FAST TALK

35 7 1
                                    

27

Pumasok si Andy ng 2nd semester upang matapos na nito ang college.. hinde tulad ng dati may mga kakilala sya. Ngayon mag isa lang sya sa school..

After ng 1st week na wala syang kakilala at katabi.. sa 2nd week mas madami na syang kaklase from different department dahil irregular student parin sya.

"Hi miss, may nakaupo ba dyan?" Tanong ng isang bagong kaklase ni Andy

Hinde tinignan ni Andy ang kakalse neto at umiling lang ito pero nakayuko parin sya.

"Pwede ba ako dito? Medyo punuan na kasi?" Tanong ulit neto

Tumango lang si Andy..kalaunan ay naglagay na ng earpods dahil sa ingay ng classroom, tinanggal lang neto ang earpods ng dumating ang profesor nila.

Halos lahat ng subject ay kaklase nya yung lalaking hinde nya tinitignan ang mukha at tinatabihan sya.

Hanggang isang araw hinde na ito nakatiis at nagtanong na "hi, pwedeng magtanong?"

Tumango lang si Andy

"Ano nga ulit pangalan mo? At bakit parati kang nakayuko?"

"I'm andy," maikling sagot ni Andy

" btw I'm Luke" pakilala ng lalaki sabay offer netong makipagkamay kay Andy. Nahihiyang makipagkamay si Andy sa lalaki dahil sa mga slash marks sya sa pulso. Kaya tinignan na lang neto ni Luke at nag "Hi"..

Luke: hmmm. Bakit parati kang nakayuko at nakahoodie?

Andy: bampira kasi ako, baka kasi kuminang ako kapag maarawan.

Luke: Irregular student ka din ba? Pansin ko halos lahat ng minor subjects na pang ireg student eh kaklase tayo.

Andy: Yes.

Luke: bago ka din dito?

Andy: Nope.

Tipid ang sagot ni Andy at halatang hinde sya interesadong makipag usap sa kaklase.. kaya tumahimik na lang din si Luke.

8pm na natapos ang huling subject ni Andy at madilim na din ang ilang parte na dadaanan neto papuntang parking, kaya tinalasan neto ang pakiramdam at alam nyang may nakasunod sa kanya.

Binilisan ni Andy ang lakad neto at muntik pa syang matalisod ng inabutan sya ng nakasunod sa kanya, papasigaw na sana sya ng makilala nya ang taong nakahawak sa braso nya "Enzo!! Ano ka ba naman? Anong ginagawa mo dito?"

Enzo: uhmm nag alala ako. Baka naninibago ka dito, tapos wala kang kasama.

Niyakap ni Enzo si Andy at naramdaman neto ang panginginig ng buong katawan nito - "I'm sorry Garchi, hinde ko sinasadyang gulatin ka"

Andy: it's ok, at least ikaw lang yan at hinde ibang tao.

Enzo: Uwi kana?

Andy: yeah, gabi na rin. And don't tell dad na pumupunta ka dito sa school. Baka magalit eh.

Enzo: Ok.. sure..para naman akong kriminal nyan.

Andy: Hinde rin nila alam, na alam mo ng nandito na ako sa pinas.

Enzo: daig mo pa si Rapunzel ah.. baka gusto kana din ikulong ni Dad sa tower??

Andy: I don't know anong deal ni dad at ng mommy ko. At ng tatay at ate mo. But I'm ok with it.. nasa healing proccess parin naman kasi ako eh.. any time pwede akong mag snap. So Carefull lang din ata sila.

Enzo: Hatid na kita sa condo.. anyways.. may mga friends kana ba dito?

Andy: wala pa,ni wala nga akong kakilala kahit isa eh.. Hinde nga ako nag sasalita sa class eh.

Crazy Little Thing Called Me (behind their shadows)Where stories live. Discover now