Chapter 16-Tabi

1.5K 27 0
                                    

(A/N: Hello guysss, namiss ko kayo haha well anyways this chapter is dedicated to 12938dansn, thankss for voting po. Yun lang, sige na, pwede na magpatuloy sa pagbabasa ng story na itez. ENJOY READING!!) 

~~~~~~~~~~~~~

Chapter 16

TERRENCE'S POV

Tinanggal ko yung earphones na nakalagay sa tenga ko nang mag-walk out yung babae.

"Ano problema nun?" bulong ko sa sarili.

Actually nakikinig naman ako, ayaw ko lang talaga marinig yung mga bulong-bulongan ng ibang tao dito sa school.

Susundan ko sana siya kaso biglang dumating sila manager na hingal na hingal.

"Ohh Miss Cassy!" sabi ko nang makaharap sila sakin.

"Hinahanap ka ni Ms. President, kailangan mo nang umuwi" sus, yun lang pala.

Sumama na ako sakanila papuntang building ng Orion Entertainment.

ANICA'S POV

Kinuha ko yung phone ko at tiningnan ang oras. Haist, malapit nang dumilim, umuwi na ako sa bahay pero nag-tricycle ako.

"Nandito na po ako!" sigaw ko at nakita si nanay sa sala na nanonood ng tv. Dumiretso ako sa harap niya at nag-mano.

"Ohh nak, nasa kusina na yung hapunan mo, magbihis ka muna saka ka kumain" sabi ni nanay habang kumakain ng chips.

Umakyat na ako sa taas papunta sa kwarto ko, dumiretso sa cr at naghilamos, nagpalit ng damit at bumalik sa baba.

"Kumain ka na nay?" tanong ko habang papunta sa kusina.

"Oo na nak, sige na kumain ka na diyan, ikaw na bahala sa hugasan ahh" tumango na lang ako at dumiretso sa kusina.

"Bat ang boring ngayon?" bulong ko sa sarili ko. Hmph, tinuon ko na lang ang sarili ko sa pagkain. Hinugasan ko ang mga hugasan at dumiretso na sa taas.

Kinuha ko ang phone ko at nagsimulang magtipa.

To: Mama

Ma, ang boring po ngayon, sana po nandito ka. Gusto ko pong makapasok sa pinagta-trabahuhan niyo kahit janitress lang, basta makita lang kita araw araw. Ma, miss na miss na po kita, sana magkita na tayo balang araw.

Umaasa pa rin ako hanggang ngayon na sasagot si mama. Pero alam ko naman na hindi siya magrereply.

Bigla akong nakarinig na parang nahulog na flower pot kaya tumingin ako sa labas ng bintana ko.

"Shit!" mahina niyang sigaw.

Napatingin siya sakin, nag-peace sign siya at ngumiti.

"Pft" yan na lang ang nasabi ko at ngumiti na lang din sakanya.

Nag-senyas na siya na aalis na siya kaya nag-wave ako sakanya.

Napadaan kasi si Justin, tapos natabig niya ata yung flower pot, di naman nabasag kaya binalik niya lang sa dati.

Nag-dive ako sa kama ko.

"Waaah, magtatrabaho na ulit ako bukas, Wednesday ngayon at sa Sunday na kukunin yung natitirang hindi pa nababayaran sa 100,000 pesos, konti na lang ang kulang, sana makahanap ako agad ng kulang, ang hirap kasi mag-trabaho" ayan, kinakausap ko na naman ang sarili ko.

"Haist Anica, kaya mo to, madali lang naman maghanap ng pera eh" oo, madali lang kaya mo to Anica.

"Waaah hindi madaling maghanap ng pera" sigaw ko at binaon ang mukha sa unan.

My Celebrity Boyfie [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon