Chapter 52-Bright Idea

742 12 0
                                    

Chapter 52

JUSTIN'S POV

Argh naiirita na lang ako sa dalawang yan. Pabalik-balik sila, ano ba gustong ipamukha ng dalawang yan? Para sabihin ko lang sainyo, wala akong pake kung KAYO na, magsama kayong dalawa, parehas weirdo tsk.

"Jesver kasi!"

"Teka nga at kunin ko yung firstaid kit" sumilip ako sa kitchen kung saan sila naroroon. Biglang bumalik si Jesver dala-dala ang firstaid kit at agad niya itong binuksan at kumuha ng alcohol.

"Ayoko ng alchohol!"

"Pft mukha kang bata"

"Eh sa ayaw ko talaga ng alcohol. Sugatan kita makita mo, ibababad pa kita sa alchohol"

"Joke lang"

Tss ipag-untugan ko kayong dalawa eh. Biglang may bumatok sakin mula sa likod. Ano ba yan tumatago ako eh!

"Inggit ka?" tumingin ako sa nagsalita. Shit andami na namang iisipin si mama like NAGSESELOS ako, INGGIT ako at kung ano ano pa.

"Di ah" agad kong sambit saka umalis na. Lahat sila parang ewan. Makaalis na nga dito.

JESVER'S POV

She's so damn pretty. Isang ngiti pa at baka di ko mapigilan ang sarili ko. I like her, simula pa lang, ng una ko pa lang siyang makita. But the thing is....

/Flashback/

"Waaahhh *hik* palagi na lang siyang galit sakin. Jesver ano bang meron ang iba na wala sakin? *hik* sabi ni mommy maganda naman ako, matalino *hik* ahhhhh baka hindi ako ganon katalino" pinagsusuntok niya ng mahina ang ulo niya. Agad ko namang hinawakan ang kamay niya para pigilan.

"Maganda ka, matalino ka, mabait ka, nasayo na ata ang lahat. Manhid siya kung di niya pa maramdaman na mahal mo siya" sabi ko sa pinakaseryoso at sinserong tono ko. Totoo naman eh, she's so true to herself to the point na hindi maintindihan ng iba ang puso niya. I tried, and I understand her heart.

Not knowingly, she had fallen deeply in love with Justin. Truth hurts, totoo pala ang qoutang yun. Masakit man pero kakayanin, para lang sakanya.

"Baliw ka talaga *hik* Jesver *hik* bakit nga ba hindi ko napagpapalit mukha niyo ni Justin, kahit lasing na lasing na ako? *hik* ah siguro dahil sa katotohanang magkaibang-magkaiba ang ugali niyo *hik* Baliw ka, matino siya" sabi niya at pasuray-suray na naglalakad at nagtuturo-turo pa sa kung saan na tumatawa na parang baliw. Sinundan ko lang siya.

Humarap siya sakin dahilan para mapahinto ako sa paglalakad.

"Bakit kasi hindi na lang ikaw ang mahal ko? Kung ikaw sana ang laman ng puso ko, hindi sana ako naghihirap ng ganto" sabi niya at tumulo ang luha sa gilid ng mga mata niya. Niyakap ko siya para mabawasan ang sakit na nadarama niya. Oo, sinabi niya sakin na mahal niya na daw si Justin, akala niya nung una hatred lang, and slowly that hatred become admiration, and slowly and unknowingly, it turned out to be love.

"Shh tama na ang kakaiyak. Sige ka magang-maga yang mata mo bukas. Tsaka sino kasi nagsabi sayo na pwede kang uminom, mabuti na lang at may nakapagsabi sakin na nandito ka lang pala sa bar na to" ayun, pikit na ang mahal na prinsesa "Tulog ka na?"

"Hmm" tumatango-tango siya. Pft baliw, tulog na daw? Hahaha.

Binuksan ko ang kotse at inilagay siya sa upuan malapit sa driver's seat.

"Tch hoy yung strap ng damit mo nahuhulog na!" suminok lang siya habang nakapikit pa.

"Tsk tsk tsk knockout na" mabuti na lang at may tela sa likod at ipinang-kumot ko sakanya.

/End of flashback/

"Ayusin mo nga" sabi niya at akmang kukuhanin na ang cotton sa kamay ko "Ako na nga lang"

"Inaayos ko nga eh"

"Wag mo nga kasing diinan at masakit" kukunin niya sana ulit kaso itinaas ko ang kamay ko.

"Gagamitin mo na naman height mo"

"Ako na nga kasi. Di ko na didiinan" kumuha ako ng bandage at ipinaikot ito sa paa niya. Pano ba naman sabi ko magtsitsinelas siyang pambahay sa loob eh, ayan tuloy nabubog.

ANICA'S POV

Kakatapos lang ng scenes namin ngayon, and I think the drama will end soon. Parang ang bilis lang ng panahon.

Pinatawag kami ni Miss Cassy sa office niya. KAMI, ibig sabihin may kasama ako, sina Margaret at Terrence lang naman.

"Paka-air ng drama ay magdedebut na kayo ni Terrence" baling sakin ni Miss Cassy "And you two, kailangan niyong mag-act as couple okay? Love team lang naman kaya makakahinga pa kayo ng maluwag"

Haayy ieexpect ko na ang PDA for real in front of cam, and in front of me, and in front of ebribadeh.

"Yes Miss Cassy"

"Kayong dalawa, mag-practice na kayo ng debut performance ninyo" sabi ni Miss Cassy na nakatingin saming dalawa ni Terrence "Terrence, since your a senior, ikaw na bahala sa performance niyo okay? I want it to be your song"

"Owemji Owemji" yehet nakaka-excite ang first on-stage namin, and yet nakakakaba at the same time.

"So you two better start composing your own song now, kailangan niyo ng teamwork para diyan. You can't make your song with your mind, but create it with your heart" aba may naipuslit pang qoute. Di ko namalayan na umalis na pala si Margaret, kanina pa ata yun wala sa tabi ko. At ayun, umalis na rin si Terrence kaya sumunod na lang ako, nagpaalam ako kay Miss Cassy. Bastos na mga bata yun, di man lang nagpaalam tch.

"Hoy Terrence! Kailan tayo magsisimula?" tanong ko habang sumusunod pa rin sakanya na naglalakad.

"Gumawa ka rin ng sayo"

"Baliw ka, di ka ba nakinig? Isang kanta lang ang kakantahin natin, and that would be OUR song"

"Yeah, our song, isa sa kanta natin ang ipapasa natin kay Miss Cassy" sabi niya at biglang umalis "Bahala ka kung lumabas ka or kung ano mang gawin mo, wag mo lang akong iistorbohin sa kwartong yun" sabi niya sabay turo sa isang kwarto.

"Tch pwede namang sabihin mo na lang na ayaw mo kong makasama sa paggawa ng kanta! Hindi yung andami mo pang ka-echosan sa buhay" sigaw ko habang papalayo siya.

Hay pinapagod ako ng entertainment na to. Ganito ba talaga ang buhay ng mga celebrities. Tsk tsk tsk nakaka-stress!

Napatapilok ako habang naglalakad sa hallway at may humawak sa kamay ko para ata di ako matumba.

"Oh..."

"Ay jusko, mag-iingat ka kasing bata ka"

"Hmm kung makasabi ka naman parang ang tanda mo na, dalawang taon nga lang age gap natin eh"

"Hindi mo pa rin mababago ang katotohanang mas matanda ako sayo nene"

"Hah nene? Ako?" gusto ko na siya batukan kaso mas matanda nga siya sakin. Si ate Ruth, siya yung janitress na bigla ko na lang isinama noon sa pagkain sa cafeteria.

"Ate Ruth, ipuslit mo nga ako palabas" agad na nanglaki ang mga mata niya "Kailangan ko ng inspirasyon sa paggawa ng kanta"

"Baliw ka ba? Matatanggal ako sa trabaho neto eh" napasimangot ako "Pero may bright idea ako" sabi niya ng naka-smirk at nagtataas-taas pa ng dalawa niyang kilay.

-----------------
A/N: Hahaha magkasama na sa kalokohan ang dalawa, nakakuha ng kalokohan-buddy si Anica mwehehehe. Abangan....

VOMENTS!!!

My Celebrity Boyfie [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon