Chapter 62
ANICA'S POV
Syet nanginginig ang kamay ko, pati na rin buong katawan ko. Natatakot akong sumayaw at kumanta sa harap ng maraming tao. Mamaya din ipapalabas ang first episode ng drama series namin, kahit supporting lang role ko, kinakabahan pa rin ako sa response ng mga tao. Pero dapat mag-focuse muna ako sa on-stage.
Napractice ko naman na lahat, ang steps sa sayaw at pati na rin ang lyrics ng kanta. Memorize ko na nga ata ang time ng kanta, pati na rin ang oras ng pagpasok at paglabas ng stage. Ang tanging pinoproblema ko na lang ay ang reaction ng madla.
Nakaupo ako sa isang upuan sa backstage, rinig na rinig na ang tunog ng musika at ingay ng mga tao. Sumilip ako ng patago sa kurtina. Napakaraming tao, isa pa sa lalong nakapakaba sakin. May humawak bigla ng kamay ko dahilan para mapatingala ako sa kung kaninong kamay iyon.
"Don't worry. Everything will be fine" sabi niya sabay ngiti habang hinahawakan ang kamay ko para di manginig.
Biglang nag-play yung kanta namin. I think this is the cue, tumayo na kami at nag-ready sa likod ng kurtina. Sumenyas siya sakin kung okay na ba ako, tumango lang ako at huminga ng malalim.
"1,2,3, and GO!" sigaw ni Miss Cassy at una akong lumabas. Sumabay na lang ako sa flow ng kanta, nanginginig pa rin ang mga tuhod ko dahil sa kaba pero di ko na lang pinansin.
Lumabas na si Terrence at syet ano nga bang gagawin ko? Horriisheyt. )0×0(
Nagsigawan at nagtilian na ang mga audience ng lumabas na si Terrence at ako naman ay parang ewan dito at tinatandaan kung saang part na ba yung gagawin ko.
Hinila ako ni Terrence at tumingin siya sakin na para bang sinasabi niya na sumunod lang ako. Sumenyas na yung manager na queue na. Kumanta na ako, di ko na inintindi kung anong reaction nila, ipinikit ko na lang ang mga mata ko para di ko sila makita. Habang iniisip ko ang nga steps ay ginagawa ko ang lahat para di lang ako pumiyok at mamali.
Hindi ko alam ang reaction nila, pero tahimik ang buong paligid kaya ibinuka ko ang mga mata ko at nakita na lahat sila ay tutok na tutok kay Terrence, fangirls nga naman, tsaka mas nauna siyang ipinakilala, so natural lang na siya ang center of attraction ngayon. Wait what? Attraction? Pft hahaha.
Natapos na ang kanta at huminto sa huling position namin. Naghiyawan ang audience, mostly girls, pero I somewhat feel relieved na wala akong nagawang mali, lalo na ngayon first exposure namin. Tumingin ako sa paligid at maraming nagfaflash na ilaw, halos mabulag na ako dahil saamin nakaharap. Hindi pa rin natatapos ang sigawan, tumayo na ako ng maayos at may sumenyas na magpipicture daw kaya inayos ko ang sarili ko kahit basang-basa na ako ng pawis.
Bigla akong inakbayan ni Terrence saka ngumiti sa camera. Ay shet, bangag yung mukha ko, ayyy bahala na, ngumiti na lang din ako.
"Whoaa what a wonderful performance from Terrence and Anica!" sigaw ng emcee na lalong nagpahiyaw sa audience "Ladies and gentlemen, Anica and Terrence for their first on-stage" at naghiyawan na ang lahat. Halos mabingi na ako sa sobrang lakas ng sigawan at sa sobrang dami nila. Ewan na lang kung di ako umuwing bingi.
Nakangiti lang ako, wala eh, ganito pala ang feeling pag successful ang debut niyo. It's so worth it, lalo na pag nakita mo ang ngiti sa mga labi ng audience at ang ingay sa buong coloseum.
"So narinig ko na may drama series daw kayo?"
"Yes po" sagot ni Terrence, uhm kasi di ako nagsasalita? Ganern.
Andami pang tinanong sakanya yung emcee, pero di lang ako umiimik dito sa tabi niya, kasi nga di ko alam ang sasabihin ko. Tumingin sakin yung emcee, no, no, no, nooo wag mo kong tanunginnn. Ibinalik niya ang tingin kay Terrence.
"So ano kayo ngayon ni Anica?" ay potcha. Anong kinalaman nito dito? Bat napunta dito ang usapan? Taena yan. Ngumiti ng nakakaloko ang gago.
"Sa ngayon we're friends. Hanggang dun lang yun" sabi niya at ngumiti sakin. Hindi ko alam pero bakit nadisappoint ako sa sinabi niya, parang may kumirot sa pinakaloob-looban ng puso ko. Ngumiti na lang ako ng pabalik sakanya.
After ng interviews sa iba't ibang companies and press conference, napagdesisyunan na magkaroon ng victory party dahil daw successful ang debut namin.
Pagdating na pagdating ko ay nakita ko agad ang pagmumukha ni Margaret. Akala ko naman masaya ako buong araw, pero pag nakikita ko talaga yang babaeng yan nag-iinit dugo ko.
"Hey Anica!" sabi niya saka ngumiti at binigyan ako ng baso na may wine. Tss tiningnan ko lang siya saka kinuha yung baso, mapapahiya siya pag di ko kinuha eh tch.
"For the successful debut of Anica and Terrence!" sigaw ni Miss Cassy na lalong nagpalakas ng sigawan ng mga staffs at managers na nandidito sa party.
Itinaas nila ang mga baso nila at itinaas ko na rin yung sakin. Eh di naman talaga ko umiinom ng wine eh, pero sige para sa party.
Nakakailang shots pa lang ako pero nahihilo na ako. Nagdadalawa na paningin ko, kaya tumayo na ako at paunti-unting naglakad papunta sa kotse sa parking lot.
"Ay tae, asan na yung susi ko?"
TERRENCE'S POV
Napagdesisyunan ko nang umuwi kaya nagpaalam na ako kina Miss Cassy at dumeretso sa parking lot.
"Ay tae, asan na yung susi?" halos isubsob na niya mukha niya sa loob ng bag niya kakahanap ng susi ng kotse ni Miss Cassy. Natawa na lang ako sa pinaggagawa niya.
May lumapit sakanyang lalake.
"Want some help?" cool na tanong nito. Lumapit ako at inakbayan ang lasing na si Celine.
"Nah..." sabi ko saka ngumiti dun sa lalake "Halika na babe?" kumunot ang noo nito.
"Anong beym~" agad kong tinakpan ang bunganga nito at binuhat na yung pangbagong kasal, as if. Di naman pala kayang uminom. Ipinasok ko siya sa kotse ko at pinahiga sa backseat. Teka ang alam ko juice na may wine lang naman yung inumin kanina ha? Ganon ba to kadaling malasing?
[Haha sorry, naisipan ko lang talaga, mukha niya kasi pagkakita sakin hahahaha napagdiskitahan ko lang naman ng kaunti yung inumin niya] patuloy lang siya sa pagtawa sa kabilang linya. Tsk baliw. Binaba ko na yung tawag at hinatid tong babaeng to sa dorm. Nilagyan lang naman niya yung juice ng beer, oo beer, hindi wine. Mukha lang siyang wine pero beer talaga siya, beer!
"Hoy gising na!" sabi ko saka yinugyog si Celine. Hayyy lokong babae to, pano na lang kung wala ako kanina. Pinaupo ko siya at tinapik-tapik ang mukha.
"Hmm hanoba?" nagulat ako ng buksan niya ang mata niya "Oh Terrencee...halam mo bha ang kyot kyot kyot mo" sabi niya habang pinipisil ang pisngi ko. Tss inatake ng pagkabaliw.
Binuhat ko siya tapos binuksan niya mata niya "Oh? Lumulutang akho? Whoooo" pft parang bata, na baliw?
Bawal pumasok sa dorm ng mga babae pero pinayagan ako ng security at sinamahan ako papunta sa kwarto ni Celine. Pero di na ito sumama sa loob kaya ako na ang nagdala kay Celine at pinahiga sa kama niya. Tinanggal ko yung sapatos niya at kinumutan siya.
"Haayy tsk tsk tsk" napapailing-iling na lang ako sa posisyon niya ngayon, nakanganga pa pft. Paalis na sana ako ng bigla siyang magsalita.
"Terrence...." napalingon ako ulit sakanya.
"I...." anong sinasabi nito?
"I......." at tuluyan na siyang na-knockout bago niya pa man sabihin ang saaabihin niya.
------------
A/N: Haha parang ewan siya pag lasing eh hahahaha anyways pursigido talaga akong tapusin ngayong araw so eto na update ko hihi. Maya naman yung 4 chapters inaantok na meh yah know 2 am na hahays.VOMENTS!!!

BINABASA MO ANG
My Celebrity Boyfie [Completed]
Teen FictionTerrence Angelo Lopez isa siyang lalaking nakakapanira ng araw ko at ng tahimik kong mundo. Isa siyang celebrity na sobrang laki ng ulo dahil sa mga naririnig na compliments mula sa mga fans niya. Gwapo pero mayabang. And guess what, he's My Celebri...