Chapter 46-I can't

739 11 0
                                    

Chapter 46

ANICA'S POV

"Who permitted her to come here?" pasigaw na bungad ni mama samin pakapasok na pakapasok pa lang namin. Binigyan naman ni Miss Cassy si mama ng 'pwede ba tayong mag-usap?' look.

Di ko alam kung anong pinag-usapan nila. Basta ang alam ko, ayaw ako dito ni mama. Hindi lang sa ayaw niya sakin, kundi pati na rin sa pride niya na natatapakan na.

"Well, di naman talaga yan masungit si maam. Di ko nga alam kung bakit yan ganyan eh, parang galit sa mundo" sabi ni Miss Cassy ng makalabas na kami sa office niya "But I'm done explaining to her about you and this mess" sabay kuha ng isa sa mga nakapatong-patong na dyaryo sa desk ng secretary ni mama at saka itinuro ang cover page ng isang dyaryo.

Lalo lang lumalala ang sitwasyon. Marami nang nakakaalam sa isyung ito, kaya kinakailangan na talaga ng agarang solusyon.

"Kung pinaplano mo na magtrabaho sa entertainment, wag mo nang ituloy. Alam ko na nahihirapan ka rin sa sitwasyon mo pero mas mahihirapan ka kung papasok ka sa mundo ng showbiz, I'm not here as your mom, I'm just here to advice you"

Bigla kong naalala ang mga sinabi sakin ni mama noon ng magkita kami.

"P-Pero gusto kitang makasa~"

Ang sakit pala...

"Di ko kailangan ng presensya mo para maibangon ko ulit ang entertainment"

Ang sakit pala na malaman na all this years, nasasaktan ako sa pag-alis ni mama at ni papa, longing for their presence and love, ginusto kong hanapin sila, ginusto kong makasama sila. Ang sakit pala na di ka naman pala kailangan ng pinakakailangan mo sa oras na masaya ka, malungkot ka't umiiyak. Ang sakit pala na di ka kailangan ng nanay mo...ng sarili mong ina.

"Ayos ka lang?" bigla akong nabalik sa realidad ng magsalita si Miss Cassy sabay yugyog sa balikat ko.

"Ah hehe...ayos lang po ako. Napuling lang" sabi ko.

TERRENCE'S POV

"Hoy!" napalingon siya habang sumasayaw sa studio ng tinawag ko siya "Gusto mo magkape?" tuluyan na akong pumasok sa studio A

Ilang days na ang nakakalipas simula ng magsimula si Celine na mag-practice ng sayaw at kanta para sa audition niya. Pero di nga namamansin kahit kanino kasi nagbubusy-busyhan sa pagpractice niya, ni hindi na nga ata to nagpapahinga o natutulog.

"Busy" see? Busy lang mga sagot niya tsk.

"Busy? Baliw di ka pa kumakain" sabi ko sakanya saka isinara ang speakers na tumutugtog.

"Pake mo ba ha?" sabi niya. Tsk kaaga-aga ang init na naman ng dugo nito sakin, nagmamagandang loob na nga eh.

"Wala! Wala akong pake. Inutusan lang ako ni Miss Cassy" dumeretso na siya palabas at sinundan ko na lang din siya. Papunta na siya sa cafeteria ng bigla ulit siyang lumingon sakin, nagbago ekspresyon ng mukha niya.

"U-Uhm sorry ha, pagod lang ako kanina" simula niya "P-Pwede mo ba akong ilib~"

"Sige na, maupo ka na. Di pa rin naman ako kumakain kaya sasabay na ako sayo" di na rin naman siya nakaimik pa.

Pakatapos kumain ay dumeretso na ulit siya sa studio, di man lang nagpasalamat tsk tsk tsk.

Natapos ang araw na wala gaanong nangyare sa building ng Orion, sabi ko na sainyo ang boring talaga dito eh.

Bigla na lang akong nakakita ng kung sino na di ko inaasahan. Bakit siya nandito? Sinundan ko ang pinuntahan nila. Marami siyang kasama at kabilang na dun si Miss Cassy.

"Oh bat parang nakakita ka ng multo?" di ko namalayan na nakita pala ako ni Miss Cassy "Oh by the way, this is Margaret" sabi ni Miss Cassy saka na rin lang siya lumingon pakatapos niyang ibaba ang
kausap sa telepono. Halatang nagulat rin siya ng makita niya ako.

Bakit ka nandito? Bakit ka pa bumalik? Bakit ka umalis ng walang paalam? Bakit mo ko iniwan? Sabihin mo, ikaw ba ang dahilan ng pagkamatay ng mom ko? Anong nangyare?

"A-Ah h-hello" tanging sambit niya ng titigan ko siya ng napakatagal. She's just like the same girl I've met 6 years ago. Naging brown lang ang buhok niya at naging wavy ito.

I fake a smile and then she walked away. Sumunod na lang din ang mga kasama niya.

"Anong meron?" tanong ni Miss Cassy. Umiling-iling na lang ako saka umalis.

Bumili ako ng kape sa cafeteria at saka lumabas ng building, nagkataon na walang guard so I sneak out. Dito lang naman sa may pinto ako nakaupo. Napaisip ako.

Nagkaron pa talaga siya ng lakas ng loob na bumalik dito. Napangiti ako, somewhat I feel relieved kasi nagkaron ng chance na maresolba ko pa ang puzzle na iniwan ni mom.

Biglang bumukas ang pinto palabas ng office na kanina ay pinagmimeetingan. Napatayo ako dahil sa pagkabigla, at dahil na rin sa hindi ko inaasahan ang paglabas niya. It was Margaret, only her.

Ilang sandali ng katahimikan ang nabalot saming dalawa saka ko naisipang hilahin siya papasok sa building at dalhin sa studio C. Walang tao dito kapag gabi kasi nagsisipuntahan na sila sa dorm nila.

"Ano bang gusto mo?" tanong niya ng madiin sakin.

"Gusto ko? Sana tinanong mo na yan dati bago ka umalis diba?" natahimik siya "Gusto ko lang naman ng hustisya, why do you keep on running away from me? Why?" nagbabadya na ang luha sa gilid ng mga mata ko.

"Terrence~"

"All this time I keep on finding you to know what really happened. Now tell me, what the hell happened 4 years ago?"

"Terrence...Terrence I-I'm so sorry" tumulo na ang mga luha niya.

"Tangina naman Nicole eh!"

"Sorry, Terrence. I tried to go back as soon as possible but everything happened so fast and it became worst" sabi niya at pilit na hinahabol ang mga hininga "I tried to tell my manager what happened but he didn't want to listen. I'm sorry Terrence....I-I'm so sorry" sabi niya sa pagitan ng paghikbi niya.

"What's the meaning of this?" sabi ko saka inilabas mula sa bulsa ko ang bracelet. Bracelet na ibinigay ko sakanya bago siya mag-audition dati. I know na magkasama sila ni mom noon, but why? Why did she run away knowing that my mom is still in the car?

"Terrence I..." sabi niya "I want to tell you the truth...but....but I can't"

---------------

A/N: Huehue ilang chapters na lang at matatapos na to huhuhu. What is really behind that mistery? Abangan...

Malalaman niyo na po lahat sa next chapter hihi. Love lots mwaaa ^3^

VOMENTS!!!

My Celebrity Boyfie [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon