Chapter 60-Last days

767 10 1
                                    

Chapter 60

ANICA'S POV

"Woot woot malapit na ang last days of college" sabi ni Stacie pakarating na pakarating ko sa school.

"Pero bago matapos ang college, kailangan muna natin magpakahirap sa exam tsk tsk. Ikaw sigurado ka na ba na makakapasa ka ha?"

"Hindi nga eh, homayghaad bes kinakabahan tuloy ako dahil sayo!"

"Haha sorna, oh yan na yung proctor dali takbo" tumakbo kami para maunahan yung proctor sa classroom, para di masabing late haha.

Nagsisimula na ang exam pero lumingon ako sa upuang nasa tabi ko. Bat wala pa yun? Magpapalate siya sa exam? Hay nako di na nagbago tch.

Bumukas ang pinto at direderetso sa upuan niya sa tabi ko. Di man lang inintindi yung sinasabi ng proctor. Pero wala na rin namang nagawa yung proctor kaya binigyan na siya ng test booklet at answer sheet.

Nga pala, bat ko ba iniintindi to? This is a time-based test, limitado ang pagsagot. Kaya nagsimula na akong magsagot.

Walang ibang naririnig sa buong classroom kundi ang tunog ng timer. Isa yan sa nakaka-pressure sa estudyante eh, pag ako naging presidente, ipapatanggal ko yan habang nag-eexam, epal eh. Pero di mangyayare ghaadd. Aish Anica focus! Focus!

Ilang oras na ang lumipas at tumingin ako sa paligid ko. Isa-isa na silang tumatayo at nagpapasa ng answer sheet. Aish napepressure tuloy ako, yan kasi di ka nagsimula on time. Tumingin ako kay Stacie at tumayo na rin ang babaita, tumayo na rin si Justin at nagsensyas ang dalawa na hihintayin nila ako sa labas. Dalawa na lang kami, tumingin ako sa katabi ko at nakatingin rin ang gagu.

Mukhang tapos na siya kanina pa, tinuro niya ang relo niya.

"Bilisan mo na" bulong niya.

Aish bat niya ba ko hinihintay? Kung nagmamadali siya, ipasa niya na kaya yung answer sheet niya diba? Tch.

Lumipas pa ang ilang minuto at sa wakas natapos ko rin. Tumayo na ako at tumayo na rin si Terrence saka ipinasa ang answer sheet.

"You just made it on time Ms. Gonzales" sabi ng proctor at nagligpit na ng gamit. Lumabas na ako pati si Terrence. Seriously, anong meron sa lalakeng to?

"Bes! Owemji ang hirap ng tanong sa number 9"

"Bes, magkaiba course natin, malamang magkaiba rin yung tanong" sabi ko sabay tawa ng mahina. Naisipan kasing ipaghalo kahit magkaiba ang course. Para daw di maggayahan, di pa ba kami magpapadala, all this years eh gayahan lang inatupag namin hahaha.

"Eh malay mo" sabi niya at ibinaling ang tingin kay Justin sabay ngiwi. Binalik niya sakin ang tingin niya.

"Mauna na ko ha" nakangiti ang babaita, para bang may naghihintay sakanya sa labas. Lumaki ang mata ko, meron nga ba?

"Anica, san ka ngayon? May gagawin ka ba mamaya?" sabi ni Justin at ngumiti sakin, napatingin ito kay Terrence at nag-poker face, srsly? Anong meron sa tao ngayon? Normal pa ba yan?

"Probably, papatawag na kami ng manager namin at maghanda para mag-practice ng performance namin sa Wednesday" yes, they said we'll debut on Wednesday.

Biglang nag-vibrate ang phone ni Terrence at pinakita sakin with poker face.

"Pinapatawag na" tipid niyang sagot saka nauna nang lumabas.

"See?" nag-pout si Justin. Kinurot ko naman yung nguso niya ng mahina "Haha ililibre kita paka-debut ko wag kang mag-alala" ngumiti siya sakin at saka inilabas ang phone at pinakita sakin.

"Narecord ko ha, walang bawian" sabi niya saka iwinagayway ang kamay. Pft may ganon?

"Bye" sabi ko at sumunod na kay Terrence. Diretso na kami agad sa dorm at bumungad si Miss Cassy.

"Oh kamusta exam niyo?" nilagpasan lang siya ni Terrence kaya sakin tumingin si Miss Cassy.

"Ayos naman po" sabi ko saka ngumiti at dumiretso na sa studio. Naabutan ko si Terrence na sumasayaw. Wala eh, ang galing talaga nito sumayaw, kaya nga pag nagpapractice kami nahihiya dancing skills ko hahays.

Pakatapos ng ilang oras na pagpapractice ay biglang nawala si Terrence. Pero di ko na siya hinanap kasi may reporter daw sa labas, mag-iinterview sakin. Kailangan ko nang masanay dito at sa mga reporter. Ganito din naman ang dadatnan ko paglalabas ako ng dorm. It's just that naiilang na din ako kasi tumitingin din sakin ang ibang trainees at bawat galaw ko eh pinopost nila sa social media. Haayy ganito pala buhay ni Terrence.

TERRENCE'S POV

Pumunta ako sa hospital para magpa-checkup ng depression ko. The doctor said na I'm doing good, and I even seemed so happy lately, magandang sign daw yun. I told him that I stopped my medications for months and sabi niya naman it doesn't matter as long as I'm doing good. He asks me if I'm feeling tired or exhausted, having a hard time sleeping, still have poor concentration and change in appetite, and I told him that it was last, last month that I've felt that tired. So he said that maybe I've been treated. Pagkalabas ko ng kwartong iyon ay may nakita akong mga nurse at doktor na nagsisitakbuhan na parang nagmamadali. Anong meron?

At dahil nga nacucurious ako. Pinuntahan ko ang room kung saan nagkakagulo ang mga tao.

Teka pamilyar sakin yun ha. Agad akong lumapit ng nakita siya na umiiyak, siguro kanina pa siya umiiyak kasi magang-maga na ang mga mata niya.

Papalapit na sana ako sakanya para i-approach siya kaso biglang bumukas ng napakalakas ang pinto ng emergency room.

"She needs a blood transfusion" bungad ng doktor sakanya.

"Ako magiging donor niya doc. Iligtas niyo lang ang anak ko" sabi ng ginang sa pagitan ng paghikbi niya.

"Her blood type is O" napaluhod siya dahil ata sa pagkadismaya. Agad ko naman siyang sinuportahan at pinatayo.

"Kailangan na nating masalinan ng dugo ang bata sa lalong madaling panahon. Hindi na niya kakayanin pa kapag tumagal pa~"

"Doc..." napatingin sakin ang doktor pati na rin ang mga nurse na nasa likod nito "Type O po ako"

Tumingin sakin ang ginang na may mga luha pa sa gilid ng mga mata patuloy pa rin sa pag-agos ng mga ito.

"Willing po akong maging donor niya" tumango na ang doktor at sinenyasan ang mga nurse na isama na ako sa emergency room kung saan naroroon siya.

"Uhm mauna na po ako" sabi ko sa ginang at nang paalis na ako ay bigla niya akong hinawakan sa braso dahilan para mapatingin ulit sakanya.

"Salamat iho. Napakabait mo talagang bata, napakaswerte ng nanay at tatay mo sayo" sabi pa niya habang pinupunasan ang mga luha at naaaninag na ang mga ngiti niya sa mukha.

"Walang anuman po. Gusto ko lang makatulong" sabi ko at ngumiti sakanya. Paalis na sana ako ng may biglang dumating na umagaw sa atensyon ko.

"Ate She!"

------------
A/N: And yeah, 5 chapters na lang hahaha. Medyo malayo-layo pa kaya abangan niyo na lang ahee.

VOMENTS!!!

My Celebrity Boyfie [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon