Chapter 41-Please

790 9 0
                                    

Chapter 41

ANICA'S POV

Orion Entertainment....hays nakalimutan ko na si mama dahil sa sunod sunod na nangyayare sakin. Pati nga kung saan siya nagtatrabaho nakalimutan ko na rin.

"Haayyy sorry ma..." bulong ko sa sarili ko.

"Oy bes! Mauna na muna ako, pinapatawag ako ng mommy ko" sabi ni Stacie na kakabalik lang galing dun sa nagtitinda ng dirty ice cream.

"Ahh sige, so I guess ako lang ang papasok sa convenience store"

"Sorna bes haha sige mauna na ko ha, ingat you babush" sabi niya at saktong may kotse na pumarada sa harap niya saka naman siya pumasok sa kotse na iyon.

Kinuha ko ang phone ko.

To: Mama

Ma, sorry, ngayon ko lang ulit naalala. Sorry kung ngayon lang ulit ako nag-message sayo. Sorry ma...

Maglalakad na lang ako papuntang convenience store since malapit na rin naman na.

Hays wala akong magawa. Habang naglalakad ay may mga babaeng humarang sakin. Lahat sila ay masasama ang tingin sakin. May isang babae ang bumulong sa babaeng nasa gitna, may kataasan ito at parang siya ang lider ng mga to.

"So...ikaw pala yung babaeng lumalandi kay Terrence?" napakunot ako ng noo dahil sa mga sinabi niya. Ako? Lumalandi? Kay Terrence? Wtf

"Base on what we saw on the picture, pinipilit mo lang si Terrence na dumikit sayo. To be exact, malandi kang babae ka!" napalakas na ang boses niya. Napapaatras na lang ako dahil may karamihan sila, marunong akong lumaban, pero di ko kaya silang lahat.

"A-Anong sinasabi mo?"

"Tss nagmamaangmaangan ka pa ha" sabi nung isang babae na katabi nung parang lider saka ako sinipa sa tuhod, dahilan para matumba ako. Shet ang sakit ng pagkasipa niya.

Lumapit naman yung parang lider sakin. At sinampal ako, masyadong malakas yung pakasampal niya halos matanggal ang panga ko. Sasampalin pa sana niya ako pero napigilan ko gamit ang kamay ko.

"Huh...lumalaban ka ha" sabi nung isa pang babae at sinenyasan yung iba. Hinawakan ang mga braso ko nung ibang mga babae, di ako makapalag dahil andami nila.

"Please someone....help me" tanging bulong ko ng sunod sunod na sampal, sipa at sabunot ang natanggap ko.

JUSTIN'S POV

"Anong gagawin ko? Natatakot ako" sabi ni Margaret na nanginginig pa rin dahil sa pagkabahala dun sa lalakeng sumusunod sakanya since 4 years ago.

"Baka iba naman yung nakita mo dun" sabi pa ni Jesver. Agad ko naman siyang binatukan.

"Ikaw ba ang nakakita ha?"

"Sinasabi ko lang, baka kasi iba naman" sabi niya na kumakamot-kamot ng ulo.

"Sigurado ako na siya yun. I know his face, I know because he was following me ever since" sabi niya at parang naiiyak.

"Why can't you just tell the police?" sabi ko at umayos ng upo.

"No! Hell no! Magagalit sakin si daddy. He is not in good terms with police officers, and ayaw niya na magkaron ng connections ang pamilya namin sa mga pulis" paliwanag niya.

"Tss he still don't care about your case"

"No. You just don't understand"

"I'll help you catch him. If you can't report this to the police, then I will"

"Yah Justin, what are you planning?"

"Just stay calm. I'll be back"

"Hoy bro, you sound cool 5 seconds ago" agad ko namang binato sakanya yung throw pillow sa sofa. Hindi ko alam kung pano ko yun nakuha, basta binato ko na lang "Aw, that was a compliment!"

TERRENCE'S POV

"Tsk tsk mga bata nga naman, di na nakuntento sa buhay. Sinisira lang ang career" rinig kong sabi nung isang lalake na may edad na sa isang restaurant na nanunuod ng news. Napadaan lang ako. Syempre naka-disguise na naman, eh pano madaming tao, lalo na ngayong kalat na ang issue tungkol sa pictures.

Dumeretso na ako sa isang eskinitang daan. Di ko alam pero nakapunta na ko dito dati eh, di ko alam kung pano.

Nahinto ako ng masagi ng mga mata ko ang isang grupo ng mga babae na parang may...

"Stop!" hindi ko alam pero kusang bumuka ang bibig ko para isigaw ang salitang yan. Nagsitinginan naman sila at saka ko tinanggal ang cap ko.

ANICA'S POV

"Terrence" bulong ko sa sarili ko. Siya nga, bakit siya nandito? Ilang days na hindi nagparamdam sakin si Terrence, pero bakit bigla na lang siyang lumitaw?

Agad akong binitawan nung mga babae, at dahil wala na akong lakas napaupo ako sa lupa.

"A-Ah T-Terrence" sabi nung babaeng lider.

Lumapit sakin si Terrence at lumuhod para mapantayan ako. Nilagay niya yung cap niya sa ulo ko saka inayos. Nakatingin lang ako sakanya habang inaayos ang cap sa ulo ko. Hinawi niya rin ang buhok na tumatakip sa mukha ko. Tumingin lang din siya sakin saka umiwas ng tingin at tumayo.

"Gusto niyo ng fansign?" sabi niya dun sa mga babae, tumango-tango naman yung mga babae at saka dumikit kay Terrence. Nakaalis na sila.

"Anica!" sigaw ng isang pamilyar na boses mula sa malayo. Napatingin naman ako sa kung saan nanggaling ang sigaw na yun.

"A-Ah Justin" sabi ko at tinulungan niya akong makatayo.

"Anong nangyare sayo? Aish ang daming galos sa mukha mo" sabi niya at hinawakan ang mukha ko. Agad naman akong yumuko. Shet nakakahiya.

"Halika at gamutin natin yang mga galos mo" sabi niya at inalalayan akong maglakad, nanghihina ako dahil sa mga natanggap kong sipa at sabunot. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganon.

TERRENCE'S POV

/flashback/

Ang gulo ng buhok niya at ang pula ng mukha niya, siguro dahil sa sampal at sipa sakanya nitong mga babaeng to. Hinawakan ko ang mukha niya para makita kung gaano kalala ang galos niya.

Shit bat ko ba to ginagawa? Umiwas ako agad ng tingin sakanya.

"Gusto niyo ng fansign?" tanong ko dun sa mga babae na hindi inaalis ang tingin kay Celine. Alam ko mas lalala lang ang sitwasyon kung sasamahan ko siya, mas mabuti nang umiwas sa gulo. Naglakad na ako palayo habang nakadikit sakin yung mga babae at kung ano ano ang tinatanong, pero di ko naman naiintindihan kasi sabay sabay sila. Napalingon ako sa lugar kung saan kami galing at nakita si Justin na tumatakbo papunta sa may eskinita.

Please take care of her

--------------

A/N: Kabardet yung data ko dito huehue inuubos yung battery percentage ng phone ko, saklaf hahays. Heyyyy guysss, I'm posting all the chapters na ahihihi. Goodluck sakin hahaha

VOMENTS!!!

My Celebrity Boyfie [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon