Chapter 29
ANICA'S POV
[Now playing: All We Know by The Chainsmokers ft. Phoebe Ryan]
We're falling apart, still we hold together
We've passed the end, so we chase forever
'Cause this is all we know
This feeling's all we knowSa kasalukuyang nagsosoundtrip ako sa speakers ng convenience store. Why not enjoy life while you're still breathing right? Hahaha kinakailangan kong mag-enjoy kasi mamaya paktay na ako kay bombay (≧σ≦)
I'll ride my bike up to the road
Down the streets right through the city
I'll go everywhere you go
From Chicago to the coast
You tell me, "Hit this and let's go
Blow the smoke right through the window"
'Cause this is all we know>>Fast forward<<
"Hoy para kang bangag diyan na ewan" sabi ni Stacie, magtatambay daw muna siya kasi wala naman siyang gagawin, bored daw eh, kaya tumambay dito.
Hindi rin pala alam ni Stacie ang tungkol dun sa malaking utang na hanggang ngayon ay pinaghihirapan kong mabayaran. Just to let you know, masyadong matulungin yan si Stacie, baka bayaran niya pa yung utang ko na dapat di na niya pinoproblema. Ayoko namang bigyan ng problema si Stacie at ayoko ring mag-alala siya para sakin, kaya mas minabuti ko nang ako lang ang nakakaalam at ako na lang rin ang magsisikap para mabayaran ito, kaso nga eto kulang pa ng 20,000. Walangya kasi yung bombay na yun, namali daw siya ng tingin dun sa listahan, sa iba yung nasabi niya, ang utang talaga ni papa is 120,000. May malaking kompanya kasi si papa noon, and na-bankrupt iyon at may naiwan siyang malaking utang sa bombay, actually di naman talaga yun bombay, trip ko lang siyang tawaging bombay kasi diba naniningil ng mga utang hahahaha basta yun (≧▽≦)
Nagpaalam muna saglit si Stacie kasi babalik daw muna siya sa bahay nila para magpalit ng uniform dito sa store.
Nilabas ko yung check kung saan nakalista yung buong kabayaran na dapat maibalik sa paggastos ng buong kompanya na utang. Nakasulat doon ang pangalan ni papa, at yung pirma niya.
"Hays kahit kailan talaga madaling magtiwala si papa sa mga business partners niya dati" bulong ko sa sarili habang napapailing iling. Tumunog ang bell sa pinto, kaya agad ko naman itong tinago sa wallet ko at tumayo ng maayos sa pwesto ko sa cashier.
Pero ikinagulat ko na lamang ng makita ang pumasok...
"Pwede ba kitang makausap?"
Natulala ako dahil sa sobrang pagkagulat at bumalik lang ako sa matinong pag-iisip ng nag-snap siya sa harap ng mukha ko "Hey!"
"A-Ahm" tss di ko alam kung papayag ako o hindi kasi nasa trabaho ako eh -.-
"You don't need to worry about your father's debt" lumaki ang mata ko sa sobrang pagkagulat, hindi lang sa katanungang pano niya nalaman iyon? Kundi pati na rin sa sinabi niyang wag na akong mag-alala sa utang na iyon (#0.0#)
"I've already paid for it" dagdag niya pa. What the fvcking fvck is that?!?! (≧ 〇 ≦)
"W-What do you mean?" napapa-english pa ako sa sobrang pagkagulat, baka naman pinaglololoko niya lang ako?!
"Binayaran ko na, oh yan tagalog na (-ω-)" kung di lang ako in-shock nabatukan ko na to eh. Tumalikod na siya pero ilang hakbang pa lang ay hinawakan ko ang braso niya.
"Terrence wait!" sabi ko "Pano mo nalaman?" tanong ko ng makaharap ulit siya sakin.
"I...I just know" sabi niya at nabitawan ko yung pagkakahawak sakanya dahil may tumawag sakin, kaya naman nakalayo na ito at umalis na dito. Nakita ko pa itong sinuot pabalik ang cap at ang hoodie ng jacket niya.
"He-Hello?" pagsagot ko sa tawag.
[Kahapon pa kita tinatawagan kaso naka-off ang phone mo kaya ngayon lang kita natawagan. I'm just happy to tell you that somebody has already paid the debt of your father. Makakahinga ka na ng maluwag at makakatulog ng maayos kasi simula ngayon ay di ka na mag-aalala sa buhay mo, yun lang, salamat sa pagkumpleto ng utang ng papa mo, see you when I see you, bye!]
"Te../end call/...ka" aba bastusan, nagsasalita pa ako eh!
Pero bakit nga ba yun binayaran ni Terrence? Is he somewhat connected to my father? Pano niya yun nalaman? Bakit bigla-bigla?
Hindi ko maisip kung anong tumatakbo sa utak ng mokong na yun kung bakit binayaran na lang niya yung napakalaking utang ni papa. Kung bakit kinakailangan pang bayaran yung utang ng iba na kahit katiting ay di mo naman kaano-ano.
Pero kahit papano ay nagpapasalamat ako sakanya, tss akala ko talaga mawawala na ako sa mundong ibabaw eh, mabuti na lang at merong isang Terrence Lopez na nagsagip ng mga bayarin ni papa. Pero naiinis pa rin ako pag naririnig ko pangalan niya -.- sama ng impression ko dun eh tss bigla bigla ring umaalis eh kinakausap ko pa nga, mga tao talaga ngayon, lumalaking bastos sa kausap hays ni hindi pa nga ako nakakapag-thank you sakanya, babayaran ko na lang din siya pag naipon ko na tong pinagtatrabahuhan ko. Tutal yung natitirang 20,000 na lang yung binayaran niya.
Hanggang sa natapos ang shift ko ay patuloy ko pa ring iniisip kung bakit nga ba ito binayaran ni Terrence at kung paano niya ito nalaman. Pero parang nabunutan na ako ng ilang tinik na nakabaon saakin ng napakatagal, napakatagal ko ring pinag-iipunan yun eh.
Binayaran lahat ng kulang ko ni Terrence. Minsa'y napapaisip ako, kung bakit yung ilang mga tao sa paligid ko ay may malasakit saakin, samantalang yung mga magulang ko ay masaya sa pamilya nila, masaya sa kalagayan nila, at di nagpoproblema ng kung ano mang utang na kinakaharap nila kasi nasa maayos silang kalagayan.
Aaminin ko, masyado akong nagtatampo sa mga magulang ko at parang may mga kutsilyo na paulit ulit na tumutusok sa puso ko pag naalala ko na may mga magulang pa pala ako... hindi lang nila ako naalala.
---------------
A/N: Hays masakit naman talaga pag may naalala ka pero kahit konti ay di ka man lang maalala huhuhu saklaf bes (v_v,)
Sabaw chapter haha abangan ang next chapter mga kababayan hahaha love yah! ヽ(*⌒3⌒*)ノ
VOMENTS!!!
BINABASA MO ANG
My Celebrity Boyfie [Completed]
Novela JuvenilTerrence Angelo Lopez isa siyang lalaking nakakapanira ng araw ko at ng tahimik kong mundo. Isa siyang celebrity na sobrang laki ng ulo dahil sa mga naririnig na compliments mula sa mga fans niya. Gwapo pero mayabang. And guess what, he's My Celebri...