Chapter 18-Come and Get me

1.5K 25 0
                                    


Chapter 18

STACIE'S POV

Ang tahimik dito sa classroom, why is that? Di kasi ako sanay na di maingay tong classroom eh. Lalo na pag nandiyan si Terrence, parang may bagyo dito kasi puro flashing lights ng phone camera na parang kidlat yung bubungad sa mukha mo.

Anyways, halos lahat gumagawa ng assignment. Ganyan sila eh, ayaw nilang gawin sa bahay, gusto nila dito para may matanungan ng answers haha teamwork kasi.

Tumingin ako sa paligid, oo busy talaga mga tao ngayon pati si Anica na todo sulat sa notebook at lipat page sa libro niya.

Napailing ako. Tsk tsk tsk dapat kasi sa bahay yan ginagawa eh. Dapat ginagaya niyo ko, tularan si Stacie Hernandez hakhak.

"Bes, punta tayo ng mall mamaya"

Di ako pinansin, busy talaga. Isa pa.

"Sa isawan na lang? Diba sabi mo dati masarap ang isaw?"

Di talaga ko pinapansin /pouts/

Ayy alam ko na wahahaha sabihin ko kaya yung magic word 😏

"Gusto mo ILIBRE kita?" Ayan na-emphasize naaa. Ayan na.. ayan na lumingon na sakin with serious face.

"Stacie..." maluha luha niyang sabi sakin. "Parang-awa mo na, Mathematics ang sinasagutan ko, wag mo muna akong istorbohin, last na to eh. Ang hirap pa naman ng problem tas wala kong notes, nakalimutan ko pa yung formula" teka laughtrip si Anica.

"Pft hahahahahahaha" mahina lang yan, masyadong tahimik eh kaya sinadya kong hinaan yung tawa ko.

"Laughtrip ka bes wahahahahaha oh eto notes, andyan na rin yung formula" sabi ko sabay abot sakanya ng notebook ko.

"Waaahh ty bes" sabi niya tas ayun tumahimik na naman.

Dapat pala di ko rin ginawa yung assignment ko para may ginagawa sana ako ngayon at hindi sana ako nabobored.

Pero ayos na yun kesa makalimutan ko pa gaya nung kay Anica haha.

Nag-vibrate yung phone niya, hindi ko man narinig pag-vibrate pero alam kong may tumatawag or something kasi biglang nag-on at umilaw.

Hindi niya pinansin pero halata ko naman na inisnob niya talaga, ako nga nagawang isnobin yan pa kayang call.

Nag-vibrate ulit, sigurado ako isnobin niya ulit yan... pero hindi tsk.

TERRENCE'S POV

Nawawala ata ako haha asan ba yung babaeng yun? Celine.. Celine... asan kaaa?! Hays san ba to? Nalaman ko lang naman pangalan ni Celine dahil sa prof namin, tinatawag eh.

Kasalukuyang nasa may madilim na part ako ng university. Ewan ko ba kung pano ako napunta dito basta nagtanong ako kung saan yung classroom sabi daw kaliwa, kaliwa, kanan tas biglang kaliwa tas deretso, yun naman yung ginawa~ ayy shit kanan pala tangina. Tinawagan ko si Celine since binigay sakin ni.. sino nga yun? Yung kaibigan niya yung number niya.

/1st call - ringing.../

"Sagutin mo Celine" sabi ko habang hinihintay na sagutin yung tawag ko.

[The number you've dialed is unattended, please try your call later]

Shit malapit na ang sunod na subject, sumagot ka Celine.

/2nd call - ringing.../

Hanggang ring na lang ba phone mo? Palagi mo na lang akong iniisnob tanginis.

ANICA'S POV

I was doing my homework in the room when my phone suddenly rang.

Hindi ko pinansin, nag-stop na rin naman kaya ayos na. Tinuon ko ulit ang sarili ko sa pagsusulat ng solution sa notebook ko, medyo malapit na rin naman ako matapos, kaya yan Anica hwaiting!!

Nasa kalagitnaan na ko ng pagsasagot ng mag-vibrate ulit yung phone ko, kainis talaga kaya kinuha ko na lang yung phone.

Tiningnan ko kung sino yung tumatawag kaso not registered yung number sa phone ko. Ano? Answer or reject? Saklap pati sa call narereject.

"Si Terrence yan" nagulat naman ako ng may biglang nagsalita sa tabi ko habang nakikitingin sa phone ko.

"Bakit mo binigay number ko?" Tanong ko sakanya pero nagkibit balikat lang siya. In-answer ko na lang yung call.

STACIE'S POV

Tiningnan ko mula sa tabi niya yung phone niya kung sino yung tumatawag at medyo.. medyo lang naman, medyo kabisado ko yung number ni Terrence kaya sure ako siya yun.

"Si Terrence yan" sabi ko tas nagulat yung loko hahaha para naman kasi akong kabute na biglaan na lang sumusulpot sa tabi niya diba?

"Bakit mo binigay number ko?" Wala kong mairason kaya nagkibit balikat na lang ako.

JUSTIN'S POV

Pabalik na sana ako ng canteen ng may mapansin ako sa maze. Yup, may maze dito sa university, katabi lang ng mini forest.

It was Terrence, Terrence right? Whatever his name is. Hindi niya nga pala kabisado ang maze, maliit lang naman ang maze to the point na kitang kita ko siya dito sa labas. In fact, pwedeng makalabas diyan ang 10 year old kid pag pinapasok mo diyan sa sobrang liit lang ng maze, tinatamad lang ata yan magdiscover kung saan ang labasan tsk.

I think his waiting for someone to answer his call hays mapuntahan nga ng makabalik na ko sa room.

Binuksan ko yung cup of coffee na binili ko sa canteen kanikanina lang habang naglalakad ako papunta sakanya. His face is still confused tsk parang bata lang, well that someone has just answered his call kaya may kausap siya sa call habang nakatingin sakin na papalapit sakanya.

ANICA'S POV

[5 minutes]

Gandang bungad eh no? Wala man lang hi or hello, no manners tsk.

5 minutes? Huh? Ano daw?Anong meron sa 5 minutes?

[5 minutes na lang at magsisimula na ang next subject natin] Alam ko naman eh, like duh? Palagi kong suot yung bago kong relo ko sa kanang braso ko.

"Oh?" Tanging sagot ko sakanya.

[Now, I want you... here within 5 minutes...]

"Huh?" Ano ba yan? Nakakatanga pinagsasabi nitong lalakeng to, asan ba siya?

[Come and get me...]

-----------------------------

A/N: Waaaahh namiss ko kayo guysss hahaha pero bakit kaya ako kinikilig sa sariling story ko haha baliw po ako sorry na agad haha.

Pero honestly nakakapanindig balahibo yung last na sinabi ni Terrence enebeyen hahaha.

Pero namiss ko talaga kayo, sorry kung di ako nakapag-update ha, ineenjoy ko kasi vacation ko haha. Pero eto na at nag-update na ulit si author. Love lots and please keep supporting my stories. Thank you!

VOMENTS!!!

My Celebrity Boyfie [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon