Chapter 53-Alaala

736 10 2
                                    

Chapter 53

ANICA'S POV

"May mga bisita dito mamaya, maagaw ang atensyon nila. Ako nang bahala sa mga bisita at staff, magpalit ka lang ng damit at hindi ka nila mahahalata" patuloy pa ni ate Ruth. Pinahiram ako ni ate Ruth ng isa niya pang uniform na pang-janitress. Suotin ko daw mamayang 5:00. Eh sinunod ko na lang kahit di ko pa alam ang plano niya.

Nakasuot na ako ng uniform. Kanina pa ko naglilinis dito sa may malapit sa pintuan, pero syempre nakayuko lang ako, para kasing nakakahalata na yung guard. Napalingon ako sa may papunta sa cr.

"Ate Ruth!" itinapat niya ang hintuturo niya sa may labi niya na parang sinasabi na wag kang maingay. Oo nga pala, ipupuslit lang pala ako palabas. Lumapit ako papunta sakanya.

"Eto ang plano, mamayang 5:30 may darating na mga bisita, hindi ko alam pero yan ang pakarinig ko. Kaya stay put ka lang dun sa kinatatayuan mo okay?"

"Yan na ba damit mo?" tanong ko. Eh pano naka-pangalis siyang damit. Akala ko ba tutulungan niya ako, bat parang aalis to?

"Kasama to disguise ano ba" sabi niya, di ko pa rin magets kung ano bang role niya.

"Kunware isa rin ako sa bisita, mahahasa acting skills ko nito kaya siguraduhin mong hindi ka magpapahuli ha" sabi niya at tumitingin-tingin sa paligid, para tuloy kaming magnanakaw na nagpaplano ng mga pagnanakawan "Kukunin ko atensyon ng staffs, bisita, o kahit yan pang guard na makakaharang sa daanan mo. Pumuslit ka lang sa labas, success yan"

Tumango-tango ako tas bigla niya akong tinulak papunta dun sa pwesto ko kanina. Shet nakakahalata na ata si guard. Yumuko na lang ako ulit at nag-mop lang. Eh sabi daw kasi mag-mop lang ako.

"Uhm miss" yumuko agad ako ng malaman ko na ang guard pala ang lumapit sakin "Ah miss" shet umiwas ka lang Anica, hindi ka niyan mahahalata okay? Okay? "Miss, kasi kanina ka pa diyan nagma-mop. Ayun pa oh sa parteng yun" sabi nung guard sabay turo dun. Hindi na ako kumibo at tumingin sakanya, at agad na akong dumiretso sa kung saan yung tinuro niya. Pero bago pa ako makarating sa pupuntahan ko ay nakarinig na ako ng sasakyan na huminto sa tapat ng building.

Agad na nag-assist yung guard at yung mga staffs sa mga bisita. Nakita ko na si ate Ruth at kumindat sakin. Baka yun na yung sign? Ay basta bahala na. Kinuha ko yung bag ng basura sa basurahan at diretso nang lumabas, tinapon ko na yung basura sa gilid sa kung saan humihinto yung truck ng mga basura at tinanggal na ang unipormeng pang-janitress. May suot naman ako sa loob na pang-alis, so success!!!

"Hmm" naglalakad-lakad lang ako sa parke na palagi kong pinupuntahan dati. Matagal-tagal na rin akong hindi nakakapunta dito ha.

May nakita akong mga nagkukumpulan na tao na parang mga nakiki-usyoso. Bigla ko na lang naalala yung ginawang pagtulak sakin ni Terrence nung day-off ko.

Ng itulak niya ko nabadtrip ako. Nawalan ako ng trahabo, napilitan ako mag-quit, naghanap ako ng ibang trabaho, wala, wala akong ma-applyan este walang tumatanggap sakin. Hinabol ako nung bombay na sinasabing may utang daw si papa sakanila na pwede namang si papa ang kulitin nila pero di daw nila mahanap kaya ako ang pinagdiskitahan. Naghanap ulit ako ng trabaho sa takot na baka bukas wala na ako sa mundong earth, nakuha ako sa isang convenience store at tae nga naman at palagi ko nang nakikita si Terrence pakatapos ng mga nagdaang araw. Hindi ko inaasahang babayaran niya yung utang DAW na matagal ko nang binabayaran ngunit hindi pa rin matapos-tapos at dahil dun nagkaron ako sakanya ng utang na loob, UTANGNA LOOB, niyaya ako ni Miss Cassy na maging trainee ng entertainment kung saan naroroon si Terrence, at ako naman si tanga at pumayag ako sa pag-aakalang tatanggapin na ako ni mama. In short, dahil lang yun sa pagtulak ni Terrence kaya nandito na tayo sa parteng ito ng storya ng buhay ko. Oh diba? Ang saya.

Balik tayo sa nagkukumpulan. Dahil ako ay nacucurios kung anong ganap, pinuntahan ko iyon at may nakita akong nag-gigitara habang kumakanta. Napakalamig ng boses niya, para tuloy hinahaplos ng banayad ang puso ko. Syet pinalaki siya ng tama ng mga magulang niya! Lul anong connect? Haha

Habang finefeel ko ang boses nung kumakanta ng nakapikit ay may narinig ako na parang nag-snap ng mga daliri sa tapat ng mukha ko dahilan para buksan ko ang mga mata ko at bumungad ang mukha ni Justin.

"Lumabas ka, di ka na naman nagsabi" sabi niya na nakangiti sabay tingin dun sa kumakanta "Crush mo na naman?"

Napatingin na rin ako dun sa kumakanta. Owemji ngayon ko lang nahalata na gwapo pala siya "Wag kang masyadong mamula, di bagay sayo" biglang nawala yung ngiti sa mga labi ko. Hindi ko na lang siya pinansin at ibinaling ang tingin ko kay Justin.

"Eh kung hampasin kita diyan!" nag-peace sign siya na ngumingiti-ngiti pa na parang nang-aasar sabay lakad palayo. Ano daw yun? Di man lang nagsabing aalis na siya.

Hmph maglalakad-lakad na nga lang ako. Bastos na batang Justin yun, nang-iiwan bigla.

TERRENCE'S POV

May mga bisita sa building ng Orion, kaya mapayapa ang pagtakas ko.

"Hoy! Hoy bumalik ka ng dito"

"Nyenyenyenye"

Napangiti ako ng maalala ang mga ginawa kong pagtakas sa mga guard. Dumating nga ang point na pinahabol pa ako sa barangay tanod, in the end, nataguan ko pa rin sila. Kagaya na lang nung nasa park.

/Flashback/

"Hoy bumalik ka ditooo!" sigaw ng isa sa mga barangay tanod. Nagmumukha tuloy akong magnanakaw, lalo na ngayong naka-full disguise ako. May nakita akong gate na nakabukas, parke nga, halata naman sa sulat pa lang sa may gate. Tumago ako sa likod ng gate na yun at ng makita ko na naka-alis na sila ay lumabas na ako.

Pero di ko namalayan ang sumbrero ko na nahulog kaya...

"Terrence?" napayuko ako bigla at kinuha yung sumbrero.

"Terrence Lopez, ikaw nga!"

"Waaahhh OMG!!!" takbo na lang yung naisip ko at...

/End of flashback/

Yun yung araw na naitulak ko si Celine. Dito sa parteng to. Di ko rin namalayan na nandito na pala ako sa parkeng iniisip ko palang a few seconds ago.

Tss ganon na ba katagal para mag-throwback ng ganito? Haha bilis pala talaga ng panahon. Nakita ko si Celine. Masundan nga haha.

Pero napahinto ako ng makita na may sumusunod rin sakanya. Lalakeng naka-itim, naka-sumbrero siya kaya di ko makita kung sino. Napalaki ang mata ko ng maglabas ito ng kutsilyo. Agad ko namang sinugod ang lalakeng iyon ng suntok, nabitawan nito ang kutsilyong hawak at saka tumakbo palayo.

ANICA'S POV

Napalingon na lang ako ng makita si Terrence na may sinuntok na lalake. Nagulat ako ng makita ang kutsilyong nabitawan nito saka tumakbo. Siya nga!

"Celine!" hinawakan ako ni Terrence sa balikat ko at chineck ako "Ayos ka lang? Hindi ka naman nasugatan?"

"A-Ayos lang ako" dahil sa dami ng tao ay di rin nila napansin yung lalake.

"Anong problema ng lalakeng~"

"It's him..."

---------------
A/N: Yung ambagal ng net kaya kinailangan ko pang ilagay to sa sunod na chapter at icopy saka idugtong na lang dun sa una kong ginawa. Ang saya tengene niyan net whooo pero mabuti na lang at ni-copy ko lahat, nawala kasi nung pagbukas ko ulit ng wattpad hahaha.

Bukas naman ako ulit mag-post ghaaadd meh is beri beri tired na kaka-edit hahays. Ang weird pala pag binabasa mo ulit yung mga pinagtatype mo dati, mapapaisip na lang na "Tinype ko ba to?" tas tatawa hahahaha parang ganon.

VOMENTS!!!

My Celebrity Boyfie [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon