Chapter 42-Siya pala

823 10 4
                                    

Chapter 42

STACIE'S POV

[Oo bes] sabi niya mula sa kabilang linya. Biglang bungad ba naman sakin na pinagtulungan siya ng mga fangirls ni Terrence nung saktong pagtawag ko sakanya.


"Sinasabi ko na nga ba, diba sinabi ko naman sayo na mag-iingat ka"


[Nag-iingat ako bes pero andami nila, di ko kaya yun eh]


"Tsk tsk tsk baka kagagawan yan ni Margaret. Salbahitang demonyita talaga yung babaeng yun"


[Pft bes hahaha ang panget ng nickname mo sakanya....] ayy aba dapat nga lang [but I like it wahahaha] tsk kung katabi ko lang yun eh nabatukan ko na kanina pa.


"Baliw, humanda ka pag nagkita tayo"


[Hahaha di ako magpapakita sayo bes]


"Kung di lang ako pinapatawag ni mommy, kanina pa ako nandiyan sa harap mo at pinagbabatukan ka"


[Haha sorna bes] tch parang baliw -.-


ANICA'S POV


"Nay.."


[Ay langya talagang batang to oo, sinabihan ko namang mag-iingat eh!] bungad sakin ni nanay ng ibigay sakin ni ate She yung phone niya, since wala akong load para tawagan si mama, eh si ate She ang tumawag sa number ni nanay.

"Eh nay, nag-iingat po ako, nagkataon lang na marami sila, eh di ko naman ata kaya nay" sabi ko "Aray"

"Ay sorry" sabi ni Justin. Ginagamot niya kasi yung mga galos ko habang si ate She naman ay nilalagyan ng yelo yung pasa ko.

[Nasaktan ka ba nak?] biglang nagbago ang tono ng pananalita ni nanay.

"Di naman nay, konting galos at pasa lang naman inabot ko"

"Oh eh anong konti diyan iha, sasabunutan ko yung mga yun at igugudgod ko sa semento ang mga pagmumukha kung nandun lang ako kanina eh" singit ni ate She.

[Oy anak...]

"...sabi ko naman sayo mag-iingat ka eh. Kunin mo na yung offer nung manager ni Terrence" napalingon ako sa nagsalita na kakapasok lang sa convenience store.

"Nay!" binaba ko na yung tawag since andito na si nanay.

"Leche ano susugurin ko na ba?"

"Nay kalma lang, madali lang naman to maghilom, tsaka di naman masakit nay....araaayyy" napaimpit ako ng sigaw ng biglang hinawakan ng mahigpit ni nanay yung braso ko. Nag-peace sign na lang ako sakanya.

"Oh hala pupuntahan ko na yung manager ni Terrence~"

"Eh nay naman, bigyan mo pa ko ng panahon mag-isip"

"Mag-isip mag-isip pero di naman talaga pinag-iisipang mabuti. Di mo ba nakikita, nanganganib na buhay mo nak, sige na sumama ka na sakanila"

"Eh nay para namang pinapalayas mo ko" sabi ko kay nanay.

"Hindi naman sa ganon nak, iniisip ko lang kapakanan mo. Isa pa, sabi sakin ng mama mo alagaan daw kita ng mabuti~" natigil si nanay ng mag-sink in sa utak niya ang mga pinagsasabi niya. Nakalimutan niya ata na nasa harap kami ni ate She at ni Justin. Nakatingin lang silang dalawa kay nanay.

My Celebrity Boyfie [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon