Chapter 31-Dati

948 14 0
                                    

(A/N: Tentenenen as promised hihi good mood asf otor niyo kaya pagpasensyahan na lang ahee. Haha dakilang epal ako dito sa unahan kbye~ haha)

~~~~~~~●▪●▪●¤♡¤●▪●▪●~~~~~~~

Chapter 31

STACIE'S POV

Ang pinagtataka ko lang ay bakit siya nahinto? At bakit...bakit parang....

"Hehe" tanging tawa na lamang ang naitugon nung lalakeng stranger kay Justin at si Justin naman ay parang gulat na gulat.

"Bat ka nandito?" tanong niya dun sa lalake, wait? Magkakilala sila?

"Sabi ko naman sayo akin na siya eh. Bat kasama mo siya? Sabi mo she's not your type tas ngayon pinipigilan mo ko?" sabi nito kay Justin.

"Wait, sino ka ba?" biglang sabat ni Anica sa mukhang magtatalo na dalawa. Nakatingin lang ito dun sa lalake at pabalik kay Justin at dun ulit sa lalake.

"Gulo niyo syet" sabi ko at tumawa haha mukha kasing mga baliw na takas sa mental. Lumaki naman ang mga mata ko nang maalala iyon at nahinto sa pagtawa.So nasira na talaga ng tuluyan ang utak ni Justin?!?!

"Nyare sayo bes? Para kang nakakita ng multo" sabi ni Anica sabay tapik sakin, tumuon naman siya sa dalawa "So magkakilala kayo? Sino ba siya?"

"This is Jesver, my twin brother d-_-b"

"Woah kaya pala magkamukha kayo, akala ko coincidence lang kaso masyadong complicated kung coincidence kaya naisip ko na talaga na magkakambal kayong dalawa" sabi niya na parang natatawa at hingal na hingal sa haba ng sinabi.
Kaya pala sila magkamukha tch.

"What's the meaning of akin na siya?" tanong ko, gulo nila eh, magkikita-kita pa talaga dito sa labas tsk, masyadong wrong timing, gusto ko nang pumunta ng convenience store eh.

"Ah cr~" biglang pagtakip ng bibig ni Justin sa kakambal niya.

"Wala, ibig niyang sabihin magkakape kasi kami mamaya, sinasabi niya yung tungkol dun sa pustahan namin kung sino manlilibre ngayon, and ayun sabi niya akin na siya kasi natalo ako sa pustahan" pagpapaliwanag ni Justin.

"d-_-b Okaaayyy" walang ganang sabi ko, saka umalis yung dalawa.

"Di man lang nagsabi si Justin na may kakambal siya, nakaka-shock yun ah haha" sabi ni Anica.

Humawak naman ako sa braso niya "Lika na dali dali" sabi ko at nagmadaling naglakad papunta sa convenience store.

ANICA'S POV

Atat nito masyado eh haha nakarating na kami sa convenience store at naabutan namin si ate She na may kasamang bata.

"Ate She!" sabay naming sabi ni Stacie kay ate She. Agad namang tumakbo yung batang lalake na mukhang nasa 6 years old papunta sakin at tinaas ang kamay na parang nagpapabuhat.

"Sino po to ate She?" tanong ko saka binuhat yung bata, nilaro naman ni Stacie yung bata sa likod ko.

"Haha pamangkin ko yan iha, ang saya saya niya dito, kanina niya pa nga tinatanong kung asan na kayo eh" sabi ni ate She na masayang masaya habang inaayos yung mga bottle sa ref.

"Oh talaga? Owemjii ang cute cute mo baby" sabi ni Stacie at pinisil pisil yung pisngi nung bata "What is your name?" tanong nito.

"Hiwoki" sagot naman nito. Naks naman pang-japanese name oha oha.

Binaba ko na muna si Hiwoki at hinayaang maglaro. Tumulong na si Stacie kay ate She at ako naman ay nakipaglaro muna kay Hiwoki

"Come here baby Hiwoki" sigaw ko sakanya at tumakbo naman ito papunta sakin. Wiiieee ang cute, pwede bang akin na lang to?

Myghaad gusto kong pisilin wiiieee.

"Hiwoki, Hiwoki, Hiwoki" sabi ko habang nilalaro laro siya.

"Hahaha Hiroki iha, nabubulol lang siya sa letter R haha Hiroki" sabi ni ate She na tumatawa sabay hagalpak naman ng tawa si Stacie. Diwao para akong batang bulol dito kaka-Hiwoki, Hiroki pala yung pangalan futek kahiya sa readers huhuhu.

"Hahahaha myghaad bes Hiwoki ka ng Hiwoki diyan kanina pa hahahahaha whooo grabe hahahaha sakit na ng tiyan ko hahahahaha" sabi ko nga d-_-b....

"Hiroki na nga eh!" sabi ko at inirapan si Stacie, tumawa na rin si baby Hiro. Pinagtutulungan ako neto eh hays, pero I just can't resist waahh cuteness overload    O (≧∇≦)O

Biglang may dumating na batang babae, mga nasa 15 years old at nagulat ng makita kami.

"Ma, sila po ba yung mga nagtatrabaho dito?" tumango lang si Ate She at ibinaling ang tingin samin ni Stacie.

"Siya nga pala si Tanara, anak ko"

"Waahh OMG, hello po mga ate, matagal ko na kayong gustong makita, palagi kayong kinekwento sakin ni mama" sabi niya habang hinahawakan ang kamay namin at itinataas baba.

Napatawa na lang kami ni Stacie dahil sa kabibohan ni Tanara.

TERRENCE'S POV

"1, 2, 3, 4, 5, 6 ,7 and 8, and 1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, turn, and 1, 2, 3, 4, 5, sway and kick and stop"

Kasalukuyang nagpapractice ako ng sayaw na opening number ko sa pagdebut. Actually simula nang mai-announce officially yung date ng pag-debut ko ay palagi na akong nagpapractice, puspusan na rin ang vocal training ko every night, overtime na rin ako minsan kaya di na rin ako nakakatulog minsan.

"Okay, water break" sabi nung choreographer, isa siya sa pinakasikat na choreographer sa Pilipinas at kinuha siya bilang official choreographer ko, buti na lang at napunta ako sa magandang entertainment haha "Wag kang iinom ng malamig na tubig" tumango na lang din ako sa teacher ko at pumasok na ng studio and as usual, bumungad na naman sakin ang mga wires na nakakabit sa mga magkakatabing microphone at mga naglalakihang players at beat pads.

"Hey, diba sinabi ko sayo lagyan mo ng konting honey yang tubig mo" bungad sakin ng vocal teacher ko ng makita na may
hawak akong bottle.

Pumunta ako sa may table at nilagyan ng konting honey yung bottle of water ko, pang-condition daw kasi to ng boses and makes it easier for you to sing.

Sumalang na ako sa loob at sumenyas ang vocal teacher ko ng go kaya naman nilagay ko na ang headphones ko at pumwesto sa tapat ng mic.

Hindi na kita mahal, 'yan ba ang nais mong marinig?
Sa hangin naka-sandal, nagbabadya na ang huling halik
Paano na ang mga gabi, kung 'di ka katabi
Kung ako lang, kung ako lang ay 'di ko sasabihin
Para sa'yo, para sa'yo kailangan kang limutin

Pinapakiramdaman ko lang ang musika habang kumakanta ako, nakakarelate ako sa kantang to eh. Naalala ko pa yung dati, nung magkasama pa kami, sabay naming binuo ang mga pangarap, ngunit ngayo'y tila naging abo.

Sumpaang magtatagal, mga pangarap naging abo
Sino nga ba ang hangal? Bakit tayo nagkaganito?
Wala na bang halaga, mundo nating dalawa
Kung ako lang, kung ako lang ay 'di ko sasabihin
Para sa'yo, para sa'yo kailangan kang limutin
Limutin...

Iniwan mo ko, hindi na kita mahal, yan ba ang nais mong marinig? Kung ako lang ay di ko sasabihin, sapagkat hanggang ngayon patuloy pa rin akong nasasaktan sa mga bakas na iniwan mo, mga alaalang sabay na binuo ngunit naging abo. Hanggang alaala na lamang iyon, at alam kong hinding hindi na maibabalik pa ang dati, sapagkat ngayon tanging galit na lang ang natitira sa puso ko...

----------------

A/N: Ajujuju may ganern na side pala si Terrence. Echosera ahahaha lutang ako ngayon hahaha k next chapter... Abangan...

Love yah guyyyysss!!! ( -^〇^- )~♡

VOMENTS!!!

My Celebrity Boyfie [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon