Chapter 32-Walkout

870 14 0
                                    

Chapter 32

ANICA'S POV

I submitted my thesis on time kaya naman ay nakatulog ako ng mahimbing char haha lemme rephrase that 'I submitted my thesis on time kaya naman nakatulog na ako agad'

The next day sa canteen...

Ringing.....

[The number you have dialed is now unattended...]

Tss di man lang sagutin eh -.-

Maaga akong pumasok sa school ngayon. Andito ako ngayon sa canteen and trying to call Terrence. Di pa talaga ako nakaka-thank you sakanya eh, isang malaking pabor yun para sakin, at di ako mapakali kung paano ko mababayaran ang utang na loob ko sakanya. And now, I'm trying to talk to him, to say thank you.

Biglang nagkumpulan ang mga tao malapit sa glass na bintana ng canteen kung saan ang pathway papunta sa mga classrooms ng university.

Yung iba ay naghihiyawan, nagsisigawan at mas malala ay may sumisipol pa na parang pang-manyak.

"Witwiw sexy!"

"Psst dyosa tol"

"Ganda fvck!"

Naririnig kong sigaw ng mga lalake, kaya naman lumapit ako para makitingin kung ano nga bang nangyayare kung bakit sila nagkakagulo ng ganyan.

"Sino naman yan?"

"Masyadong famewhore tsk"

"Maputi lang naman eh"

Narinig ko namang sumbat ng mga babaeng kasalukuyan ay nasa tabi ko at nagbubulungan. Yung iba ay lumabas na ng canteen para mas makita ng masinsinan kung ano pa man ang tinitingnan nila. Hindi ko masyadong makita kasi nagsisiksikan ang mga tao at halos lahat ng estudyante sa buong university ay nakatutok sakanya ngayon. Yung iba pa nga'y napapahinto sa paglalakad at napapanganga sa nakikita.

Parang mga baliw. Napapailing na lamang ako sa mga estudyanteng nandito, masyado silang judgemental and mga manyak, pati ba naman legs ng babae pinagpapantasyahan ng mga lalake tsk.

"Bes!" rinig kong sigaw ng pamilyar na boses, sino pa nga ba? Edi si Stacie.

"Anong pinagkakaguluhan nila?" bungad ko sakanya. Umalis na kami sa mga nagkukumpulan na estudyante at saka binalik ang tuon sa kanya.

"Diba obvious? Edi yung babae na mukhang kaka-transfer pa lang" napakunot ang noo ko. Mga tao nga naman, saka lang papasok pag patapos na ang sem tsk tsk tsk.

"I mean sino yung babaeng yun?" sabi ko sabay tingin dun sa babaeng naglalakad na naka-mini skirt, fitted crop top and stilletos.

"Gosh mukhang kilala ko siya!" bulong nung isang babae na di ko kilala mula sa kalayuan.

"Tanong mo sakanya" sabi ni Stacie saka ngumuso dun sa babaeng narinig namin na bumulong.

"Ay hala, kilala ko yan ha!"

"Shet siya nga!"

Rinig ko pang sabi ng iba, anyways wala rin naman na akong gusto pang alamin tungkol sa mga transferees, no time for that. Aalis na sana ako ng biglang may magtilian at sigawan ulit sa may gate, rinig na rinig namin dito kasi medyo malapit lang ang canteen sa gate.

Nakalayo na yung babae at pumasok ito sa principal's office, transferee nga siya. Hinila naman ako ni Stacie papunta dun sa may gate kung saan nagsisiksikan na naman ang mga babae at nagtitilian.

Madaming reporter sa labas. Flash dito, flash doon....

Bumaba na yung nasa loob ng itim na sasakyan.

/Classroom/

"So unexpected, Mr. Lopez" sabi ni Mrs. Tapias. Napapa-smirk na lamang siya sabay taas taas ng kilay. Baliw kasi, diba malapit na debut niya? Bat siya pumasok?

"And by the way, there's someone new here. I bet you've just seen her a while ago walking somewhere around the university"

Ang iba'y napapa-woah at napapasipol, everyone loves having some big fuss in the university, like transferees. Gustong-gusto nila yung may something na mapagkakaabalahan at mapagtsitsismisan, ganyan sila eh tsk.

"You may come in miss"

Pumasok naman ang isang babaeng payat di sexy payat! na may konting ombre sa ibaba ng buhok at naka-civilian na damit kasi nga kakapasok lang diba? May suot siyang sunglasses, siya yung babae kanina na nakita ko sa hallway ng canteen...

Ang lahat ay napa-woah at natulala sa pagpasok nung babae. May isang lalake na sumipol ng malakas kaya naman nag-ingay na ang lahat at ang iba pa ay nagbubulungan. Pero may isang naka-agaw ng pansin ko...

Biglang may tumayo sa tabi ko. Tiningnan ko siya at tanging ang mga mata niya lamang na puno ng galit ang sumalubong. Hindi maipinta ang mukha niya dahil sa sobrang pagkakunot ng noo nito at sa pagkuyom ng mga kamay sa gilid. Halos ang lahat ay nakatingin sakanya, magsasalita na sana ang prof ng bigla siyang naglakad ng padabog palabas ng room at sinara ng napakalas ang pinto.

Ang lahat ay nagulat sa ginawa niya at napaupo si Mrs. Tapias dahil sa pangyayaring ito, ngayon lang kasi may nambastos sakanya tulad ng ginawa ni Terrence. Hindi ko rin iyon inaasahan sakanya, bakit nga ba nagkaganon yun? Anong nangyare sakanya?

"Ehem" masyado kaming nadala sa scene na yun to the point na nakalimutan na namin yung about sa transeferee, nakita ko rin yung reaction niya sa ginawa ni Terrence kanina, parang shocked din siya sabay tanggal ng sunglasses with class.

"Oh by the way, please introduce yourself miss, just don't mind him. His a trainee, maybe he's just stress and all" sabi ni Mrs. Tapias at tumango na lamang yung babaeng transferee.

"Uhm...I'm Margaret Nicole T. Smith" sabi niya at dumeretso papunta sa hulihan at may isang lalake naman na muntik pang masubsob sa sahig dahil sa kakamadali na maglaan sakanya ng upuan, binigay nung kaklase kong lalake na si Jay yung upuan niya at pumunta sa labas para kumuha ng sarili niyang upuan.

Hinila niya yung upuan papunta sa likod, which means papunta sa part ko, nakatingin lang siya sakin without looking to anyone, kaya naman napayuko ako sa ginawa niya. Tss nakaka-insecure siya ha, porket maganda siya eh huehue

Pero teka, ano nga bang nangyare kay Terrence? Bat nagkaganon yun bigla? May mali ba sa mga nangyayare? Bat parang galit na galit siya?

---------------

A/N: Yeah whatever hahaha bat nga ba andaming transferee? Kabanas bes haha kung kailan patapos na yung sem eh (^o^)/

Btw ipost ko na ngayon kasi bukas na ata expiration date netong load ko hahaha. Ayan na si Margaret hahaha ngayon lang lumitaw, nalimutan ko na eh sorna agad hihihi pero syempre joke lang, planado na yan ahee ahee abangan niyo next chapter mga pards! (∩_∩)~♡

VOMENTS!!!

My Celebrity Boyfie [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon