Chapter 15-Earphones

1.7K 25 0
                                    

Chapter 15

ANICA'S POV

Kanina pa ako kinukulit nung transferee, kanina pa ako naiirita sakanya kaso ayokong bumigay, baka masampal ko lang to sa sobrang inis ko, langya lang kasi simula ng maupo siya sa tabi ko, ang ingay na ng mundo ko kaya pati pakikinig ko naiistorbo. Aba rhyme hahahaha

"Miss, ano lunch mo?"

"Miss di ka ba napapagod magsulat?"

"Miss magkano ba ang pagkain sa canteen?"

"Ayy snob siya ohh"

"Miss..oyy miss...mi~"

"WHAT DO YOU WANT??!" napasigaw na ako sa sobrang inis ko. Resulta? ayun, nagtinginan sakin ang mga kaklase ko, at ang masaklap pa...

"Ms. Gonzales, do you have a problem with your seatmate?" tanong ni maam.

"Marami maam, kanina pa ako naiirita sa gagong to, kanina niya pa ako ginugulo dito, at kanina pa siya nangungulit about sa pagkain dito sa school" yan sana ang gusto kong sabihin kaso ayaw kong bastusin ang prof ko.

"Wala po maam" sabi ko at bumalik na lang sa pagsusulat, eto namang katabi ko nakangiti pa. Tsk!

"Since Mr. Lopez is comfortable with you Ms. Gonzales, ikaw na lang ang sumama sakanya dito sa university, kasi hindi niya pa kabisado ang school kaya ikaw muna ang magsisilbing guide niya" Like WHAT??!

"What?" sabi ko, tinaasan na lang ako ng kilay ni Maam. Tsk kainis naman to, sino ba tong nakakairitang lalaking to, pa-fame eh, konti na lang masasampal ko na to ng kabilaan.

"Yes maam" yan na lang ang sinabi ko since wala naman akong magagawa kasi siya yung teacher eh.

/bell rings/

"Okay class, don't forget to bring your assignments tomorrow, ang di makakadala bukas, papa-squat sa labas ng room habang naka-taas ang kamay, maliwanag ba?"

"Yes maam" sabay sabay na sabi ng mga kaklase ko. Nakatingin pa rin ako ng masama dun sa Terrence na yun, kabanas eh panira lang siya ng araw ko.

"Class dismissed" sabi ni maam at nagsilabasan naman na yung mga kaklase ko.

Binaon ko na lang sa braso ko yung mukha ko at sumandal sa armchair ko, nakaka-stress ang mga pangyayari ngayon dito sa school.

"Bes, punta lang ako ng CR ah, byeee" rinig kong sigaw ni Stacie at nag-wave na lang ako sakanya pero di ko pa rin inaangat ang ulo ko.

"Oyy" may nag-tap sa shoulder ko, aish ayan na naman siya.

"Oyy miss" tinap niya ulit yung balikat ko, pero this time, mas nilakasan niya.

"Ano bang kailangan mo ha?" irita kong tanong sakanya.

Binigyan niya lang ako ng blankong ekspresyon sabay nagtaas ng kilay.

"Haist...ohh san mo gustong pumunta?" sabi ko, wala naman akong magagawa kasi ako yung inassign ni maam sakanya.

"Canteen" sabi niya.

/Canteen/

"Excuse me...excuse me pooo, excuse po" sabi ko habang nakikipagsiksikan sa mga fangirls nung Terrence, like seriously? first day niya palang dito may fangirls na siya agad.

"Ohh tama na yan" sabi ko habang tinataboy yung mga nagpapa-picture sakanya "Tama na po" para tuloy akong security guard niya "Sige na po, balik na po kayo sa upuan niyo, salamat po" sabi ko in nice tone.

Nagsialisan na rin yung mga fangirls pero yung iba kumukuha pa rin ng pictures niya sa malayo.

"Ohh ayan!" iritableng sabi ko sakanya ng hinagis ko sakanya yung juice at sandwich na pinapabili niya.

Kinain na niya yung sandwich without even saying thanks to me, aba walang hiya tong lalaking to, famous ba siya, kung makaasta siya ahh.

Tiningnan ko lang siya, familiar talaga siya eh, sh*t siya ba yung nakabangga sakin nung Saturday, bat ngayon lang kita naalala ha?

Binatukan ko siya. Hahaha bat kasi ngayon ko lang naalala, lengya naman ohh.

"Aray" sabi niya at hinawakan yung batok niya "Para san yun?" tanong niya.

"Para sa pagbangga sakin nung Sabado" sabi ko at binatukan ko siya ulit.

"Ahh!" sabi niya, napahawak ulit siya sa batok niya.

"At yan para sa mga fangirls mong nakakairita" sabi ko. Nag-walk out na ako, kainis naman, bahala siya bumalik ng classroom mag-isa.

Bumalik na ako sa classroom pero eto, di pa rin bumabalik yung Terrence.
Buti nga, walang nangungulit sakin.

"Psst..." napatingin ako sa dereksyon kung saan galing yun "Bat kanina ka pa diyan wala sa sarili?" tanong niya.

"Naiinis kasi ako Justin sa new transferee, andami niya palang atraso sakin, kanina ko lang naalala, tapos ngayon naging responsibilidad ko pa siya" sabi ko sakanya.

"Haha samahan na lang kita sa pag-tour sakanya dito" pag-presenta niya.

"Talaga?" sabi ko at halata naman na abot langit na ang ngiti ko dahil sa sinabi niya.

"Oo naman, para sayo eh hahaha" sabi niya at ayun dumating na yung next prof, kasabay ng pagdating nung Terrence.

Wala naman masyadong ginawa ngayong araw kasi di pa naman masyadong ayos yung klase.

>>fast forward<<

Wew uwian na, sa wakas. Niligpit ko na yung mga gamit ko pero lengya talaga ohh, ililibot ko pa pala yung isa dito sa campus, sa lahat ba naman kasi ng estudyante sa school na to, ako pa yung na-assign dito. Andami naman niyang fangirls, for sure di yun tatanggi.

"Anica, hindi pala kita masasamahan ngayon kasi pinapauwi ako agad ni mama, emergency daw next time na lang ahh" sabi ko nga ehh, di talaga ko masasamahan ni Justin tch.

"Uyy bes, mauna na ako ah, bibili pa ako nung pinapadala bukas" tumango na lang ako sakanya.

Sige, iwan niyo ako, ganyan naman kayo eh huhuhu. Andrama pfft mag-tour lang naman dito ehh.

"Dito yung canteen, alam mo naman to diba? Nung pumunta tayo dito kanina?" walang sumagot.

"Papunta diyan yung CR ng girls at papunta dun yung CR ng boys"

"Ayan yung gym, kadalasan diyan ginaganap ang mga events dito sa school"

"Eto yung principal's office, yung katabi ay admission office, then registrar, guidance, and isang SC office"

"Yan yung library"

"Tangina kanina pa ako nagtatalak dito, di ka naman pala nakikinig!" sabi ko, kasi naman nung tumingin ako sakanya, naka-earphones lang siya.

"Potek, maghanap ka ng mag-tour sayo dito, wala akong pake kung mawala ka dito!" pahabol ko at nag-walk out na.

Kainis naman ng araw na to ohh. Makaalis na nga dito.

-----------------------

A/N: OMG!! long update at yehet nakaabot rin ng chapter 15.

Well, sabi ko nga matatagalan ang next update pero eto nag-update na naman ako, wala akong magawa eh.

Magdiwang tayo kasi nakayanan ko mag-puyat waaaaahh sino nakanood ng livestream ng Exoluxion??

Hahaha okay EXO-L feels bwahahahaha geh next time naman, abangan niyo next update ahh.

VOMENTS!!!

My Celebrity Boyfie [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon