Chapter 25
STACIE'S POV
"Di po"
Waahhh babangungutin ako sa sinabi ni Justin so panget eh huhuhu. Nasobrahan talaga yung pagkabatok ko sakanya waahh!
Shhh erase erase dapat happy lang Stacie okay? Okay? Okayy hays.
Binigyan lang naman ako ni Ate Audrey ng invitation, pumunta siya sa bahay nila Justin kasi baka daw di na siya makaderetso sa bahay namin kaya ipapabigay na lang sana kay Justin since magkaklase kami. Kaso nga di niya ako maalala -.-
Pero buti na lang at nabigyan ako ng invitation, baka mamaya niya di ako pinapasok sa reception, dami pa naman foods dun. Pero kasi... Waahhh ipapatingin ko siya sa doctor, secretly. Yung walang makakaalam na iba. Waahhh hindi erase erase, bad idea huhuhu.
Tumingin ako sa relo ko. Ayy shet may pupuntahan pa pala ako.
ANICA'S POV
Ilang sandali pa at tumingin na ito saamin ni ate She at....
(⊙_⊙)-------> mukha namin...
"Oh nandito ka na pala" bungad ni ate She sa babae.
*insert cricket sound*
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Waahhh besssssss!!!!" sigaw namin. Yung iaa palang nagpapart time dito ay si Stacie. Pero bakit pa siya nagpapart time? Eh yaman na nga niyan eh, isang hingi lang sa mommy niya at tadaaa ayan na."Homayghaad dito ka pala nagtatrabaho?!" di makapaniwalang tanong ko.
"Well, actually alam ko na dito ka magtatrabaho. Nakalimutan ko lang sabihin sayo na dito rin ako nagtatrabaho" sabi niya na parang tuwang tuwa saka nag-peace sign. Tss makakakuha to ng pagbatok sakin -.-
"Baliw ka talaga bes! San ka pala galing kanina?"
"Ahh wala hehe kinuha ko lang yung invitation para sa kasal ni ate Audrey" sabi niya na kumakamot kamot pa sa ulo.
"Ehem"
"Ayy ate She hahaha si Stacie po pala, bestfriend ko. Di ko po kasi alam na dito rin siya nagtatrabaho eh" pagpapaliwanag ko kay ate She.
"Ahh ganon ba?" di makapaniwalang sabi ni ate She. Mukhang masaya ito sa nalaman. Bagets rin kasi si ate She, kahit matanda na talaga ito.
"Opo" sabay naming sabi ni Stacie.
"Kaso..." sabi ko.
"Di tayo magkasabay huhuhu" Stacie.
"Oo waahhh" ako.
At ayun nagdramahan kami, and after ng ilang minutes na pagtambay sa convenience store na iyon ay napagdesisyunan ko nang umuwi. Di pa kasi pwedeng sumabay si Stacie kasi nga palitan kami, di kami sabay mag part-time. Saklaf </3
Gabi na rin naman at hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung anong ipapambayad ko sa utang ni papa. Di ko pa rin iyon nababayaran ng buo hanggang ngayon.
Napadighay na lang ako sa mga iniisip kong mga problema. Magpapaalam na talaga ata ako sa mundong to huhuhu
Naramdaman ko na parang may sumusunod sakin. Iniisip ko nga na baka sinusundan na ako nung loan shark na bombay na yun. Pero kasi iba eh. Nakikita ko sa peripheral vision ko na isang lalake na naka-full disguise at naka-itim rin ito, pero malayo ang porma dun sa loan shark.
Binilisan ko na lang din ang paglakad ko. Baka mas mauna pa ako sa due date ng kamatayan ko ngayon.
Agad naman na akong nakarating sa bahay at nakahinga na rin ng maluwag.
"Hays" tinanggal ko na yung sapatos ko "Nandito na po ako!" sigaw ko at nakita ko naman si nanay na basa ang kamay at may sabon sabon pa na nanonood ng TV. Mukhang naglalaba tas di na natiis manood ng TV, paborito niya kasing panoorin yung mga teleseryeng pang-bagets.
"Oh nak" sabi niya ng di inaalis ang tingin sa TV. Nagmano na ako sakanya at nakangiwing tiningnan ang pinapanood niya. Kinikilig sa pinapanood eh hahays "Kumain ka na diyan, nasa mesa yung hapunan" sabi niya at tinuro ang kusina.
Pumunta na lang din ako sa kusina at kumain, naghugas, uminom, nag-toothbrush at umakyat sa hagdan papunta sa kwarto ko.
Naghilamos at nag-dive sa kama. Wala na atang mas ikakapagod pa tong buhay ko, kung sana man lang nagbibigay o nagpapadala ng pera ang mga magulang ko edi sana matagal ko nang nabayaran yung utang ni papa.
"Hayyy buhay, sana naman wag akong maagang mamatay. Gusto ko pang mayakap si mama, at makita si papa" sabi ko na lang sa sarili ko.
Pumikit ako at unti-unti nang tumulo ang luha sa mga mata ko. Sana maayos na lang ang pamilya ko, sana buo pa kami ni mama at papa, sana malaman ko naman kung ano ang dahilan kung bat sila nagkahiwalay na lang ng basta, sana alam ko lahat ng pinagdaanan nila para di man lang sana ako nahihirapan ng ganito, para di man lang sana ako nagdudusa sa mundong puro na lang utang, bayaran at problema.
Sana bumalik na lang si papa samin. Sana di na lang sila naghiwalay ni mama. Edi sana buo pa pamilya namin ngayon. Sana pala wala na lang ako, kasi nung dumating ako sa buhay nila, nagkasira sira na. Sana pala wala na lang ako, edi sana di naghiwalay si mama at papa, edi sana maayos pa ang lahat. Sana di na lang napariwara ang buhay ni papa, edi sana di ako naghihirap ng ganto para bayaran lahat ng utang niya. Sana di na lang lumayo si mama, edi sana masaya ako ngayon, kapiling siya.
Sana....
Sana....
Sana matapos na ang walang katapusang sana...
-----------------
A/N: Sana hays...
Hey guysss short update for now, cuz I'm tired ahee hahaha next chapter will be posted later...
Please leave votes and comments, a dot will do and any comments, positive or negative is highly appreciated. I'll do my best to finish this story hihihi. Love lots! :*
VOMENTS!!!
BINABASA MO ANG
My Celebrity Boyfie [Completed]
Fiksi RemajaTerrence Angelo Lopez isa siyang lalaking nakakapanira ng araw ko at ng tahimik kong mundo. Isa siyang celebrity na sobrang laki ng ulo dahil sa mga naririnig na compliments mula sa mga fans niya. Gwapo pero mayabang. And guess what, he's My Celebri...