Chapter 45-Not

771 11 0
                                    

Chapter 45

ANICA'S POV

"Nay!" bungad ko kay nanay ng bigla niyang binawi ang pagpayag sakin na i-accept ang offer ni Miss Cassy.

Halos magluhod na ako sa harapan ni nanay ng bigla na lamang niya akong iniyakan hawak hawak ang mga maletang inimpake ko kagabi.

"Eh kasi naman anak di ko akalaing tototohanin mo talaga yung sinabi ko" humahagulhol pa si nanay habang sinasabi niya yan "Di ka man lang nagsabi sakin na tatanggapin mo na yung offer ng manager ni Terrence"

"Eh nay naman, ikaw na nga mismo nagsabi sakin na tanggapin ko na eh. Nay..." umiiyak lang si nanay habang hinihimas himas ko ang likod niya "Pinapaalis mo na nga ako eh" dagdag ko pa.

"Di naman kasi yun ang ibig kong sabihin eh. Ang iniisip ko lang naman ay yung kaligtasan mo anak" sabi ni nanay habang pinupunas ang tumutulong luha sa gilid ng kanyang mga mata.

"Kaya nga po ako aalis eh. Para po sa kaligtasan ko, at para na rin sayo nay. At tsaka nay, masyadong malaki ang utang na loob ko kay Terrence, di magagawang manahimik ng konsensya ko kapag di ko inaccept ang offer, na siya ring makakapagsave sa entertainment nila" sumisinghot pa si nanay habang tinutulungan ko siya tumayo, napaupo na kasi siya kanina habang umiiyak "Babalik pa naman po ako dito nay, kinakailangan ko lang talagang umalis. Tsaka bibisita ako dito palagi nay, kailangan ko ng allowance"

"Allowance, batukan kita diyan eh" sabi ni nanay na akmang mangbabatok na kaya naman itinaas ko ang kamay ko bilang reflex.

"Joke lang nay, eto naman si nanay di na mabiro. Bibisita po ako dito kapag may nailaan akong oras" sabi ko "For now, let's stay on the safe side"

"Tama ka nak" sabi niya saka tumingin sa likod ko, sa may bintana. Maraming tumitingin-tingin na mga lalake, yung iba may hawak pang camera "Safe side" sabi niya sabay tingin sakin "Dun ka muna anak ha, habang di pa naayos ang lahat. Alam kong mahirap, pero kakayanin diba? Mag-iingat ka palagi, wag kang magpapalipas ng gutom, yung kwarto mo palagi mong i-lock~"

"Nay naman, para naman akong mawawala na permanently sa side mo"

"Baliw anak, pinagsasabihan lang kita, lalo na ngayon na maraming nagpupunterya sayo" sabi niya habang pinopoint-out ang mga tao sa labas "Alagaan mo sarili mo ha, tsaka ayusin mo pag-aaral mo, kahit anong mangyare, tapusin mo pag-aaral mo, patapos ka naman na eh, sayang naman"

"Nay, ang oa mo po talaga hahaha babalik ako promise yan"

"Promise ha?"

"Oo naman, ikaw pa, eh nanay kita eh" sabi ko saka niyakap siya.

.........................

"Ihahatid kita" blankong bungad niya sakin pakalabas ko ng pinto. Tumango na lang ako sakanya at saka tiningnan siyang bumalik sa loob ng kotse. Hinintay niya akong pumasok pero di ako gumalaw. Why?

Tok tok tok

"Uhm... Yung maleta" sabi ko sabay turo sa katabi kong maleta. Napabuntong-hininga naman siya sabay labas ulit ng kotse. Dalawang malalaking maleta lang naman ang dala ko, di naman siya gaano mabigat.

"Bat ang bigat nito?" sabi niya na parang madadaganan na sa sobrang bigat ng maleta, sabi ko nga di gaanong mabigat. Tinawanan ko na lang siya, slight lang naman para di mainsulto. Ayoko nga magbuhat, baka lumaylay pa bilbil ko hahahaha.

Pumasok na ako sa loob ng kotse, naghintay, nainip dahil sa sobrang tagal, naboring sa kanta, pinalitan. Pumasok na siya sa loob ng kotse.

"Bat mo pinalitan?" tanong niya habang sinasara ang pinto saka binalik sa dating kanta. Bat pa kasi rock ang napili nitong iplay? Trip mo ha?

Pinalitan ko ulit ng acoustic.

"Tss kung wala kang magawa matulog ka" sabi niya saka binalik sa dati.

"Eh pano ako makatulog, bukod sa malakas yang speaker mo, rock pa napili mong iplay" sabi ko na may kasamang diin sa pananalita. Kaaga aga pinapainit na naman ulo ko nito. Binalik ko ulit sa acoustic.

"Eh natural lang yan kasi baka makatulog naman ako habang pineplay mo yang nakakatulog mong kanta" binalik niya sa rock.

Yan lang ang scene namin bago umandar ang kotse. Di nagtagal nagsawa kaming dalawa sa kakapalit-palit ng kanta kaya napagdesisyunan naming patayin ang speaker.

"Patayin na nga natin yan tsk" sigaw niya saka pinatay ang radyo.

Di naman ako makatulog kaya tumingin lang din ako sa labas ng bintana. Katahimikan lang ang bumalot sa loob ng kotse habang papunta na kami sa Orion. Di nagtagal at nakarating na rin kami.

"Yan na lahat ng gamit mo?" bungad sakin ni Miss Cassy ng pumasok ako sa building ng Orion Entertainment.

"Opo me~"

"Ang dami na nga eh, ang bigat pa" sabi niya saka padabog na inilatag sa sahig ang dalawang maleta, ang isa ay binuhat niya, ang isa naman ay tinulak niya gamit ang tuhod.

"Tch"

"Buti naman at walang humarang sainyo" she's referring to the dispatch and reporters.

"Sa kabutihang palad wala naman po" sabi ko sabay ngiti kay Miss Cassy.

"Tss" rinig kong pagrereklamo ni Terrence. Tumalikod na si Miss Cassy at sumunod lang ako. Naglakad-takbo si Terrence habang dala-dala ang dalawang maleta.

"Hoy ikaw na magbuhat nitong isa"

"Anong ako? Ikaw yung lalake diyan eh" sabi ko naman, pabuhatin ba naman ang babae.

"Maleta mo to eh" sabi niya saka ibinaba ang isang maleta.

"Oh may problema ba?" lingon samin ni Miss Cassy dahilan para agad na bitbitin ulit ni Terrence ang maleta.

"Wala naman po" sabi ni Terrence habang nakangiting parang napipilitan.

"Pft" pinigilan ko ang pagtawa ko kaya sumabay na ako sa paglakad ni Miss Cassy. Nakita ko naman na umiba na ang direksyon niya, siguro ay dadalhin na niya sa kwarto ang mga maleta.

"Nga pala Anica, today is your meeting with her. Maayos naman ang suot mo kaya pwede na yan. This is the last room in this building, the most sacred one. Nobody wants to be in here. A dragon might spit fire" sabi niya sabay tawa ng mahina. Palapit ng palapit na kami sa isang malaking pintuan.

I was retaining a smile until she opened the door and a woman on a chair, busy with her paperworks, just wiped away that smile. Napakunot ang noo ko.

Oo nga pala, I should be used on seeing her everyday and calling her as my boss, not my mom....

--------------
A/N: Yo! Malapit nang matapos woot woot. First ever story to be finished. Malapit niyo nang malaman ang lahat, konting tiis na lang wahahaha. Kbye na, baka ma-spoil ko pa yung iba haha. Abangan...

VOMENTS!!!

My Celebrity Boyfie [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon