Chapter 54-T

379 7 0
                                    

Chapter 54

ANICA'S POV

"It's him..."

Nanghihina na ako, gusto ko nang pumikit at magpalamon sa lupa, pero hindi ko magawa. Bigla niya akong niyugyog mula sa balikat ko.

"Tell me, what did you see?" napakakalma ng boses niya. Hindi ako agad nakasagot pero nagulat na lang ako sa sunod na nangyare.

Bigla niya akong niyakap "Shh iuuwi na kita" hinawakan ko ang gilid ng mukha ko, may luha na pala "Sino kasi nagsabi sayo na lumabas ka ng dorm?"

"Eh sa sabi mo maghanap ako ng inspirasyon ko para makagawa ako ng sarili kong kanta" bumitaw siya sa yakap at kumunot-noo siya.

"Edi lumabas ako" pinitik niya ang noo ko.

"Hindi pa ba ako sapat para maging inspirasyon mo?" sinabi niya yan na may pagkaseryoso ang tono, now it seems like joke talaga ang pinagsasabi niya. "Joke" pahabol niya sabay gumuhit ang pilyong ngiti sa mga labi niya. Pano ba naman, sinabi niya na maghanap ako ng inspirasyon na napaka-seryoso, edi akala ko naman seryoso siya sa sinabi niya.

Ayos na sana eh. Pero bigla niya ulit akong niyakap. Baliw na Terrence, andami niyang pakulo eh. Biglang naging seryoso ang atmosphere.

"I won't let that happen to you again" sabi niya saka hinaplos ang buhok ko habang yakap niya ako.

.............…...…

Tumingin ako sa salamin. Namumula na akooo.

"Waaahhh mababaliw na ata akoooo!!!" sigaw ko habang naglalakad papunta sa studio. Tumingin ako ulit sa salamin at naglagay ng pulbo. Baka makatulong to sa pagtago ng pamumula? Ay basta wala na kong pake kung mamuti ako.

(Play video on multimedia: I don't fucking care by Manu cover)

Dumiretso na ako sa studio at bago ko pa man mabuksan ang pinto ay nakarinig ako ng gitara. Sino yun? Tumingin ako sa salamin ng pinto ng studio. Medyo mataas yung salamin kaya kinailangan ko pang tumingkid para lang makita kung sino yung nag-strum ng gitara sa loob.

Tell me pretty lies,
Look me in the face,
Tell me that you love me,
Even if it's fake,
'Cause I don't fucking care, at all

Nakapikit lang siya habang nag-strum ng gitara. Marunong pala siya mag-gitara 0.0

You've been out all night,
I don't know where you've been,
You're slurring all your words,
Not making any sense,
But I don't fucking care, at all

Syet ano bang nangyayare sa mukha ko. Itinaas ko ang kamay ko at ipipangpaypay sa mukha ko na nag-iinit na parang ewan.

'Cause I have hella feelings for you,
I act like I don't fucking care,
Like they ain't even there,
'Cause I have hella feelings for you,
I act like I don't fucking care,
'Cause I'm so fucking scared

Bat ang ganda ng boses niya? Aish bat rin ako nadadala? Sumasakit na ang paa ko sa kakatingkid pero bat di ko maialis ang mga mata ko sakanya?

I'm only a fool for you,
And maybe you're too good for me,
I'm only a fool for you,
But I don't fucking care, at all, oh

Ay putcha! Biglang may nagbukas ng doorknob mula sa likod ko na dahilan para masubsob ako papasok ng studio at na-out balance kaya nadapa sa sahig -.-

Lupa, this is the time to shine, lamunin mo na ko daliii huhuhu

"Para kang ewan dito kanina Anica, pwede namang buksan mo yung pinto eh" napatingin si Miss Cassy kay Terrence at nanlaki yung mata niya, ibinaling niya ulit sakin ang tingin niya at ngumiti siya ng alanganin at nagsabi ng sorry ng pabulong.

"Ehem ahh alis muna ako may gagawin pa pala ko haha" binigyan niya ako ng awkward na ngiti at agad na lumabas ng studio. Napaayos ako mula sa pagkakadapa ko sa sahig.

"T-Tek...a" yumuko na lang ako ng makita na nakatingin pa sakin si Terrence. Shet bat ko kasi naisipang tumingin mula sa salamin, eh mas awkward tuloy sitwasyon ko ngayon kesa kung binuksan ko na lang yung pinto at nag-approach sakanya huhu. Blangko pa rin ekspresyon niya waahh. Tumayo na ako at nagpagpag.

"A-Ahh...uhm k-kukuha lang ako ng tubig" sabi ko sabay turo-turo sa labas. Patalikod na sana ako ng bigla niyang itap ang upuan sa tabi niya. Hindi ko agad naintindihan ang ibig niyang sabihin pero parang pinapaupo niya ako? Tinuro ko ang sarili ko na parang ewan. Tumango lang siya habang nakangiti.

"Baliw ka o ano? Magcocompose na tayo ng kanta" bungad niya sakin pakaupo ko. Oo nga pala hahays.

After several hours of making a song. Nagkaron rin ng progress, akala ko hindi na kami makakagawa ng song ngayong araw.

"Mula sa simula?" sabi niya habang nakangiti. Bat ba ngayon ko lang siya nakitang nakangiti ng malapitan? May hitsura rin pala ang guga. Iniling-iling ko ang ulo ko sa mga pinag-iisip ko. Hayy ano to? Baliw ka na Anica, ganyan siguro epekto ng pagod sayo.

"Celine?" potcha mamehhhh uwi na kooo. Mababaliw na talaga kooo. Ehem inayos ko ang sarili ko at tumango sakanya.

Nag-strum na siya ng gitara at saka kinanta ang first line ng kanta. Natutulala ang lola niyo kaya yumuko na lang ako.

After that dumiretso na ako agad sa cafeteria. Inunahan ko na syang lumabas.

--Sa cafeteria--

"Oh hinay-hinay ka lang" sabi ni ate Ruth habang umiinom ako ng tubig ng sunod-sunod, nakasabay ko siya at ngayon ay sinasamahan na akong kumain.

"Oh" sabi niya ng bigla kong ibinaba ng medyo malakas ang baso ng tubig "Nyare ba sayo?"

"A-Ahh wala ate Ruth hehe" sabi ko at pinagpatuloy ang pagkain.

Biglang may nagbaba ng medyo malakas ng isang bote sa mesang pinagkakainan namin. Napatingin ako kung sino iyon.

"Magaling, magaling" sabi niya habang pumapalakpak at nakangiti na parang ewan. Umalis na rin siya kaagad at pumunta sa pila ng mga mag-oorder. Napatingin ako sa ibang tao, ayun nakagawa na naman siya ng scene. Patay na ako bukas ×∆×

"Yiiee yieee~"

"Baliw ka ate Ruth"

"Huh?" tumingin ako sakanya ng nakakunot.

"Ngayon ko lang siya nakita ng malapitan" So hindi ganon yun? Hindi niya ako inaasar? Napaface-palm ako sa nasabi ko sakanya. Patay "Ano bang pinagsasabi mo ha?"

Ilang segundong katahimikan at... Nanlaki ang mata niya.

"Hala? Oh my gosh..." sabi niya habang ngumunguya sabay turo niya sakin na nakatakip pa ang bibig niya gamit ang mga kamay niya. Patay ako ×∆×

"Kumuha ka sa pagkain ko habang nakatingin ako kay Terrence!" pasigaw niyang sabi sakin at agad naman akong umiling-iling with matching wave pa ng kamay. Tumayo siya "Halika dito!"

Napatayo na ako at kinuha ko yung pagkain na kinakain ko saka tumakbo palayo habang hinahabol ni Ate Ruth.

TERRENCE'S POV

Napangiti na lang ako. Nakuha na ata nila ang atensyon ng mga tao sa buong cafeteria. Para kasi silang mga batang naghahabulan.

Biglang may nag-vibrate sa phone ko.

From: Unregistered Number

Binuksan ko ang message na yun. Wala naman ibang nakakaalam ng number ko maliban sa papa ko, sa mga kakilala ko at sa manager, pero baka spam lang to or pwede ring importanteng message.

Babawiin ko rin lahat ng dapat saakin. Hintayin mo, darating ako sa magiging pinakamasayang araw mo.

-T          

T?
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Timothy....

-------------
A/N: Nairaos din hahaha ilang oras ko ding pinag-isipan ang chapter na to. Kinakailangan ko na kasing tapusin para wala nang masasaktan chrt hahaha

VOMENTS!!!

My Celebrity Boyfie [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon