Chapter 5TERRENCE'S POV
Haay kaya ayoko ng mga parties kasi ang ingay nila, uminom muna akong tubig at tumayo na sa kinauupuan ko. May nahagilap akong isang magandang babae, server ata siya dito. Teka, diba siya yung babaeng natulak ko noong hinahabol ako ng mga fans ko. May lumapit sakanyang lalaki na mukhang manyak. Lumapit ako sakanila para marinig ang conversation nila.
"Miss, ang ganda mo na, sexy ka pa" sino ba nagpapasok sa manyak na to dito.
"Bitawan mo nga ako" sigaw nung babae habang nagpupumiglas siya.
"Wag ka ngang ganyan, sige na oh" grabe na to ha, sumusobra na siya. Tutulungan ko na sana yung babae kaya lang palaban eh.
"Bastos" sigaw nung babae, sabi ko nga, palaban siya. Tumigil yung music at nagsitinginan sakanila yung mga tao. Titingnan ko muna kung anong gagawin niya.
Tumalikod na yung babae at naglakad palayo, hinabol siya ng lalaki na may hawak na basag na bote, bigla akong nakaramdam ng kaba.
"Aba naman at lalaban ka pa" napatakbo ako papunta sa babae. Ihahampas na kasi nung lalaking manyak dun sa babae yung hawak niyang bote. Hinila ko siya at niyakap.
Walang sumakit sa likod ko, siguro may pumigil na dun sa lalaking manyak. Pumiglas naman yung babae sa pagkakayakap ko at hindi ko inaasahan ang sunod na nangyari....
/Paaaakkk/
Sinampal ako nung babae. Wow, just wow, pakatapos kong tulungan siya. Tumingin sakin yung babae.
"Kung hindi niyo ma-handle ang alak, mag tubig na lang kayo" sigaw niya at nag-walk out. Hoy! hindi ako uminom ng alak, tubig nga lang ininom ko. Hindi niya ba ako kilala, ako ang sikat na si Terrence Lopez, swerte nga siya at niyakap ko siya eh.
Tumingin naman ako dun sa direksyon nung manyak, oo nga, may pumigil sakanyang security guard at ayun nilabas na siya dito. Pumunta naman ako sa stage at kinuha yung mic.
"Ehem...ehem...sorry po dahil sa nangyari kani-kanina lang tao lang rin po ako, mapapatawad niyo ba ako?" sabi ko habang nakatingin sa audience.
"Oo naman" sigaw nila.
"Then let's continue the party" sigaw ko at bigla na namang tumugtog ng napakalakas ang stereo, maka-alis na nga.
ANICA'S POV
Nakakainis, oo alam kong maganda ako pero tama bang pag-agawan ako. At kung sineswerte ka nga naman, dalawang manyak pa.
"Announcement...pinapatawag po si Ms. Anica Gonzales sa manager's office" hala, may ginawa ba akong mali?
Pumunta na ako sa manager's office, kumatok at binuksan ang pinto.
"Ms. Gonzales, alam mo ba kung gaano kalala ang na-damage mo? Alam mo rin bang yung pinag-eksenahan mo kanina ay yung important guest?" lumaki yung mata ko sa gulat. Hala sino dun? Manyak 1 o manyak 2? Yun ba ang Terrence Lopez? I AM SOOO DEAD.
"Nagawa mo pang maki-switch ng trabaho makita lang ang isang celebrity, ni hindi ka pa nga tapos sa college, tapos gusto mong umali-aligid sa celebrities" sabi niya sabay tingin sa resume ko.
"Wala ka rin ngang experience sa HRM" sabi nung manager.
"Maam, tama po na disiplinahin niyo ako, pero tama po bang kwestyunin niyo rin pati pag-aaral ko, maam naki-switch po ako hindi para makakita ng celebrity at humingi ng autograph, naki-switch po ako para makita ang mama ko. At wala rin po akong balak na makipagsiksikan sa kumpulan ng mga fans para lang makahingi ng autograph sa isang celebrity dahil po WALA akong pakialam sakanila" sabi ko at tumulo na yung mga luha ko.
"Kung wala kang pakialam, edi sana hindi ka na lang nag-trabaho dito~"
"Hindi niyo na po kailangang ipagsigawan pa sakin yan, dahil I QUIT" sigaw ko saka pinunas ang mga luha ko. Tinanggal ko yung ID ko at tinapon sa harap niya.
Tumakbo ako papunta sa locker room at hinanap yung locker ko. Niligpit ko na yung mga gamit ko. Siguro nga hindi pa ito ang tamang panahon para makita ko si mama at hindi ito ang tamang trabaho sakin...
-------------------------
A/N: Eto na po yung chapter 5, salamat po sa mga nagbabasa ng story ko.
Pluggggg!! Basahin niyo rin po yung isa ko pang story "You've fallen for me" yung title. Salamat po ulit.
Salamat rin po sa mga nag-vote.
VOMENTS!!!
![](https://img.wattpad.com/cover/41262486-288-k414365.jpg)
BINABASA MO ANG
My Celebrity Boyfie [Completed]
Teen FictionTerrence Angelo Lopez isa siyang lalaking nakakapanira ng araw ko at ng tahimik kong mundo. Isa siyang celebrity na sobrang laki ng ulo dahil sa mga naririnig na compliments mula sa mga fans niya. Gwapo pero mayabang. And guess what, he's My Celebri...