Chapter 11-Bracelet

1.7K 26 0
                                    

Chapter 11

ANICA'S POV

Binuksan ko yung pinto ng convenience store dala ang isang bond paper na may naka-print na Wanted: Cashier.... Tas yung mga requirements na kailangan at mga chuchu

"Excuse me, ate, ikaw po ba ang may-ari ng convenience store na to?" Tanong ko sa babaeng nasa may counter at parang nag-aayos ng mga gamit sa ibabaw ng counter.

"Ahh oo, bakit?" sabi nung babae.

"Ahh kailangan niyo pa po ba neto?" tanong ko sabay pakita sakanya nung bond paper. Agad naman niyang inayos yung suot niyang salamin at tiningnan kung anong nakalagay dun.

"Oo, matagal na yang nakadikit sa labas, naghahanap ka ba ng trabaho?" sabi nung babae.

"Opo, pwede po bang mag-apply para diyan? kahit mababa lang po yung sweldo ayos lang" sabi ko.

"May dala ka bang resume at ID?" tanong nung babae. Mabuti na lang at palagi kong dala yung resume ko. Kinuha ko naman agad yung resume ko sa bag at pinakita dun sa babae.

"Anica Celine Gonzales po ang full name ko, eto po yung ID ko at nandiyan na po lahat ng informations ko sa resume" sabi ko ng nakangiti.

Sinuri niya yung resume ko at hinintay ko lang yung sasabihin niya.

"Nag-aaral ka pa?" tanong niya.

"Ahh opo, 4th year college po ako, pero marunong naman po akong mag-asikaso dito" sabi ko. Napatango-tango naman siya.

"Alam ba ng mga magulang mo na mag-aaply ka dito?"

"Actually po wala po akong mga magulang, katulong na lang ang nagtatayong magulang sakin at tinuturing kong tunay na ina. Alam niya pong nagpapart-time ako, nag-quit nga lang po sa dating trabaho" sabi ko ng deretso.

"Uhm bukas ko na natin pag-usapan to, pero you may now start today kung gusto mo na, sakto naman kasi may pupuntahan pa ako. Nagmamadali rin kasi ako eh" sabi niya habang nagliligpit ng mga gamit niya.

"Ohh sige po, magsisimula na po ako ngayon" sabi ko. Yess, makakabayad na ako ng utang ni papa. Woot woot!!!

"Basta siguraduhin mo na ilolock mo dito bago ka umalis, sinasara ko tong convenience store bago mag-8:30 kasi 8 o' clock closed na to tapos yung natitirang 30 minutes ay ang pag-ayos, pag-linis at pag-check dito sa convenience store. Ngayon pa lang sinasabi ko na sayo na ititiwala ko sayo tong convenience store, kung may mangyari mang masama pagka-alis ko, wag kang mag-alala may fire exit dun sa bandang likuran at may cctv din dito sa bawat sulok pati na rin sa labas" mahaba-habang paliwanang niya habang may kinukuha sa bag.

"Nga pala, ako si Sheryl, tawagin mo na lang akong ate She" sabi niya at binigay sakin yung padlock at susi "Ayan yung susi dito, siguraduhin mong lahat naka-lock at wag ka rin magiiwan ng appliances or kahit anuman na naka-on" sabi niya at inayos na niya yung buhok niya.

"Wag po kayong mag-alala, ako na pong bahala dito, basta tanggapin mo po ako sa trabaho, magiging maayos lahat hehe" ayy hala, ayos ha, nakiki-close sa boss haha.

"Haha sige mauna na ako at nagmamadali talaga ako eh" natatawang sabi niya at umalis na.

"Waaaahh de-aircon dito, puputi ako haha" sabi ko sa sarili ko. Ayy makapagtrabaho na nga.

Inayos ko yung mga pagkakasunod-sunod ng mga bote sa fridge, inayos ko rin yung mga chichirya na nakahelera. Tumunog yung bell ng pinto kaya bumalik agad ako sa counter.

"Good evening, Maam" bati ko sa pumasok na babae na may kasamang batang lalaki, ang cute nong batang lalaki. >o<

"Ahh may gatas ba kayo dito?"

"Ahh dun po maam sa may part na yun dun sa may likod" sabi ko. Pumunta naman dun yung babae kasama yung bata at bumalik na may dalang bote ng gatas, gatas na soymilk.

"Eto lang po ba maam?" tanong ko. Tumango lang yung babae kaya pinunch ko na yung gatas at binuksan gamit ang bottle opener.

"Eto po yung straw, maam" sabi ko sabay bigay ng straw na nakangiti.

"Bago ka ba dito?"

"Ahh opo"

"Meron din kasing nagpapart-time dito na babae, maikli ang buhok niya at parang anak-mayaman eh"

"Ganon po ba? haha nawalan po kasi ako ng trabaho kaya nag-apply ako dito for part time" sabi ko habang nakangiti dun sa babae.

"Haha masayahing bata, sige alis na ako" sabi nung babae tapos nag-bye sakin yung cute na batang lalaki, kaya nag-bye rin ako sakanya sabay wave ng kamay.

Pinagpatuloy ko na yung pag-ayos dito, pakatapos ay naglinis ako, dumaan pa ang isang oras at malapit na ata mag-8:00 kaya tiningnan ko yung phone ko, shit 8:30 na pala. Dali-dali akong tumakbo papunta sa pinto at nilagyan ng close sign. Inayos ko na yung mga gamit ko at inayos ko na rin yung ibang kalat at yung mga panglinis. Tumunog ulit yung bell.

"Sorry po, close na po kami!" sigaw ko. May nakita akong lalaki at biglang humarap sakin, si Justin pala.

"Ohh Justin!" sabi ko. Naglakad siya papunta sakin at may binigay na bracelet.

"Ohh ano to?" naka-kunot noong tanong ko.

"Bracelet" sabi niya na nakangiti.

"Loko, alam kong bracelet to, ang ibig kong sabihin, bakit mo ako binibigyan nito?" sabi ko, muntik ko pang mabatukan haha.

"Ang layo naman nun sa 'ano to?' mo, edi dapat yun na lang yung sinabi mo, pinahaba mo pa yung conversation natin" sabi niya na nakangiti pa rin.

"Ikaw lang namang nagpapa-haba ng usapan ehh, common sense mo kasi nawawala, pakihanap please" sabi ko.

"Ehh kasi...."

------------------------

A/N: Tagal ko na naman na hindi nakapag-update, pagpasensyahan niyo na yung author niyo ha?? nandiyan pa rin naman kayo diba? Sorry busy lang kasi ako /using my sleepy voice/

Pero kaway-kaway naman kayo diyan...sino gusto magpa-dedicate?? sabihan niyo lang ako, idedicate ko sainyo.

Medyo mahaba-haba update ko ngayon, update pa ako ng isa mamaya, bawi ko naman sainyo.

VOMENTS!!

My Celebrity Boyfie [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon