Chapter 38-Sticky Notes

865 12 0
                                    

Chapter 38

ANICA'S POV

Ang gulo na ng buhay ko -,- pero eto ako, buhay pa rin ghaadd.

"Nay~"

"It's for you to decide, I'm just here to support you kung ano man ang desisyon mo" sabi ni nanay sabay haplos haplos pa ng likod ko.

"Eh nay, di naman yan ang sasabihin ko eh.....yung sinaing mo po sunog na, amoy na amoy na dito eh" sabi ko pa kay nanay saka naman ito kumaripas ng takbo papunta sa kusina.

"Ay basta anak, kung ano man ang desisyon mo go lang. Pero kung ako ang tatanungin mo mas gusto kong mag-debut ka rin kasama ni Terrence, hindi lang sa kadahilanan na gusto kitang makita sa tv, kundi pati na rin masigurado ko ang kalagayan mo. Ayaw kong masaktan ka pa ng iba dahil lang sa picture, nak!" sigaw ni nanay mula sa kusina.

"Opo nay, pag-iisipan ko!" sigaw ko pabalik saka dumeretso sa taas, sa kwarto ko.

Sara ng pinto, diveeeee....

Tumunog bigla yung phone ko at agad ko naman itong sinagot without looking kung sino ang tumawag.

STACIE'S POV

I ended up in a cupcake store with Justin. Why? Wala akong kasama eh, wala si Anica, may emergency nga sa bahay diba? Wala pa naman akong alam dito sa mall na to, kakabukas lang eh, at pagkalaki laki pa.

"Hays kung kailan kasi kailangan ng phone saka naman lowbat to" bulong ko sa sarili ko. Pero ayos na yan, one way para malaman ko kung naalala na ba ako ni Justin. Paktay ako pag nagka-amnesia talaga siya, tsaka dinner lang naman eh, may foods pa haha.

"Oh yan dalhin mo" sabi niya pakalabas ng cupcake store. Kanina niya pa ko inaalila eh, mukha ba kong yaya?

Napatingin naman ako sa mirror na dinaanan namin, mukha nga akong yaya, bukod sa ang baduy ng suot ko ngayon, sinabayan pa ng magulo kong buhok na naka-bun, eh andami ko pang dala-dala na plastic bags.

Ako ba ang lalake dito o sadyang bakla lang siya para magdala ng mga to?

Biglang may kumuha ng plastic bags sa kamay ko at napatingin naman ako sakanya. I think I saw him before...

Ahh oo, siya yung kapatid slash kakambal ni Justin, ano nga ulit pangalan niya?

"Jesver Denrick, older twin brother of Justin hehe" sabi niya pa saka tumawa ng mahina. Huminto at napalingon naman si Justin samin.

"Bat ka nandito?" tanong nito with blank expression.

"I was with Margaret but I saw this beautiful lady carrying heavy stuffs" sabi pa nito saka tumingin sakin. Ako ba? Ayy baka iba naman, assuming ko naman niyan.

"Let me carry it" sabi ni Justin.

"Ay wao Justin, kanina di mo na kinuha kay..." tumingin sakin yung Jesver "Ano nga pangalan mo?"

"Ah Stacie"

"Stacie"

"Jesver, ano na? Nagsasayang na naman ng oras ha?" rinig kong sabi ng isang pamilyar na boses. And then here she is, Margaret. I still don't like her. What is she doing here?

"What are you doing here?" I am supposed to be the one asking her that question -,- "With Justin?"

"Yes, why?" sabi ko sabay taas ng kilay.

"Oh okay" sabi niya at hinila na si Jesver palayo "Bilisan mo na Justin, dinner is moved here at Shakey's" sabi nito habang naglalakad palayo, sumenyas sakin si Jesver na sumunod na lang sakanila.

"Uhm Stacie?" napatingin ako kay Justin. Naalala na niya ako???

May dinikit siya sa noo kong sticky note, saka siya sumunod kina Margaret and Jesver. Binasa ko naman iyon...

Hoy Justin, ayos ka lang? Sorry ha
-Stacie

Yes
-Justin

Naaalala mo na ako? Si Anica? Ayos ka lang talaga ha? Sorry, di ko naman talaga alam na ganito pala yung mangyayari sayo, sorry talaga
-Stacie

Haha ayos lang, baliw ka kasi kung ano ano na agad inisip mo, di naman ako nagka-amnesia
-Justin

So wala siyang amnesia? Kumuha pa ako ng sticky note at nagsulat.

So wala kang amnesia?
-Stacie

Dinikit ko sa braso niya, binasa niya naman ito.

"So hindi mo talaga ako nakalimutan?" sabi ko sakanya na ngumingiti ngiti.

"Haha baliw, nung una sasakayan ko sana yung pagpanggap na may amnesia ako, kaso napapraning ka na kaya tinigil ko na. Tapos hanggang ngayon pala iniisip mo pa rin na may amnesia ako hahaha baliw talaga"

"Mabuti naman" sabi ko at ngumiti sakanya. Nahinto siya sa pagtawa ng magtama ang mga mata namin. Umiwas na lang ako ng tingin sakanya, baka matunaw pa ko.

.......................

Eating dinner with Justin's family is kinda fun. Ang bait ng mama at papa niya. And nalaman ko rin na 2nd cousins pala sina Margaret, Jesver and Justin. Meaning, anak si Margaret ng pinsan ng papa nina Justin and Jesver.

Speaking of Jesver, kanina pa siya dikit ng dikit sakin. Hindi naman ako naiirita, he's just too clingy -,-

I excused for a moment to go to the washroom. Nag-ayos ako ng sarili ko since nahahaggard na naman ako, kailangan ko pa palang problemahin ang pag-uwi ko, pinahiram ako kanina ni Jesver ng charger, so nakapag-charge naman ako ng kaunti dito.

I texted my driver para sunduin ako mamaya. After that ay nag-scroll ako sa newsfeed ng facebook ko.

Halos maluwa ang eyeballs ng mata ko ng makita ang kumakalat na pictures. Madami nang rude comments sa ibaba, pero di ko na iyon inisa-isa. Agad kong dinial ang number ni Anica.

ANICA'S POV

"Hello?"

[Bes!]

"BESSS HUHUHU" naisigaw ko ng malaman na si Stacie pala ang tumawag.

[Ano yung picture?]

"Yun nga bes ang dahilan kung bakit ako napauwi ng maaga huhu" sabi ko sakanya.

[Ha? Oh kwento na dali]

"Diba nga may mga kotse daw na nakapark sa labas ng bahay namin kanina? Eh yun nga, pumunta dito yung manager ni Terrence discussing about the pictures"

[So? Nyare?]

"She said that the only way to save each others butts is for me to debut with Terrence" sabi ko sakanya at halata naman na nashock rin siya sa kwinento ko sakanya.

And then sinabi ko na lahat, sabi niya rin dapat ikwento ko ng detailed na masyado. Kaya ayun natapos ang araw na kinekwentuhan ko lang siya about dun.

--------------

A/N: Haha sorna, wala kong maitype na maganda ngayon.

VOMENTS!!!

My Celebrity Boyfie [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon