Chapter 55-Evidence

417 9 0
                                    

Chapter 55

TERRENCE'S POV

Pumunta ako sa daan kung saan nangyare ang banggaan 4 years ago.

It still has the same feeling, and it still feels the same. Dahil sa sobrang ka-busyhan ko ng mga panahon na iyon ay di na naasikaso ang kotse, nasa gilid lang ito at halatang matagal na itong naka-park dahil sa mga lumot at mga halamang gumapang na sa buong kotse.

"Mom, I'm sorry I wasn't there with you back then..." I want justice for my mom. I will find you Tim, I will catch you. Pagbabayaran mo to.

Dumiretso na ako sa mga establishments at buildings na pinakamalapit sa pinangyarihan na may mga cctv. Kinakailangan ko munang maghanap ng ebidensya. Nakailang stores na rin ako pero wala silang record ng panahon na yun. Wala, mas nakakapagtaka kasi wala silang record, kahit isa.

Nadito ako ngayon sa isang store at nasa loob na ako ng security room nila at naghahanap ng recorded file.

July 17, 2013

Agad kong pinindot ang folder.

Folder is empty

Ilang buildings na ang nadaanan ko at lahat ng folder sa araw na yun ay walang laman. Napatingin ako sa taas, tirik na pala ang araw. Nahagip ng mga mata ko ang mini mart sa taas ng building na ito, sa second floor. Medyo tago ang store na iyon. Iisa lang ang daan papunta sa daan na yun, kung dito siya dumaan, malamang nakuha rin siya ng cctv sa taas. Agad kong pinuntahan ang mini mart.

"Excuse me.." pagtawag ko sa isang kahera na nagbabantay dito.

"Yes sir?"

"I'm looking for something. Pwede bang patingin ako ng cctv records niyo?"

"Uhm tawagin ko lang po yung manager namin" tumango na lang ako saka naghintay. Makalipas pa ang ilang minuto ay dumating ang isang lalakeng naka-suit, siya na ata ang manager.

"Anong hinahanap mo?"

"Evidence"

"Evidence?" hindi ako nakasagot agad "Okay, if it's too personal, I won't bother" sabi niya at nagsenyas na sumunod sakanya sa isang kwarto. Sumunod na lang ako at bumungad ang napakaraming computer na may iba't ibang records ng cctv.

"Oh, hanapin mo dito, lahat ng dates nandiyan na, isearch mo na lang"

"Salamat po" sabi ko at umupo na sa upuan at nagsimulang itipa ang taon kung kailan yun nangyare.

"Ah by the way, iisa lang ang copy namin, so pag nakuha mo na, wala na kaming ibang copy niyan, kaya iwasan mo na lang na mawala"

"Ahh sige po" umalis na yung manager at lumabas na lahat ng files nung 2013. Scroll lang ako ng scroll at umaasa na merong record nung panahon na yun.

July 14, 2013
July 15, 2013
July 16, 2013
July 17, 2013
July 18, 2013

Agad kong pinindot ang folder na iyon at saka lumabas ang mga videos na nakuha sa araw na yun. Inilabas ko ang flashdrive na dala ko at ni-copy. Matapos ma-copy ay nakita ko pa ang katagang "folder is empty"

Lumabas na ako at nakita ang manager.

"Nahanap mo ba?"

"Opo, salamat po" tumango na lang siya at nagpaalam na ako.

ANICA'S POV

[Bes! Ipasa mo na yung requirements mo]

"Oo na, patapos na rin naman ako sa special project"

[Eh yung group project mo?]

"Baliw ka ba? Wala nga akong ka-group"

[Eh kung pwede sana, edi tinulungan na kita..eh kaso tapos na ako sa project na yan eh]

"Oh so anong mangyayare pag di nakapasa nun?"

[Edi hindi ka makakapasa, 60% ang project na yun, tapos hindi ka makaka-graduate, hindi ka makakahanap ng matinong trabaho, walang magkakagusto sayo, hindi ka na makakapag-asawa, hindi ka aasenso sa buhay, mabubuhay kang mag-isa, este mag-dalawa, nandito pa naman ako, tapos pag~] ang oa ng babaita.

Nahinto siya ng ilang segundo saka biglang sumigaw kaya medyo nailayo ko ng kaunti ang phone sa tenga ko.

[Oh my gosh bes!!!]

"Oh nyare sayo?"

[S-Si...]

"Ha? Sino?" pasuspense pa eh.

[Si Terrence!]

"Oh ano si Terrence?" isa-isang pumasok at nag-loading sa utak ko ang point at gustong sabihin sakin ni Stacie.

[Parehas kayong wala diba? Sigurado ako na hindi pa naman siya nakakapasa ng group project na yun, kasi group nga diba? And kayo lang dalawa yung wala, so...pwede KAYO] uminit ang mukha ko sa pagbibigay emphasis niya sa KAYO [I mean, pwede kayong magkagrupo]

"A-Ah sige, t-tatanungin ko siya" syet eww ano ba to? "Ahh babyee alis na ako" agad kong in-end yung call.

Napakunot ang noo ko sa naisip ko. Nagpapasa pa ba yun ng projects niya, requirements or thesis. Kasi malay ko ba kung pinahinto na siya? Diba? Kasi kung oo, bagsak na ako, maguulit pa ako. Jusko ayoko na mag-ulit hahays.

Lumabas na ako at dumeretso sa studio. Magrerelease muna ako ng stress.

TERRENCE'S POV

Pakatapos kong maglakad-lakad ay kumain na ako sa isang karinderya na malapit sa entertainment. Ng matapos akong kumain ay pauwi na sana ako ng may biglang pumokpok sakin sa ulo ng matigas na bagay.

Naramdaman ko ang pagtulo ng dugo mula sa ulo ko ng natumba ako. Hindi ko na makita kung sino ang pumukpok sakin dahil nanlalabo na ang paningin ko, pero pinipigilan kong mawalan ng malay.

"So...naghahanap ka ng ebidensya?" nagulat ako sa boses ng nagsasalita, kahit hindi ko siya makita ng maayos, sigurado akong siya yun. Hindi ko na maigalaw ang katawan ko.

Naramdaman ko ang paghawak niya sa kwelyo ko saka may kinuha sa loob ng leather jacket ko. Yung flashdrive. Iniling ko ang ulo ko at saka pinilit na tumayo at binigyan siya ng malakas na suntok. Sinuntok niya rin ako ng napakalakas dahilan para matumba ako ulit. Nahihilo na ako.

"Tim, bat mo ba to ginagawa?"

"Ha? Tinatanong mo ako kung bakit ko to ginagawa? Why don't you ask Margaret? Haha I'm sure matutuwa ka pag nalaman mo...and this?" nakita kong hawak niya yung flashdrive at hinulog niya iyon. Kukunin ko na sana pero sinipa niya ako sa ulo na lalong nagpa-blur ng paningin ko. Inapakapakan niya yung flashdrive at unti-unti nang nagdidilim ang paningin ko. Nakarinig ako ng sigaw ng isang pamilyar na boses sabay ng pagbagsak ni Tim.

"Terrence?! Terrence pota gumising ka!" napangiti ako ng malaman na siya pala "Nagawa mo pang ngumiti tangina ka!"

Dumilim na ang paligid at tuluyan na akong nawalan ng malay.

---------------
A/N: Tss concerned ka naman pala kay Terrence hayyy. Hahaha abangan...

VOMENTS!!!

My Celebrity Boyfie [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon