Chapter 59-Highlighter

692 9 0
                                    

Chapter 59

ANICA'S POV

"Ano?! A-Anong nangyare?..... Bakit?......Teka teka isend mo sakin yung address......papunta na ko diyan" sabi ko saka ibinaba ang tawag. Paalis na sana ako kaso hinila ako pabalik ni Terrence.

"Anong nangyare?" tanong niya. Nagmamadali ako hays.

"Si~"

"Oh hey Terrence..." napapa-facepalm na lang ako sa nangyayare. Nagmamadali nga ako myghaadd.

"Bibisita sana ako, but I guess you're already discharged" sabi ni Margaret sabay tingin sakin at sa kamay ko na hinahawakan pa rin hanggang ngayon ni Terrence. Agad kong tinanggal ang kamay ni Terrence.

"Oh please, wala akong oras makipagdaldalan sainyo, nagmamadali ako excuse me!" sabi ko pero tumama ang balikat ko kay Margaret ng hindi sinasadya. Well, di ko yun sinasadya, argh nagmamadali ako shooo na dali.

TERRENCE'S POV

"Why do you hate her that much?"

"Well, I don't hate her, I just dislike her" sagot niya sabay tingin sa kuko niya na idunno kung anong ginagawa niya.

"It's just the same" sabi ko, nag-smirk lang siya saka tumingin sa phone niya "May iba pa bang copy nun?"

"Nah, I tried looking for other stores and establishments na may cctv, pero wala"

"I can't go back to that store, they only have one copy of that video" nag-iinit ang dugo ko pag naalala ko si Tim, dahil sakanya nawala ang ebidensya.

"That guy warned you na iisa lang kopya niya. It's not his fault, not yours too, but maybe thirds of it, maybe if you take a good care of it, di sana mapupunta kay Tim" you're right tsk.

I asked for Margaret's help. I even asked her about sa sinabi ni Tim before I went to the dorm.

/Flashback/

"What is Tim trying to say? Are you an accomplice?"

"What? No!" she said.

"Then what?"

"He said he'd help me get your parent's favors on us getting married...." kumunot ang noo ko. So niloloko niya lang ako? Is that what she's trying to say? "...but I don't want it, even just by looking at his plan, I don't want it. I don't want to have you by favors. So I tried to stop him, I know his jealous of you, I told him to stop his plans, he just wants to get rid of you and to get all the attention you have. As soon as I thought everything is fine with him, I thought he already changed his mind and forget his plans, but  I'm mistaken. He changed his plans onto something I didn't expect, killing your mom, and almost tried to kill me too. I tried to help your mom, but I can't. I want to help you Terrence, it's the last thing that I can do"

/End of flashback/

She said she tried to stop him, and I trust her. And for that, she's helping me catch Tim.

"Damn you Tim" naisigaw ko na lang. Bakit kaya di na lang siya magpahuli para hindi na komplikado ang lahat.

ANICA'S POV

"Anong nangyare?"

"I don't know" umiling-iling lang si Stacie saka tumingin kay ate She na patuloy lang sa pag-iyak.

Tumabi ako sakanya saka hinawakan siya sa balikat. Isinandal ko siya saakin at niyakap. I think this is not the right time para tanungin siya kung anong nangyare.

Lumabas naman yung doktor dahilan para mapatayo kami.

"Your daughter is in stable condition. We just have to do some tests and x-ray, masyado pang bata ang pasyente kaya baka nabali ang buto niya or something, after all she's safe" napahinga naman ng maluwag si Ate She ng marinig ang mga sinabi ng doktor. Umupo na siya at umupo na rin kami.

"Ano ba talagang nangyare?" bulong ko sa katabi ko na si Jesver. Umiling-iling lang ito. Tumingin ako sa nakatayong si Justin, umiling din ito. Bat nga pala nandito ang kambal? Don't tell me na kasama tong dalawa ni Stacie?

Umalis na muna si Stacie at Jesver, sumunod si Justin. Bago sumunod tumingin pa siya sakin with 'ayos ka na?' look, tumango lang ako saka siya sumenyas na aalis na muna.

"Bumibili lang ako ng grocery sa market. Kasama ko siya ng mga panahong iyon, pero habang nagpipili ng gulay na bibilhin, di ko namalayan si Tanara. Bigla na lang siya nawala sa tabi ko. Hinanap ko siya at inabutan siya na nakabulagta sa kalsada. Sabi nila nabanggaan siya ng itim na kotse, kaya dali-dali ko siyang dinala dito. Hindi pa rin ako makapaniwala na hindi man lang huminto ang nakabangga sakanya para man lang tulungan siya. Napakabata pa ng anak ko, siya na lang ang natitirang pamilya ko, ayoko nang mawalan ulit ng anak" sabi niya at tuluyan nang tumulo ang luha na kanina niya pa pinipigilan. Hinaplos ko lang ang balikat ni Ate She.

"Andito po ako Ate She, pamilya mo ako"

Tinanong ko si Ate She kung hindi pa siya uuwi, ang sabi niya ay magpapaiwan na lang siya, babantayan niya daw si Tanara. Siguro mas mabuti nga yun, para kung sakaling magising si Tanara ay nadiyan ang mama niya. Dumiretso na ako sa dorm. Tinanong pa ako ng guard kung saan daw ako galing, na kesyo di daw ako nagpaalam at kung ano ano pa. Pinapalista niya ako sa log book niya, at dahil pagod na ako at bukas na ang exam ay naglista na lang ako at dumiretso na sa kwarto ko.

Pagpasok na pagpasok ko sa kwarto ay nag-dive ako agad sa kama. Oh how I miss my bed.

"Oh shit exam!" agad kong kinuha sa bag ko yung libro na pinag-aaralan ko at binuksan sa lesson na irereview.

"Ha?" nagulat ako dahil punong-puno na ng neon color ng highlighter yung libro ko. "Sino may gawa nito?" nilipat ko pa sa ibang page at nakakapagtaka lang at yung topic lang na irereview yung may mga highlighter ng mga mahahalagang notes.

Naalala ko bigla ang nakita kong pagbalik ni Terrence ng libro ko sa dating kinalalagyan nito nung nasa hospital kami, nung bumili ako ng lunch niya.

"Hm" napangiti ako sa naalala ko "Ikaw pala"

------------
A/N: Haayy akala ko hindi pa ngayon, pero ngayon na pala tae huhuhu All good things happen unexpectedly diba? Potek yan, good thing pa ba tong sitwasyon ko?Hahaha k abangan niyo na lang next chapter.

VOMENTS!!!

My Celebrity Boyfie [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon