Chapter 28-Cuter than my ex's

970 19 0
                                    


Chapter 28

ANICA'S POV

Habang nagbibilang ng pera ay tumawag na nga siya...

Calling bombay so panget ewewew...

Tss sinasabi ko na nga ba at magpaparamdam at magpaparamdam din yan. Alam ko namang di niya pa nakakalimutan yung sinabi niya, na sisingilin na niya ako bukas. Huhuhu goodbye world na meh ಥ_ಥ

"He~"

/insert phone shutting down ringtone/

"Ayy takte" sasagutin ko na sana yung tawag kaso biglang nag-off ang phone ko, deadbat na sheyt di pa pala ako nagchacharge waaahh baka makahingi pa ako ng dagdag na palugit eh, tapos bigla namang magooff ang phone ko, saya eh, mamamatay na ako't lahat lahat, di pa rin umaayon ang tadhana sakin waaahh (~_~;)

So eto ako ngayon, naghihintay macharge ang phone ko (T^T) masyadong epal eh. Binalik ko na lang ulit ang atensyon ko sa pagbibilang ng pera.

"Asan na nga ba ulit ako?" tanong ko sa sarili ko. Kasi naman nawala na ako sa pagbibilang dahil sa bombay na yun.

"10,11,12 (︶︹︺) di pa rin abot waahh pano na ko nito?" sabi ko at humiga sa kama at tumingin sa kisame na masyadong maraming iniisip.

Hours later....

"Hoy nak! Bumaba ka na dito at di ka pa nanananghalian! Juskong batang ito pag ikaw nagkasakit hay naku!" sigaw ni nanay mula sa ibaba ng hagdan at nafefeel ko na parang paakyat siya ng hagdan.

"Nay, susunod na lang po ako. Mauna ka na pong maghapunan, ako na pong bahala sa hugasan" aba rhyme hahaha

"Oh sige, ikaw bahala, basta kumain ka na pakatapos mo niyan ha!" sigaw pabalik ni nanay at ayun nawaley na.

May pinagkakaabalahan kasi ako kanina pa. Sabi daw dito sa nakita kong advertisement "online job" na parang magtututor ka ng English sa mga Korean, Japanese or Chinese. Alam ko tong site na to eh, sikat siya sa mga naghahanap ng trabaho online, malaki daw ang fee every hour kaya sinubukan ko kanina hehe bale dalawa na yung naturuan ko simula kanina and every hour is 1,500 pesos kaya ni-grab ko na talaga yung opportunity since marunong naman ako mag-English. Basta icclaim lang daw siya sa pawnshop, may nagtext na rin sakin mula sa pawnshop na iyon, kaya nakakasigurado talaga ako. It's like OMG ngayon lang ako naka-encounter ng ganito (-^〇^-)

"Thank you maam, hope that you've learned something from me" sabi ko sabay ngiti, video call kasi eh huehue pero syempre nagpalit ako ng damit, alangan namang naka-pajama lang ako diba? Haha.

"I've learned a lot from you miss, I also hope to see you again next time" sabi niya na parang may japanese accent pa rin. Ngumiti na lang ako sakanya, 1 day lang kasi yung niregister ko eh tch.

"Domo arigatogozaimasu, sayonara!" (Trans: Thank you very much, goodbye!) sabi niya at nag-bow sabay kumaway-kaway. Eh? Ano daw? Di ko nagets kung anong sinabi eh, pero kumaway na lang rin ako kasi feeling ko nagpapaalam na siya at saka inend call na niya.

Hays myghaad ka-nosebleed ng nakausap ko. Nag-vibrate ulit ang phone ko at may alert ulit galing dun sa pawnshop. Bumaba na ako at kumain na ng hapunan, mga 5:45 pm pa lang eh, ang aga ata ni nanay ngayon? Hahaha. Tinapos ko na yung kinakain ko at napagpasyahang pumunta muna saglit sa pawnshop na nakalagay dun sa pinag-tutoran ko.

"Maam, iclaim ko lang po" sabi ko dun sa babaeng nakatayo sa loob ng pawnshop sabay bigay nung phone ko, at saka nagsimulang magtipa yung babae, may nakita kasi ako dun na parang number code, yun ata yung tinitipa nung babae. And tada binalik na ulit sakin yung phone, shet para akong abno hahahaha.

Tumunog yung kaha at nilabas niya na yung pera saka isa-isang binigay sakin habang binibilang. Saka may binigay pa saking note, galing lang naman dun sa website na nagsasabing congratulations and thanks chuchu blah blah...

Bumalik na ako sa bahay saka tinago ang mga naipong pera, konting pagod pa at matatapos ko rin tong utang na to, makokompleto ko rin siya someday, pero di ngayon, di bukas, di rin sa sunod na araw hays sana nga lang bigyan pa ko ng pagkakataon kahit next month na lang...

Hindi ko namalayan at nakatulog na pala ako. Kinaumagahan ay maaga akong nagising para mag-shift sa convenience store, mag-overtime kaya ako? Kaso nagtatrabaho rin pala si Stacie, masasagasaan yung trabaho niya at mga plano niya. Ineexpect ko na na mawawala na ako sa mundong ibabaw mamaya huhuhu

JESVER'S POV

Yeah yeah I know, bago lang ako dito -,- wala bang welcome party?

(Author: /pasabog confetti/ welcome!)

Pft patawa ka talaga otor hahays anyways nandito ako ngayon sa kwarto ni Justin, sabihin na nating pakialamero talaga ako sa mga gamit niya kaya andito ako at nagbubukas ng fb niya sa laptop niya, hinahayaan na lang rin niya ako kasi sanay naman na ata siya kasi noon pa man gawain ko na to kaya nga kami madalas mag-away nung mga bata pa kami kaya ako pinatapon este pinalipat sa Batangas, dun sa bahay namin dun, kasama si daddy.. wala share ko lang (˘ω˘)

Still wondering kung sino yung babaeng bumisita dito dati. Tumingin ako sa likod ko kung saan nakahiga si Justin at busyng busy sa pag-scroll sa phone niya /evil laugh/ bwahaha baka crush niya ayaw lang sabihin eh. Pero infairness, cute siya kaya eto ako ngayon, hinahanap yung fb ni crush....este ni babe babe babe babae kasi tanginis

She's cuter than my ex's, kaya huhuntingin ko na siya...

------------

A/N: Sheyt natapos rin yeyyy hahaha. Jesver Denrick is 2pm's Junho ahihihi nasa multimedia hehe.

By the way, sinearch ko lang sa google yung mga japanese words kaya kung may mali man dun, please tell me and I'll correct them, sisihin niyo si pareng google okeh haha djk love yah! (*^▽^*)~♡

VOMENTS!!!

My Celebrity Boyfie [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon