Chapter 6-Mister

2.2K 33 3
                                    


Chapter 6

TERRENCE'S POV

Lumabas muna akong saglit, ang ingay kasi sa loob. Bigla namang nag-flashback sa isip ko yung babae kanina. Server siya, ano kayang mangyayari sakanya pagkatapos ng nangyari?

Sa tingin mo ba papalampasin to ng manager niya? malamang sa malamang naglalakad na yun pauwi dala yung mga gamit niya sabi ng inner voice sa utak ko.

Konsensya ko pa tuloy. Feeling ko kasalanan ko pag nawalan siya ng trabaho.

Tumakbo ako papunta sa loob ng hotel...

"Nasaan na yung babaeng server kanina?" tanong ko sa isa sa mga server rin.

"Ah sir, fired na po siya, umalis na po siya kani-kanina lang dala yung mga gamit niya"

"Ano? wala na siyang trabaho?" gulat na tanong ko. Tumango lang yung dalawang pinagtanungan ko. Kailangan ko pa ngang mag-sorry sakanya, pakiramdam ko kasi talaga kasalanan ko to.

Kinuha ko yung black cap ko at sinuot yun, saka lumabas ng hotel, siguro naman hindi pa yun nakakalayo, baka mamaya mag-suicide yun, konsensya ko pa talaga, uy joke lang.

Haay mukhang hindi ko na siya maaabutan pa.

Wag kang mawalan ng pag-asa sabi ng inner voice sa utak ko.

Anong wag mawalan ng pag-asa, eh nakasakay na nga sa bus, alangan naman habulin ko pa yung bus, mag-sosorry na lang ako pag nagkita kami ulit, bumalik na ako hotel. Hindi sa pool party kundi sa mismong room ko dito.

Haayy makapagpahinga na nga lang, humiga na ako sa kama at natulog na.

ANICA'S POV

Ang dami kong dala, para naman akong pinalayas. Tumingin-tingin na lang ako sa labas ng bintana ng bus, para naman tuloy akong nasa movie, yung iyakan scene, nakakainis.

Stacie calling....... Sinagot ko yung tawag.

"Hello" sabi ko sa kabilang linya.

[Bes hindi ka man lang nagsabi na hindi ka na nagtatrabaho dito, di ba sinabi mo rin na mag-kita tayo pag tapos ka na, ang bad mo talaga] sigaw niya na parang bata. Kaya siya nasa hotel kanina ay dahil dun siya naka-check in, mayaman eh. Tumawa naman ako ng mahina.

[Hoy anong nakakatawa?] sabi niya sa kabilang linya.

"Natatawa ako kasi maghahanap na naman ako ng trabaho, panibago na naman ang mga makikilala ko, bago na naman ang papasukan kong trabaho" tumatawa ako na parang umiiyak. Huminto ang bus ng biglaan kaya napasubsob ako sa upuan sa harap ko. Aray ko naman manong, may galit ka ba sakin? May sumakay sa bus pero hindi ko na lang pinansin.

[Uy wag ka nang malungkot, sigurado ako na makakahanap ka ng trabaho na mas maayos pa kesa sa dati mong trabaho , kaya wag ka nang malungkot]

"Hehe, ayos lang ako" ang fake ng tawa ko. Napansin kong may tumabi sakin, eto ata yung sumakay kanina, umusog ako ng konti at tumingin sa labas ng bintana.

[Ayos ka na? Sigurado ka?..... oh sige ha bye na muna, may pupuntahan pa ako eh] sabi niya at binaba na yung tawag.

"Bye" sabi ko. Tinago ko na yung phone ko sa bag ko at palihim na pinunasan ang mga luha ko.

"Para po" sigaw ko. Nag-excuse me ako dun sa katabi ko pero hindi ko tiningnan yung mukha niya, nakakahiya kayang humarap sa maraming tao na kakaiyak mo lang. Tas namumula-mula pa yan eh haha.

JUSTIN'S POV

Teka eto yung babaeng binigyan ko ng eraser sa park ha. Tumabi ako sakanya at palihim siyang tiningnan, hala bakit to umiiyak. Pinunasan niya yung luha niya at nag-para. Nag-excuse me siya kaya pinaraan ko.

Nagdadalawang isip tuloy ako.

Tumayo ako at pinigilan yung pinto ng bus na sumasara. Bumaba ako ng bus at hinanap yung babae

Ayun, nag-isip ako ng gagawin ko.

"Tulungan na kita" sabi ko with matching ngiti at kinuha yung mga dala niya.

---------------------

A/N: Hello po, sorry po kung natagalan yung update ko, madami po kasi akong inayos na assignments at projects.

Sorry din po sa mga typos, napapatulog na po kasi ako eh, pero nag-update pa rin ako kasi mahal ko kayo charot hahaha Terrence in multimedia.

VOMENTS!!!

My Celebrity Boyfie [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon