. Pero inisip ko na sana totoo na lang yun, na sana naghihintay sakin si mommy na umuwi, na uuwi akong masaya at sasalubungin ng mga yakap at halik ni mom. Pero wala...wala na siya....

---------------
A/N: Nawala yung revision ng chapter na to, kainis hays kaya inulit ko pa mula dun sa kung saan nasave. Letse kasing net to -_-

Alam niyo naman na ata kung sino yung nabanggaan ni Terrence hahaha it's so obvious naman. Btw eto na yung sunod na chapter aheee.

VOMENTS!!!

My Celebrity Boyfie [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon