21st

119 9 12
                                    


Enzo's POV

"Why Enzo? Ang ikli na nga ng Name ko dad tapos pinaikli nyo pa?" Parati kong tanong sa daddy/mentor ko

"Well, kailangan mo ng sariling Identity kung talagang gusto mong maging artist nak" yan ang parating sagot nya sa akin.

Nakakapressure yung tatay more sikat. Tapos ikaw ni hinde nangalahati sa kung ano sya.

Bata pa lang, nagtetraining na ako, dahil akala ko, gusto ko ring maging tulad nya. Not until....

"Enzo, Stop ka muna sa training ay magfocus sa studies mo ok? Grade 12 kana dapat by this time alam mo na ang gusto mo sa college" sambit ng tatay ko habang nasa dinner table kami kasama ang ate kong bihira ko ring makita si ate Iya..

"bakit kailangan nyang magstop? Malapit na launching ni Enzo ah?" Inis na tanong ni Ate

"Matutuloy ang launching, but mag aaral parin sya" seryosong sagot ni tatay namin.

"Great, btw bro, keep it up, mom will be very proud of you, sayang lang at wala sya. And sorry na in advance at wala ako, I have a very important client meeting sa Paris for the next summer collection.. So I'll get going na. By the way, the omelet are so good Nase, taste like mom's. I Love you both" paalam ni Ate iya ng araw na yun.

"When are you coming back Iya?" Tanong ni tatay

"As soon as matapos ko yung kailangan kong gawin Nase, don't miss me too much, I'll see you both soon, Enzo! Behave!" Nakangiting sagot ni ate na may kasamang pagbabanta na naman.

But I'm happy that ok na kami, living with this two na may parehong strong na personality sobrang hirap. Yung tipong nasa gitna ka ng dalawang leon na nag aaway sa iisang teritoryo.

Naiwan kaming dalawa ni Tatay na nagligpit ng pinagkainan namin "ako na tay" pag piprisinta ko

"At kelan ka pa natutong magligpit ng pinagkainan mo?" Natatawang tanong nya.

"Nung naging independent ako, wala naman kasi akong katulong eh"

"At wala ka talagang balak bumalik dito nak?" Tanong ni tatay

Kita ko sa mga mata neto ang lungkot habang tinatanong nya iyon sa akin at masakit para sa akin na makita syang ganon, but I want to be my own me at hinde isang anak ng isang PPop king.

Tama ang desisyon ni Suson na palitan ang pangalan ko at hinde gamitin ang pangalan ng tatay ko

"Anyways, sasama ka ba?" Tanong ulit ni tatay sa akin.

"Pass po muna, may mga kailangan akong tapusin eh"

Napatango na lang si tatay at tahimik na umupo

"Tay, may sasabihin ba kayo? Bakit parang ang tahimik mo po?"

"Nag usap kami ni Ken at hinde maganda yung kinalabasan" maikling sagot nya

"Ano bang pinag usapan nyo at sa tagal ng panahon ay nagkasamaan na nanan kayo ng loob?" Gulat na tanong ko kay tatay

Huminga ng malalim si Tatay at ngumiti ito sa akin bago sumagot "wala naman, same old issue na pag may nakakabanggit hinde pwedeng..."

"Then wag nyong pag usapan, bakit kasi hinde nyo pa kalimutan?" Inis na sagot ko sa tatay ko

"Iniwan nya tayo at pinili nya yun, so bakit parang hinde pa kayo makamove on?"

"Hinde mo naiintindihan kasi at wala kang karapatan na pagsalitaan sya ng ganyan" - ganyan parating sagot ni Tatay sa akin, wala akong maintindihan at wala akong karapatan.

"Ngayon nagtataka kayo bakit ayaw kong umuwi sa bahay, kasi ganito, pag may hinde kayo pagkakaunawaan ako ang parating blanko at walang alam sa mga nangyayari" - parating nauuwi sa away o diskusyon ang usapan namin ni Tatay walang mintis yan

Crazy Little Thing Called Me (behind their shadows)Where stories live. Discover now