Chapter 50-He's my brother

871 13 0
                                    

Chapter 50

ANICA'S POV

"Ayusin mo, dapat may feelings yung pagtingin mo sakanya. Ulit, ulit!"

Bakit kaya siya umiyak ng gabing yun? Isang tanong na nagbobother sa isipan ko. Bakit ko nga ba iniisip pa yun? Problema na niya yun hays.

Tumitingin lang ako sa pag-shoot ng mga scenes para sa upcoming drama ni Terrence at ni Margaret. Nakuha ulit ang pansin ko ng hawakan ni Margaret ang kamay ni Terrence at inilagay ito sa bewang niya at parang pinapahigpit niya yung hawak ni Terrence saka ito ngumiti. Tsk para silang ewan tsk tsk tsk.

"Anica! Set set set!" ay shet ako na ata. Ehem wag kang kabahan, ipapalabas lang naman to sa buong bansa. Oo, ayos lang yan, just act normal, act normal inhale exhale whoo whoo.

"1,2,3 action"

"A-Ahh..."

"Cut! Cut!" sigaw ng direktor "Ilang oras ka nang nagmememorize ng linya mo, ano? Di mo pa rin saulo? Umalis ka nga muna dito at iuntog mo ulo mo~" hahampasin na sana ako sa ulo gamit ang script ng direktor ng biglang hawakan ni Terrence ang kamay nung nito.

"Tama na yan..." seryosong sabi niya sa direktor at bumaling sakin "Ayusin mo na sa sunod" sabi niya at kinuha ang script at hinampas sa ulo ko.

"Ah!" akala ko pa naman "Potek yan" bulong ko sa sarili ko.

"Oh take two! Take two! 1,2,3 action!" halos lahat ng ilaw ay itinapat sakin. Ganon ba ko kaitim? Saklaf. Ehem ehem.

"Hindi mo naman kailangang tumawa para itago ang totoong ikaw. Minsan kahit di mo ipakita, nararamdaman pa rin ng iba. Alam mo ba, nakakapa-wrinkles ang masyadong maraming iniisip. Kaya kung ako sayo, sumama ka sakin, may pupuntahan tayo"

"Cut!" homayghaad nagawa ko, owemji owemji.

"Congrats, actress ka na" salubong sakin ni Terrence pakalabas ko ng set. Naka-smile siya, naalala ko tuloy ang gabing umiiyak siya. Yan na naman, why does it bother you Anica? Pabo~

Sumunod ako sakanya hanggang sa parking lot. Bakit ko nga ulit to sinusundan? Ay basta, dito ako dinadala ng paa ko, hindi ko siya sinusundan. Napatago naman ako ng bigla siyang lumingon.

"Tss akala ko ba di mo siya sinusundan? Bat tumatago ka na parang sinusundan mo siya ng patago?" oh diba kinakausap ko na sarili ko "Baliw ka talaga Anica"

Ay hala nawala si Terrence. Asan na ba yun? Tuluyan na akong lumabas sa pinagtataguan ko ng di ko na siya mahagilap.

Nakarinig ako ng kotseng humaharurot, lumingon ako sa likuran ko at... O×O

Masyadong mabilis ang nangyare.

Dug dug dug dug dug....

Ang bilis ng tibok ko sa mga sandaling iyon ngunit may biglang humila sakin pagilid kaya di ako nabanggaan.

OoO

"Celine! Ayos ka lang?" napapikit-pikit ako ng mata, akala ko mamamatay na ko. Juscolored di ko kinaya, nanghihina ako.

"Hoy magsalita ka!"

"A-Ayos lang ako" sabi ko ng matauhan na ako ulit. Nanginginig pa rin ang mga tuhod ko at feeling ko kahit anong oras ay matutumba ako dahil sa sobrang kaba.

Tumingin siya sa kotseng palayo na ng palayo at tuluyan nang naglaho. Hindi namin nakuha ang plate number, kaya't mahirap mag-file ng report, pero di na rin naman kami magrereport kasi wala namang nagalusan.

"Kailangan natin tong ireport sa mga pulis" kakasabi ko lang na di na magrereport eh "I have a feeling na kilala ko kung sino ang driver ng kotse na iyon"

TERRENCE'S POV

"I have a feeling na kilala ko kung sino ang driver ng kotse na iyon"

Ilalagay ko dito si mommy sa tabi ko, kasi mas love ako ni mommy

Yung stickers na idinikit namin noon sa likod ng kotse niya. I have a strong feeling na siya nga yun.

"Hoy babalik na ko sa dorm, roll call na ata kailangan na nating bumalik. Gusto ko ng clean record parang-awa mo na Terrence"

"Hindi nga pwede, baka bumalik yun at tuluyan ka na" natutop siya at natulala sa sinabi ko "Kaya nga dapat sumabay ka na lang sakin. Malapit na rin naman to" 

Nandito kasi kami sa security room kung saan minamanage ang security cameras at cctv.

"Eto po oh" sabi ng lalake na nag-ooperate ng mga cctv.

"Pwede pa po ba yang i-zoom?" tanong ko at tiningnang mabuti ang picture ng i-zoom ito.

Biglang suminok si Celine kaya napatingin ako sakanya. Nakatulala lang siya at naka-kunot ang noo.

"Hindi..." nakuha ang atensyon ko ng magsalita siya habang umiiling-iling "Hindi"

ANICA'S POV

Bakit? Ang akala ko wala na siya. Hinahanap niya ba ako all this years?

/Flashback/

4 years ago...

"Itapon mo na"

"Haha sabi ko itapon mo na pero ang layo naman ng pinagtapunan mo hahaha teka hintayin mo ako" naglakad ako papunta sa napagtapunan ng frisbee.

"Ayan" bulong ko at nagulat ng makarinig ng malakas na pagbangga. Hinawi ko ang mga halaman na humaharang at...

"Huwag po!" nanlaki ang mata ko ng makita ang isang lalake na naka-itim na sumbrero na sinaksak ang isang babae mula sa likuran. Tumakbo na palayo ang isang babae at tinanggal nung lalake ang kutsilyo sa likod nung babae na ngayon ay duguan na. Napahawak ako sa bibig ko. Kailangan ko nang umalis dito, di ko dapat nakita ang nangyare. Pero bago pa man ako makahakbang palayo ay nakagawa ako ng ingay. Lumingon kaagad ako at nakita ko siya na nakatingin sakin. Agad na bumilis ang tibok ng puso ko at tumakbo salungat sa pinagmulan ko kanina.

"Tulong!" sigaw ko habang tumatakbo sa gubat na punong-puno ng puno't halaman "Tulong!" sigaw ko sa pagitan ng hininga ko habang patuloy pa rin sa pagtakbo. Huwag kang lumingon tumakbo ka lang.

"Tulong!" halos mamaos na ako sa lakas ng pagsigaw ko.

Nakakita ako ng mga tao na nag-aabang at agad naman akong sinaklolohan ng makita ako at naglabas ng baril ang isa at itinutok ang baril na hawak doon sa lalake. Nagtangka pa siyang tumakas pero may humahabol rin pala mula sa likuran namin. Siguro ay may nakakita rin sakanya at humingi ng tulong sa iba. Tumakbo siya palayo pero wala nang mapupuntahan pa. It's a cliff...

"Sumuko ka na! Ilang sandali pa at dadating na rin ang mga pulis. Sumama ka at maayos ang usapan" sabi ng isang lalake na nakatutok pa rin ang baril sakanya.

Bigla siya kumuha ng isang mahabang kahoy at akmang ipupukpok doon sa lalake pero naiputok na ng lalake ang baril. Nakatingin siya sakin bago siya mahulog sa bangin. And I lose my consciousness at that point.

/End of flashback/

"Sigurado talaga ako na patay na siya. Napakataas ng bangin na yun at nabaril pa siya sa kanang dibdib niya"

"As long as it's not the heart, di tayo nakakasigurado na patay na nga siya. At tsaka ikaw na rin nagsabi na nahimatay ka na pakatapos ng nangyare. Di natin alam, baka nandito nga siya at hinahanap ka. Maaari ring ako ang hinahanap niya" napatingin ako sakanya na nakakunot ang noo.

"He's my brother..."

-----------------
A/N: Syet hahaha palowbat na phone ko. Owemji last 15 chapters huehue abangan niyo guys hahaha.

VOMENTS!!!

My Celebrity Boyfie [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon