Chapter 44-Accepted

796 10 1
                                    

Chapter 44

TERRENCE'S POV

"Kinakailangan na nating tapusin ang problemang ito, we don't need enough time para masolusyonan pa ito. And the only solution that we have is her"

"Wala akong magagawa kung ayaw niyang i-accept ang offer mo, isa pa, lalong hindi niya lang i-aaccept ang offer mo dahil sakin, palaging mainit ang dugo nun sakin eh" yes, she is always mad at me, ewan ko nga lang sa mga nagdaang araw at di na niya ako tinatarayan or di na siya galit makiusap sakin. Something's changed on the way she treats me.

"I know, I know. Pero siya lang ang makakaayos ng problema natin"

Biglang bumukas ang pintuan ng office ni Miss Cassy at saka iniluwa ang babaeng pinag-uusapan namin na hingal na hingal.

"Sorry maam, ayaw magpapigil neto eh" sabi ng guard na kakabukas din lang ng pinto at mukhang hingal na hingal din. Naghabulan pa ata yung dalawa.

"OMG Anica, have you made up your mind? Then what's your decision?" agarang tanong ni Miss Cassy kay Celine. Napatingin ulit ito sa guard ng di agad nagsalita si Celine "It's okay, she's one of the trainees now, you may go"

"Ay hala, trainee na ko agad" sabat naman ni Celine sabay turo sa sarili niya.

"She haven't even took an audition" sabi ko. If she will not take an audition, reporters will be suspicious about her.

"She can take an audition anytime, anywhere" sabi ni Miss Cassy at saka hinila na si Celine.

ANICA'S POV

Iwantv? Anytime, anywhere? Hahaha myghaad pero di pa naman talaga ako nagsasabing inaccept ko na yung offer eh, bigla lang talaga kong hinila ni Miss Cassy. Anyways, dun din lang naman ang patutunguhan nito kaya sunama na lang din ako.

"This is the audition room. Dito ka mag-aaudition. Have you already decided when to take an audition?"

"Ahh uhm..."

"Yes?"

"Hehe ano kasi Miss Cassy...."

"Go on"

"Wala po akong talent" sabi ko at naiilang na ngumiti sakanya.

"Don't worry Anica, you'll know your talent, just keep trying and you'll find it" napangiti ako sa mga sinabi sakin ni Miss Cassy.

"This is the audio room, dito nagrerecord ng songs and nagpapractice ng vocal lessons ang mga trainee"

"Eto ang editing room, as for it's name, dito nag-eedit obviously ng songs or music videos"

Tumatango-tango lang ako habang pinapakita sakin isa-isa ni Miss Cassy ang mga rooms dito sa building ng Orion. Nakapunta kami sa hallway kung saan may dalawang daan.

"Eto naman ang comfort room, the left door is for male and the right is for female, you'll know just by looking the signs" napatingin naman ako kung saan nakatingin si Miss Cassy, yun ay ang sign ng male at female na cr.

"This is the lobby" masyadong maraming pasikot-sikot ang building, hindi ko kayang imemorize yun sa isang araw lang "You may also see the map there, in case your lost, or you may ask anyone here" sabi niya sabay ngiti.

Nakarating kami sa kakaibang part ng building. Kumpara sa nilalakaran namin kanina, mas marami ang tao dito, at halata base sa suot nila na isa silang trainee ng Orion. May nadaanan kaming isang cafeteria, kung saan napakaraming trainees ang nakatingin sakin, nakaramdam naman ako ng pagkailang sa tingin nila. Para kasing kakaiba pagtingin nila sakin eh.

"Cafeteria for trainees" sabi ni Miss Cassy habang naglalakad, sumusunod lang ako sakanya.

"This is the dorm for the trainees, one for female and one for male. There are several rooms for girls and boys. That way is the way to the boy's rooms and this way is the way to the girl's rooms" sumunod ako sakanya habang tinatahak ang daan papunta sa dorm ng mga babae. Dito pala sila nag-stay.

"And for that, this is your room" room 1032.

Binuksan ni Miss Cassy ang pintuan papunta sa kwarto at...wow parang pang-mayaman ang kwartong iyon, malayong-malayo sa kwarto ko sa bahay namin. May isang malaking kama, may table sa gilid at isang upuan, may sink sa katabi at mga cabinet, may maliit ring ref. Perfect for one person only.

"Your room number is your number name. We call every trainee here by the number, sa sobrang dami ng trainees, we can't memorize them all, your number is placed on that table" saka tinuro ang mesa sa katabi ng kama, agad ko namang pinuntahan iyon at saka inilagay sa gilid sa may harapan ng tshirt ko. Para siyang name tag eh. Sa baba ng numerong iyon ay ang pangalan ko. Pinaghandaan na talaga nila.

"Tara na, marami pang rooms na dapat ipakita sayo" sabi ni Miss Cassy at saka lumabas ng kwarto. Sumunod na rin ako bitbit ang susi na katabi ng number tag kanina sa mesa at saka inilock ang pinto ng kwarto.

Bumalik kami sa hallway kung saan kaunti na lang ang mga tao, base sa nakikita ko, iyon ay mga staffs or managers dahil nakasuot rin ang mga ito ng uniform na katulad ng suot ni Miss Cassy.

"We have three studios, studio for type C, for trainees that are still learners, for junior trainees, for trainees na kaka-audition lang, studio for type B is for trainees that have spent 2-4 years, for middle trainees, and studio for type A, for trainees that are going to debut or not, senior trainees" sabi ni Miss Cassy habang tinuturo ang tatlong pintuan na may nakalagay na mga signs na studio.

"Eto ang Studio C" medyo malaki ang room na ito, may malalaking mirrors all over it, at may isang speaker. Perfect for memorizing steps.

"This is Studio B" kumpara sa Studio C, mas malaki ang room na ito at may water dispenser. May malalaking mirrors din at dalawang speaker.

"And last, studio A" wow, this room is even bigger than the 2 studios, it is air-conditioned at may water dispenser, may mirrors din at dalawang speaker. May lights din all over the room.

"Studio A is always been a desire for all the trainees. We made this studio nicer for all the trainees to aim for it, to work hard for it, because that is what we want for the trainees to know, that they should work hard for them to achieve their goals" tumango-tango ako sakanya "As for you, dito ka na agad sa Studio A after you take your audition. You don't need to spend so many years to debut. We need you now. We need you to keep the entertainment breathing"

"Pero di po ba ako magiging unfair sa ibang trainees?" sabi ko habang nakakunot ang noo at may bahid ng pag-aalala ang mukha.

"It's not being unfair, Anica. It's called saving something to save everyone" sabi niya sabay tapik sa balikat ko "We'll continue tomorrow, may isa pa kong ipapakita sayong room bukas, and that person. We'll see each other again tomorrow, make sure to pack your bags tonight and get ready for your big day."

"Miss Ca....ssy" wala, wala naaa. Halos pabulong na lang ang huling salita nang hindi ko na makita kahit anino ni Miss Cassy sa harapan ko. So ibig sabihin dito na ako titira? Agad-agad? Pero ano pa yung isang room, pwede pa naman ngayon, dami pang oras eh. Tsaka sino yung that person na sinasabi ni Miss Cassy?

"Hmm... I guess I'll figure it out tomorrow" I said as I walked passed the guard and out the sliding door of the building.

----------------

A/N: Due to some wattpad errors and data problems. The author of this story have gone through a lot of hardwork and effort to rewrite this part of the story. Myghaad nose bleed hahaha ni-rewrite ko lang naman yung chapter 44 kasi biglang nawala sa drafts, bwiset mababadtrip na sana ako kaso biglang nawala nung maalala ko na nasave ko pala sa phone yung episode 6 ng goblin wahahahaha kbye manonood na ako.

Heyow guyseu, di ko to napost coz meh no internet kagabi ehehehehe nawalan ba naman bigla ng kuryente, aba bastusan tsk tsk tsk.

Abangan....

My Celebrity Boyfie [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon