Chapter 10-Teddy Bear

1.8K 29 0
                                    


Chapter 10

STACIE'S POV

"Stacie, may naaalala ka ba ngayong araw na to?" tanong ni Anica.

"Bakit mukha ba akong may nakalimutan?" tanong ko sakanya.

"Oo! meron kang nakalimutan! ( ̄^ ̄)" nagulat naman ako sa biglaang pagsigaw ni Anica, tumalikod siya sakin at biglang huminto, tumingin naman ako sa harapan niya at ang mas nakakagulat pa.....

"Ikaw?!" sabay naming sabi. Sino ba naman ang hindi magugulat? Nakita mo na naman yung lalaking nakatapon sa teddy bear mo ng coffee, alam niyo bang ang hirap tanggalin nung mantsa sa teddy bear ko? namanhid pa nga ng ilang araw tong kamay ko dahil sa kakakusot nun.

"Teka, kilala niyo ang isa't isa?" tanong ni Anica.

"Oo!/Hindi!" sabay na naman pero this time ang sabi ko 'hindi'

"Hindi ko siya kilala" sabi ko.

JUSTIN'S POV

"Okay Stacie, eto si Justin. Justin, eto ang pinakamakulit slash pinakamabait yet pinaka-cute kong kaibigan, Stacie" napa-ubo naman ako sa mga pinagsasabi ni Anica, salungat yung nakikita ko sakanya except dun sa part na makulit, totoo yun eh.

"Hoy anong inuubo-ubo mo diyan, peste ka alam mo ba kung gaano kahirap tanggalin yung mantsa sa teddy bear ko" sigaw niya, nakatingin na tuloy samin yung ibang tao sa loob ng classroom. Pinipigilan na siya ni Anica.

"Teddy bear? Anong teddy bear?" tanong ni Anica at umiling-iling "Bahala nga kayo diyan" sabi niya at umupo sa isa sa mga upuan. Ako naman, ang sama ng tingin kay Stacie. Sinamaan rin ako ng tingin. Linampasan ko na siya at pumunta sa tabi ni Anica, sa right.

"Uy diyan ako naka-upo" sabi ni Stacie.

"Eh ano magagawa mo, nakaupo na ako" sabi ko.

"Eh kanina pa ako diyan nakaupo" sabi niya.

ANICA'S POV

Ang ingay pa ng mga katabi ko

"Guys, may upuan dito sa left side ko, hindi niyo ba napapansin?" sarkastikong sabi ko.

"Ikaw na dun!" sabi ni Stacie at pilit na pinapaalis si Justin sa upuan.

"Ayoko nga, ikaw dun!" potek ang ingay, kinuha ko yung bag ko at nilagay sa likod na upuan na nag-iisa lang. Umupo na lang si Stacie sa upuan na inalisan ko. May naka-upo na kasi dito sa likod, kaya lang sa sobrang ingay nung dalawa, palit na kami ng upuan. Bigla namang may umupo dun sa katabi ni Stacie, siya ata yung nakaupo dapat dito.

Wala namang ibang ginawa kundi magpakilala at dahil nga first day of class, wala masyadong ginagawa kaya ang ingay dito sa buong classroom. Naiinis pa rin ako, wala man lang bumati sakin.

Ayan, uwian na pero nag-eexpect pa rin ako na may babati sakin.

"Bye Anica, una na ako" yun lang walang 'happy birthday Anica!!!', wala na, wala ng pag-asa. Naglakad na ako at naka-receive ng message.

From: bombay panget ewewew

13 days na lang

Pinindot ko yung number ni nanay at tinawagan siya.

"Nay, late po ako makakauwi" sabi ko.

[Talaga? sayang naman] sabi ni nanay.

"Huh? Ano pong sayang?" tanong ko.

[Ah wala basta umuwi ka bago mag-nine o'clock, bahala kang maghanap ng matutulugan mo kasi makalipas ang 9 ay isasara ko na tong pinto] sabi niya.

"Opo" sagot ko at binaba na yung tawag. Pumunta ako sa convenience store malapit lang sa bahay namin.

--------------

A/N: Hello po, ayan dalawa po yung in-update ko ngayon kasi diba sabi ko babawi ako, eto na po.

Chapter 10 na ang MCB, ohmayghad sana po patuloy niyong suportahan ang MCB.

And please read my other story "You've fallen for me" mas active po ako diyan eh. Please...pretty please.

VOMENTS!!!

My Celebrity Boyfie [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon