Chapter 51-Reason

850 11 0
                                    

Chapter 51

TERRENCE'S POV

Sinisikap kong maging maingat, lalo na ngayong nalaman ko na he was after us. Celine was so terrified kaya naman inuwi ko na siya sa dorm.

"Mr. Lopez" tinawag na ako ng isang nurse at pinapasok na ako sa isang kwarto. Nandito ako ngayon sa isang hospital. Yeah, I just caught a cold, sumasakit rin ang ulo ko dahil sa hindi ako makatulog kaya napag-pasyahan ko na magpa-check up. Almost two years na rin akong ganto kaya kilala na rin ako ng nurse.

"Mr. Lopez?" pagkukumpirma sakin ng doktor, wala kasi yung doktor kung saan ako palaging nagpapa-checkup "According to the test results, you're suffering for almost two years from dysthymia which is a mild chronic depression" tumatango-tango ako, alam ko naman na eh "You can't eat normally and sleep well at night due to stress and....hindi ka naman nag-iisip masyado noh? But don't worry it's not really that severe"

"Yes doc, I am still doing light treatments at home every morning. Ipapagpatuloy ko po ba?"

"Yes, until may makitang positive changes sa lifestyle mo. Do you still take your medicines?"

"Yes doc"

"Mas maganda kung may mag-titrigger ng happiness mo. Maaaring makatulong ang mga taong nasa paligid mo, make friends with them and spend time with them. Baka isang araw mawala na lang yang mild depression mo"

"And please try to forget your problems kahit isang araw lang at hayaan mo ang sarili mong maging masaya. You'll never be treated kung nag-iisip ka palagi ng mga problema mo" tango lang ako ng tango "I'll schedule your treatment with your doctor"

"Uhm..sige po doc" nagpasalamat na ako sa doktor at lumabas na sa kwartong iyon.

Lumabas na ako ng hospital at pumunta sa pinakamalapit na convenience store. Oh diba siya yung nabanggaan ko? Palagi ko na nga lang nababanggaan, buti nga ngayon di banggaan scene ang pagkikita namin haha lul

"Good day Si~" tumingin muna siya sakin "Oh..." sabi niya "Tuloy ka iho" saka inayos niya yung upuan na malapit sa pintuan at pinaupo ako.

"Anong kailangan mo?" sabi niya na hindi pa rin naaalis ang ngiti sa mukha. Hindi ko alam pero parang ang gaan ng pakiramdam ko sakanya.

"Uhm cup noodles po" sabi ko sabay tayo.

"Oh? Ako na kukuha" sabi niya.

"Ay di na po, di naman to restau~"

"Ako na" sabi niya at dali-daling kinuha ang cup noodles sa kung saan at may mainit na tubig na to.

"Pasasalamat ko na rin to sayo. Ano nga palang pangalan mo iho? Ilang beses na tayong nagkita hindi ko pa rin alam ang pangalan mo haha" tumawa siya ng mahina. Napatawa na rin ako ng mahina, wala nakakadala tawa niya.

"Uhm Terrence po" napahinto siya sandali "Ah.." pagbasag ko ng katahimikan at para makuha ulit ang atensyon niya.

"A-Ah sorry, ako nga pala si Sheryl, Ate She for short" parang bulang naglaho ang mga ngiti niya sa mukha at napalitan ng kaunting agos ng luha sa gilid ng kanyang mga mata. Agad naman niya itong pinunasan "Haha sorry. May naalala lang ako sayo, kamukha mo kasi siya...yung namatay kong anak" sabi niya at pilit na ngumiti.

"S-Sorry po"

"Hindi haha ano ka ba iho. Kamukha mo lang kasi siya. Medyo matagal-tagal na rin simula nung mawala siya at hanggang ngayon pinagsisisihan ko pa rin na iniwan ko siya sa kanyang ama" halata ang pagdurusa at sakit sa mata niya ngunit pilit pa rin siyang ngumiti. Sigurado ako na nasasaktan pa rin siya hanggang ngayon, kaya mas minabuti ko nang wag itanong sakanya kung anong nangyare sa anak niya.

"Alam ko pong masakit mawalan ng anak. Naranasan ko na rin po ang mawalan ng mahal sa buhay. Naranasan ko na ang hindi makapiling ang isa sa pinaka-importanteng tao sa buhay ko" tumingin siya sakin na para bang gusto niyang marinig ang sasabihin ko kaya't pinagpatuloy ko ang pagkekwento.

"She died 4 years ago. Hindi pa rin nabibigyan ng hustisya ang mommy ko, at mas masakit pa ng malaman ko na parang wala lang yun kay dad at kapatid ko pa ang may kasalanan kung bat siya nawala"

"S-Sorry, ilang beses kong nabanggit ang magulang mo, sorry hindi ko alam"

"Ayos lang po" sabi ko sabay ngiti "Mula po sa presensya niyo, nararamdaman ko po ang presensya ng isang magulang, kaya para lang naman akong naglalabas ng sama ng loob sa nanay ko" sabay tawa ng mahina.

"Hay nako, ipapakilala nga kita sa anak-anakan ko. Sigurado ako na bagay kayo" sabi niya na parang kinikilig.

"Maganda po ba yan?"

"Ay syempre! Ipapakilala ko siya sayo next time, wala kasi yun kasi busy na daw siya eh" sabay taas-taas ng kilay na ewan.

Tinapos ko na ang cup noodles, matagal-tagal rin ako sa convenience store na yun. Andami saking naikwento si Ate Sheryl about dun sa maganda DAW niyang anak-anakan na ipapakilala sakin. May DAW kasi hindi pa ko sigurado pero mag-eexpect ako ng mataas base sa kwento sakin haha.

Pagkatapos nun ay dumalaw ako kay mom, free time eh, gusto kong sulitin ang oras na to para kausapin ang mommy.

"Mom, kamusta ka na po diyan sa taas? Pinapakain ka po ba diyan ng maayos? Nakakatulog ka po ba ng sapat? Mom, miss na kita, alam niyo po bang may nakilala ako, parehong pareho kayo ma, pinadala mo po ba siya para hindi ako maging malungkot? Salamat ma, kasi kahit andiyan ka na sa taas palagi mo pa rin akong binabantayan"

Ilang sandaling katahimikan ang bumalot sa paligid. Magtaka kayo kung may sumagot sakin dito, mangilabot kayo.

"Mom, hindi ko alam pero natatakot ako. Hindi ko alam kung gaano kapanganib si Timothy. Pero sana bigyan mo ko ng lakas, bibigyan kita ng hustisya" inilapag ko na ang tatlong puting carnation sa puntod ni mommy at tumayo na.

"Bye muna ma, kailangan ko nang umuwi eh"

Pabalik na ko sa kotse ng may matanaw akong isang itim na kotse sa malayo, hindi ako nagpahalata na tinitingnan ko ito. Pumasok na ako agad sa kotse at tiningnan ng mabuti ang driver nun. Malakas ang kutob ko na sinusundan ako nito, nakita ko rin ang kotseng ito nung pumunta ako sa convenience store, at nakapadagdag pa rito ang katotohanang plate number nga iyon ni Tim at nag-iisang kotse lang ito sa sementeryo maliban sa kotse ko.

I don't know what is his reason on coming back. Pero sisiguraduhin kong wala nang mawawala ngayon.

----------------
A/N: Ambagal ng net tengene niyan. Di ko tuloy madownload ang 17 again tsk.

Anyways, abangan niyo na lang ang next chapter wahahaha okeh? okeh? GOOOOD!

VOMENTS!!!

My Celebrity Boyfie [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon