Chapter 7-Babalikan Kita

2.3K 31 0
                                    

(A/N: Hello po sobrang saya ko ngayon kasi nahanap ko na yung hardcopy nitong story. Enjoy reading po, mwah mwah :*)

~~~~~~~~~~~~~~

Chapter 7

ANICA'S POV

"Tulungan na kita" biglang may sumulpot na lalaki sa tabi ko at kinuha yung mga dala ko, ako naman gulat na gulat.

"Hala, diba ikaw yung lalaking nakatabi ko sa bench kahapon na may binigay sakin na eraser kasi hindi ko mahanap yung sakin?" haba ng tanong ko. Tumawa lang siya, edi nakitawa rin ako, hehe para kaming baliw.

"What a small world nga naman" sabi ko at sininghot-singhot yung sipon ko, malay ko ba kung tumutulo na yung sipon ko tapos hindi ko alam.

"Saan ka?"

"Nandito, sa harapan mo, ayos ka lang?" sabi ko habang winawagayway ang mga kamay ko sa harapan ng mukha niya na parang sinasabing kung natutulog ka man, gumising ka nga. Ngumiti na naman, mukha ba akong nag-jojoke.

"Hindi, I mean, saan ka nakatira?" ohmayghad, totoo ba to? Tinanong niya kung saan ako nakatira? "Uy baka naman iba ang iniisip mo, tinatanong ko para mahatid kita, kung hindi ko alam pano kita masasamahan papunta sa bahay niyo?"

"Ah h-hindi na kailangan, malapit na rin naman na yung bahay namin" sabi ko at yumuko, nakakahiya naman kasi sakanya, kakakilala lang namin....wait hindi ko pa alam ang pangalan niya?

"Teka~" sabi ko na nakatingin sakanya pero naputol yung sasabihin ko nang magsalita siya.

"Malayo pa ba tayo?" sabi niya, sayang tatanungin ko na yung pangalan eh.

"Ayy dun lang naman ako nakatira sa may kanto" sabi ko sabay turo dun sa pang-average lang na bahay, yung hindi masyadong malaki at hindi masyadong maliit. Naglakad na kami papunta sa bahay namin.

................

"Ako na" sabi ko nang nasa tapat na kami ng bahay namin at kinuha sakanya yung mga gamit ko na hawak niya.

"Ah sige, alis na rin ako, baka hinahanap na ako sa bahay eh" sabi niya.

"Teka, hindi ka ba man lang magkakape sa loob" tanong ko ng hawakan ko yung braso niya para pigilan siya.

"Ha? Hindi na" sabi niya at nagpaalam na sakin. Aish! hindi ko man lang nalaman yung pangalan niya, nakakainis naman. Sinarado ko na lang yung gate at pumasok na sa loob ng bahay.

"Nandito na ko" sigaw ko at tinanggal yung sapatos ko. Pagtingin ko sa sala ay may isang lalaking naka-itim na damit, yung totoo galing ba siyang burol ng patay?

"Oh nandito ka na pala, may naghahanap sayo" sabi ni nanay at tinuro yung lalaking naka-itim, unti-unti naman na lumingon yung lalaki at peste bakit nandito siya?

"A-Ah nay sa labas na po kami mag-uusap" sabi ko. Nakakautal naman oh.

"Teka, hindi mo ba yan papakainin yang bisita mo?" hala, anong i-eexcuse ko?

"Hindi na po, kakakain ko lang naman po eh" sabi nung lalaki.

"Oh sige, merong upuan at mesa sa labas, makaka-usap kayo ng maayos dun" sabi ni nanay. At nauna na siyang lumabas, ako naman tumakbo papuntang kusina at naghanap sa ref ng maiinom. Kinuha ko yung isang bote ng tubig at linagok sa bunganga ko. Bumalik ulit ako sa harap ng pinto papunta sa labas. Hinga muna ng malalim, anong sasabihin ko sakanya? Bahala na nga si batman. Pinihit ko na yung pinto at binuksan ng tuluyan, lumabas na ako at agad na sinara yung pinto.

"Nakakuha ka na ba ng trabaho? Sipagan mo na ang paghahanap dahil makalipas ang dalawang linggo, wala ka na sa mundong to" ang hard naman ni kuya, pag nakabili ako ng death note siya ang una kong ililista dun. Kilala niyo na ba kung sino tong lalaking isa sa mga peste sa buhay ko? Sabi niya kailangan ko siyang bayaran ng 100,000 pesos na utang ni papa, nakakainis nga kasi ako pa yung hinihingan, hanapin niya kaya yung magaling kong tatay at dun siya humingi ng pera.

By the way, hindi pa pala alam ni nanay ang tungkol dito, baka atakihin, alam niyo namang loyal yan samin.

"Maghahanap ako ng magandang trabaho at babayaran kita pero hindi pa ngayon, kaya pwede ba umalis ka na" sabi ko ng pabulong, baka marinig ni nanay.

"Wag kang pakakampante...babalikan kita" sabi niya at dinuro-duro ako "Alis na ako" mabuti pa nga. Ni-lock ko na yung gate at pumasok na ako sa loob.

"Oh bat nakabusangot ka diyan? Sino ba yun?" tanong ni nanay.

"Wala po yun nay, kaibigan ko lang" kaibigan your face. Feeling ko masusuka ako sa sinabi ni nanay. Biglang nag-vibrate yung phone ko, teka.... Hindi ko makuha sa bulsa ko, ayun hehe nakuha ko na. Lock...password....click messages...napatakbo ako sa kwarto ko.

"Waaaaaaahh" sigaw ko sa loob ng kwarto ko, hindi ako makapaniwala sa nakikita ko

Kasi........

-------------------------

A/N: Sorry po ulit kasi ngayon lang ako nag-update, madami lang po talaga akong ginagawa, pagpasensyahan niyo na po ha.

Next week na lang po ako mag-uupdate ulit, para dirediretso na at para hindi na bitin. Sorry pala kung bitin tong chapter na to hehe.

Sorry rin po sa typographical and grammatical errors. Anica in the multimedia.

My Celebrity Boyfie [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon