Chapter 8-Finally

2.1K 26 0
                                    

Chapter 8

SOMEONE'S POV

Binuksan ko yung phone, nakakuha na naman ako ng message galing sakanya. Nagdadala-dalawang isip tuloy ako kung magrereply ako sakanya at sabihin sakanya ang totoo para hindi na siya umasa o hindi na lang. Bahala na nga, lakas maka-konsensya, ilang taon na siyang text ng text, minsan nga nagiiwan pa ng voice message. Lahat ng text at voice message niya ay nakaka-inlove, hoy baka iba ang iniisip niyo, hindi ko pa siya nakikita for the past seven years, pero nung isang araw bago ko ma-receive ang message na to, nakita ko siya. Sigurado ako, dahil minsan na siyang nag-send ng picture niya.....May nag-text naman sa phone ko at dali-dali kong binasa.

From: Diana

Hello, matagal-tagal na rin ha, kamusta ka na?

Si Diana lang pala, long-distance relative ko siya, kalaro ko siya noong bata pa ako kaya lang pumunta sila ng ibang bansa. siguro umuwi na sila dito sa Pilipinas. Biglang nahulog yung paborito kong teddy bear sa kama ko, tumayo ako at pinulot yung teddy bear, binalik ko na sa dating kinalalagyan. Bumalik ako sa upuan ko at nag-type ng isesend na message.

'Okay lang, ikaw?'

.......message sent

Tiningnan ko ulit kung na-send ko na talaga. Teka, hindi to yung number ni Diana ha. Potek, mali ang hawak kong phone and worst, dun ko na-send sa unknown na text ng text sa phone na to.

ANICA'S POV

5 years, 5 years akong naghintay na mag-reply si mama, pinangarap ko talaga to. At eto na ang pinakakahihintay kong oras, nag-reply na si mama.

Dali-dali akong nag-type ng irereply ko sakanya.

To: Mama

Ma, you finally answered after my five long years of waiting. Alam niyo po ba kung gaano niyo ako pinasaya? Sobra-sobra po.

Grabe na talaga to, parang sasabog na ako sa sobrang saya. Naghintay ako pero walang nag-reply, ah siguro busy lang siya, naghintay pa ako ng ilang minuto pero wala talaga, baka na-wrong send lang siya.

Alam ko naman eh, tanggap ko na walang pakialam sakin ang mama ko, na kahit anong pagpapapansin ang gawin ko hindi pa rin niya ako mapapansin, pero umaasa pa rin ako na mapansin niya lahat ng effort ko. I will not give up because.......because she's my mom

'Hoy tama na ang drama teh, kanina lang ang saya-saya mo tapos ngayon mag-eemote ka diyan' wala eh, mahilig lang talaga akong kausapin ang sarili ko.

TERRENCE'S POV

Makapag-fb nga muna, wala naman si manager

Notifications - d-_-b

Inbox- d-_-b

Friend Request- d-_-b

Hehe, wag niyo nang tanungin kung ilan yan, kahit secret lang tong fb account ko madami pa ring nagsesend ng friend requests, madaming notif at PM sa inbox. Okay lang para sakin kahit ma-flood ako ng notifications, messages at friend request ang mahalaga, NAKAKA-FB AKO...

"Yah Terrence, sinabihan na kitang wag kang titigil sa pag-practice hanggat hindi mo nakukuha eh" yan ay kung hindi ako nahuhuli ng manager ko.

"Hala, balik sa practice" nabitawan ko yung phone ko at tumayo agad, baka masigawan pa ako niyan. Mabuti na lang at shock-proof ang phone ko, kung hindi eh matagal na tong basag-basag at sira-sira.

"Tss, anong silbi ng wifi kung walang gagamit" bulong ko habang kinukuha yung phone sa ilalim ng sofa.

"May sinasabi ka?"

"Eto na, eto na, magpa-practice na" ilang days na akong walang tulog dahil sa practice na to. Ang perfect sa role ko na to ay si sleeping beauty, since nakatulog na siya ng matagal, pagkagising niya sure ako na hindi yan makakaramdam ng antok. Ilang days or months pa ba bago ang release ng album ko? Nakakatamad na ha.

---------------------------

A/N: Hello po, eto na po yung chapter 8, as promised. Kaya lang po maikli po siya kasi po magre-review pa po ako kasi sa Thursday na po yung exam namin, magiging busy po ako sa week na to kaya baka matagal na naman po ako mag-update. Sorry po kasi sabi ko po sa chapter 7 madami akong i-uupdate ngayon pero due to my busy schedule, eto lang po na-update ko. Hindi ko pa po alam ang schedule of exams kaya stay put lang po kayo diyan kasi malay niyo po mag-update ako ngayong week, pero please wag po kayong umasa, baka next week or next, next week pa, pero promise na talaga, marami na akong i-uupdate.

Sorry for the typos and wrong grammars. And thanks for reading my story

love,

Author <3

My Celebrity Boyfie [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon