Chapter 58-Wag ka nang umiyak

746 8 0
                                    

Chapter 58

ANICA'S POV

"Bes, nasend ko na woot woot"

[Oh congrats hahahaha]

"Mamaya na yung exam. Aja!"

[Aja! Haha kaya natin to bes!]

"Mabuti kung nag-aral ka hahaha"

"Anica" sumenyas ako kay Miss Cassy na susunod na lang ako.

"Bes, tinatawag na ko. Bye bye na muna okay?"

[Sige bes, bye byee] in-end niya na yung tawag at sumunod na ako kay Miss Cassy papunta sa office niya. Pero nagulat ako ng hindi ko inaasahan na nandodoon pala si mama, I mean yung president.

"Sige, alis na ko" palabas na ito kaya yumuko lang ako para magbigay respeto.

"Hm may something talaga kay Miss President. Lalo na pag tungkol sayo, ayaw niya ngang ibigay sayo ng direkta yung mga files at sabihin sayo ng direkta lahat ng sasabihin niya. Lahat kailangan pang dumaan sakin tsk tsk tsk" ngumiti lang ako sakanya.

"She's my mom" nagulat siya sa sinabi ko "Di mo naman po ipagkakalat diba? Ayaw niya po kasing malaman ng iba" pinilit kong ngumiti.

"A-Ah sige" sabi niya "Ah by the way, sabi niya, minove yung date ng debut niyo, hindi ko alam kung bakit, pero gagawin pakatapos ng board exam niyo"

"H-Ha? Bukas na po yung exam"

"Di ko alam kung kailan ang eksaktong date, iaanounce na lang daw"

Lumabas na ako sa office ni Miss Cassy. Pakalabas ko ay nakarinig ako ng sigaw ng bata.

"Mama!" tumakbo ang bata lagpas saakin at nakita si mama na nakabukas ang kamay at handang yakapin ang bata. Ng mabuhat niya ang bata ay nakita niya ako, halata ang pagkagulat sa mga mata nito.

And now I know kung bakit ayaw niya sakin, kung bakit inabandona niya ako. Nangilid na ang mga luha sa aking mga mata. Tumakbo na ako palayo, palayo sa mama ko, palayo sa sakit na naramdaman ko ng makita ko siya at ang anak niya. Palayo sa patuloy na nananakit ng damdamin ko.

TERRENCE'S POV

Nakita ko si Celine na tumatakbo palabas ng building. Tumingin ako sa pinanggalingan niya at nakita ang president na may kargang bata. Umiling-iling ako at sinundan si Celine.

"Asan ka na?" tanong ko. Dumiretso ako sa parke dahil inisip ko na baka nandun siya. Hindi ako nagkamali, naroroon nga siya. Nakaupo sa damuhan at nakasubsob ang ulo sa mga braso niya.

Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang balikat niya para masandal sakin. Patuloy lang siya sa paghikbi.

"Alam mo? Walang mapapala ang pag-iyak mo kung gusto mong matapos ang problema mo" sabi ko at inilabas ang panyo sa bulsa ko saka pinaupo siya ng maayos.

"Terrence, nasasaktan ako" sabi niya sa pagitan ng mga iyak niya.

"Shhh I know, I know" bulong ko at pinunasan ang mga luha sa na tumutulo mula sa mga mata niya. Lalong lumakas ang paghikbi niya dahilan para tumingin sakin ang mga tao sa paligid.

"Ahh di po ako ang nagpaiyak hehe" pagpapaliwanag ko sa bawat taong dumadaan at tumitingin sakanya. Wala na akong pake kung makilala ako ng mga tao, naka-disguise pa naman ako, pero baka mahalata na nila.

"Shh wag ka nang umiyak" patuloy lang siya sa pag-iyak. Haayy baka isipin nila ako nagpaiyak dito.

"Pst wag ka nang umiyak shhh"

"Gusto mo ng ice cream?" natigil siya. Gumana yes.

ANICA'S POV

"Gusto mo ng ice cream?" nahinto ako sa pag-iyak. Gusto ko ng ice cream pero...

"Ano ko bata?" inilabas ko na lahat ng sakit na nararamdaman ko. Wala na akong pake kung pinagtitinginan na ako dito ng ibang tao. Gusto ko lang naman ilabas lahat ng nararamdaman ko para naman gumaan ang loob ko.

"Please, wag ka nang umiyak" hindi ko siya pinapakinggan, umiyak lang ako pero nanlaki ang mata ko ng...

#0_0#~~~~

Hinalikan niya ako. Pero bakit parang nag-freeze ang mundo? Pati katawan ko nag-freeze kaya hindi ako maka-react at makaiwas. Bumitaw na siya pero di pa rin ako makapaniwala sa nangyare, nanatiling namimilog ang mata at namumula ang pisngi ko.

"Isa pang iyak, di ako magdadalawang isip na halikan ka ulit" sabi niya saka hinila ako sa kung saan.

Nakatulala at nakahawak pa rin sa labi ko, waahh mababaliw na ako. Iniling-iling ko ang ulo ko, bat ko ba inaalala pa yun? Eto namang utak ko, paulit-ulit na pineplay ang scene na yun.

"Oh ice cream mo" sabi niya sabay latag ng ice cream sa harap ko. Tumingin ako sakanya at ayun uminit mukha ko. Waaahh baliw na talaga ata ako.

Tumayo siya at inilapit ang mukha sakin. Napaatras naman ako, muntik pa nga akong matumba sa kinauupuan ko.

"Baka gusto mo pa?" kinatok ko yung noo niya.

"Nasisiraan ka na ng ulo" sabi ko at kinain yung ice cream "Bat ka pala nandito? Diba dapat nasa hospital ka?"

"Boring sa hospital eh" tumayo ako at hihilahin ko na sana siya pabalik ng hospital pero huminto siya at tumingin sa kamay ko na nakahawak sa kamay niya kaya nahinto rin ako. Bibitawan ko na sana kaso hinigit niya ang pakahawak niya sakin.

"Ihatid mo ko" sabi niya saka ngumiti. Nag-iinit na naman ang mukha ko. Hindi ko na lang inintindi kasi di ko naman mabawi yung kamay ko sa pagkakahawak niya. Nakarating na kami sa hospital at dumiretso sa kwarto niya pero iba na ang pasyente dun. Tinanong ko yung nurse na dumaan.

"Discharge na ba to?" sabi ko sabay taas ng kamay ko para ituro ang katabi ko pero nakalimutan ko na magkahawak pala kamay namin.

"A-Ah oo na po" ngumiti lang yung nurse, agad kong tinabig ang kamay niya at bumitaw sakanya.

"Di ka nagsabi na na-discharge ka na pala" sabi ko sabay pitik sa noo niya.

"Aray, kanina pa natotorture noo ko ha!" sabi niya habang nakahawak sa noo niya. Naglakad na ko palabas ng hospital.

Pauwi na ng dorm pero kinukulit pa rin ako ni Terrence at patuloy na hinuhuli ang kamay ko, gusto niya daw kasing hawakan. Eh meron naman siyang kamay, hawakan niya kamay niya.

Nag-vibrate ang phone ko kaya di ko na muna pinansin si Terrence saka sinagot ang tawag.

[Bes!]

"Oh?" maingay sa kabilang linya at mukhang nagkakagulo. Nagkaron ako ng feeling ng kaba.

"Ano?!"

-------------
A/N: Syet sumasakit tiyan ko dahil dito ghaadd hahaha ano nga ba yung sinabi sakanya ni Stacie para mapasigaw siya ng ANO?!

Anyways, 7 chapters to go hahaha abangan...

VOMENTS!!!

My Celebrity Boyfie [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon