Chapter 4
ANICA'S POV
"Good morning po" bati ko sa guard ng pumasok ako sa hotel, tumango lang yung guard.
"Waaahh Anica, ang cute ng relo mo, pwede bang sakin na lang?" bungad agad sakin ni Stacie, tumingin naman ako sa wrist ko at nakita ang color violet na relo, kaya pala. Nga pala, wala akong klase kasi sa Wednesday pa yung start of class.
"Mayaman ka naman diba, bumili ka na lang" sabi ko at ngumiti sakanya, siya naman nag-pout lang at nag-puppy eyes. Ang cute niya talaga. Tinanggal ko sa wrist ko yung relo at tinapat sakanya.
"Oh ayan...alam mo namang hindi kaya ng powers ko yang pagpapa-cute mo" sabi ko sabay pisil sa pisngi niya, sa totoo lang, ka-age ko ba talaga to? Mukhang bagong panganak pa lang sa sobrang kacute-an eh.
"Thank you bes, the best ka talaga" sabi niya at pinitik-pitik yung dalawa niyang hintuturo at ngumiti ng pagkalaki-laki "Pumasok ka na pala, hinahanap ka na ng manager"
"Oo nga pala, sige una na ako" tumakbo na ako habang winawagayway ang kamay ko "Kita tayo mamaya"
Nasa harap na ako ng kwarto ng manager namin, kumatok na ako at binuksan yung pinto, bumungad naman sakin ang pitong katrabaho ko.
"Ms. Gonzales, you're late" sabi ng manager namin.
"Sorry po maam" sabi ko at yumuko.
"Sige na, luminya ka na" sabi ni maam at pinagpatuloy yung sinasabi, ako naman ay luminya na sa tabi ng mga servers na tulad ko.
"As I was saying, merong pool party na magaganap dito sa hotel mamaya, ang party na yun ay para sa importanteng guest" nagsimula namang magbulungan ang mga katrabaho ko. Kaya pala may nag-dedecorate sa sa may pool. Sino kaya yung importanteng guest na yun?
"At ang guest na yun ay si Terrence Lopez" bigla namang naghiyawan at nag-tilian yung mga katabi ko, napahawak na lang ako sa tenga ko sa sobrang lakas nilang mag-fangirling, well ginagawa ko rin yan pero tahimik lang. Teka, sino ba si Terrence Lopez? Sikat ba yun? Bakit hindi ko kilala?
"Pero ako ang mag-aassign sa mga task na gagawin ninyo" nagsitahimik naman sila "Kayong lima, mag-seserve kayo sa loob ng pool party, responsibilidad ninyong sundin yung mga utos ng guest natin katulad ng pagbigay ng wine sakanila at kung ano-ano pa, kayo rin ang maglilinis sa loob ng party" hindi ako kasali sa limang to, ito yung unang limang server na nakalinya sa harap ng manager.
"At kayo namang tatlo..." sabi ni maam sabay turo sa direksyon namin "Outside kayo ng pool party, alam niyo naman siguro ang gagawin ninyo, kailangan niyo lang i-monitor yung mga lumalabas at pumapasok sa party, siguraduhing walang makakapasok na gulo"
"Nagkakaintindihan ba tayo?" sigaw ng manager. Agad naman kaming sumagot.
"Yes maam" sabay-sabay na sigaw namin.
"Okay, dismissed" sabi ni maam at saka umalis. Nagbulungan na naman sila.
"Anica!" sigaw ng isang pamilyar na boses, lumingon naman ako. Nakita ko si Erika, isa sa mga kaibigan ko na nagta-trabaho rin dito.
"Balita ko, president daw ng entertainment ni Terrence Lopez yung mama mo" biglang lumaki yung mata ko ng marinig yung salitang mama.
"Malamang kasama yun ni Terrence na pupunta dito.....kung gusto mo siyang makita dapat mag-seserve ka sa loob ng party, san ka ba?"
"Sa labas kasi ako eh" sabi ko sabay napakamot ng ulo "Erika...switch tayo" mag-seserve kasi siya sa loob eh, nagbabakasakaling pumayag siya.
"Huh? Baka mapagalitan tayo"
"I'll take the blame...sasabihin kong pinilit lang kitang mag-switch" bahala na si batman, gusto ko na kasing makita si mama.
"Bahala ka, basta ayoko pang matanggal sa trabaho ko" sabi niya.
"Akong bahala"
/7:00 p.m./
Ang ingay naman dito. Kinuha ko yung mga wine at nilagay sa cart ko habang lumilingon-lingon sa paligid, umaasang makikita si mama.
"Miss, kailangan pa namin dito" nahinto ako sa paglakad at hinanap yung sumigaw, ayun, pumunta na ako dun sa tumawag sakin at binigyan sila ng isang bote ng wine, bahala na silang mag-bukas nun. Tumingin-tingin na naman ako sa paligid ko.
Bigla namang may humawak sa bewang ko.
"Miss, ang ganda mo na, sexy ka pa" manyak ata tong lalaking to ha.
"Bitawan mo nga ako" mukhang walang nakakapansin sakin kasi masyadong malakas yung music.
"Wag ka ngang ganyan, sige na oh" pilit na akong nagpupumiglas sa kanya at nung nakawala ako sa pagkakahawak niya....
"Bastos" sigaw ko kaya naman tumigil yung music at nagsitinginan dito yung mga tao. Tinulak ko yung manyak at tumalikod na.
"Aba naman at lalaban ka pa" rinig kong sigaw nung manyak at nagsitilian yung mga tao sa paligid. Anyare ba? Lilingon na sana ako kaya lang may biglang humila sakin at niyakap ako.
Aba ang daming bastos dito....
Pumiglas ako sa yakap nung lalaking humila sakin kanina at sinampal siya......
--------------------------
A/N: Sorry po pala kasi ang tagal kong mag-update, tinapos ko lang kasi yung project ko, sorry po talaga.
Sorry din po sa typos and grammatical errors.
Please leave votes and comments.
BINABASA MO ANG
My Celebrity Boyfie [Completed]
Teen FictionTerrence Angelo Lopez isa siyang lalaking nakakapanira ng araw ko at ng tahimik kong mundo. Isa siyang celebrity na sobrang laki ng ulo dahil sa mga naririnig na compliments mula sa mga fans niya. Gwapo pero mayabang. And guess what, he's My Celebri...