GIRLFRIEND

42 8 2
                                    

34

Kausap ni Enzo si Andy sa phone ng hinde sinasadyang marinig sya ni Larenz..

"I love you..I'll see you tomorrow"

Nang matapos silang mag usap agad syang kinulit ng kaibigan "aba, at may girlfriend kana pala? Kelan pa??" Pangiti ngiting tanong ni larenz kay Enzo

Enzo: Yup.. bago pa lang kami.. mga 3 weeks pa lang..

Larenz: Mukhang seryoso tayo ah.. may pa I love you kana dyan.. Seryoso na ba??

Enzo: Oo bro. Sobrang seryoso. Anyways.. anong masasabi mo dito sa pamana ni Mom sa akin?

Iniba agad ni Enzo ang topic upang hinde na magtanong pa si Larenz ngunit..

"ang galing ng nakaisip ng concept neto" sagot ni Larenz "pero! Kelan ko makikilala ang maswerteng babaeng nakapagpatibok ng pusong bato mo??"

"Makikilala mo rin..Btw baka sumunod si Andy dito bukas." Seryosong sagot naman ni Enzo

"Huh? Si Andy?? Nandito na sya ulit?bakit ngayon mo lang sinabi sa akin?" Biglang natuliro si Larenz at halatang hinde mapalagay sa nalaman

"Bakit? Importante pa bang malaman mo na nandito si Andy? Akala ko ba for good na yung hiwalayan nyo?"

Larenz: Andy is Andy.. hinde mo kasi alam yung epekto nya sa tao or sa akin. Nung una akala ko goods na ako sa nangyari sa amin. Pero sa dami kong kasalanan sa kanya. Kulang ang isang lifetime para pagbayaran lahat.. yung trauma na ginawa ko kanya sobra sobra. Kahit ako hinde ko mapatawad ang sarili ko dahil doon.

Enzo: I think Andy is Ok naman.. don't worry about her.. ako na ang bahala sa kanya.

Larenz: thank you bro, buti may kaibigan si Andy na tulad mo..pero hinde ba magselos Girlfriend mo kay Andy?

Ngumiti lang si Enzo at umiling..

"Anyways.. mukhang hulog na hulog na si Jenny sayo ah. Mukhang tinamaan" kambyo ni Larenz ng napadaan si Jenny sa harap nila na naka 2piece lang..

"Kaibigan lang si Jenny at wala akong plano sa kanya. Nakakahiya sa bestfriend ni Andy eh" sagot naman ni Enzo

Larenz: bestfriend? May ibang bestfriend si Andy maliban sayo?

Enzo: yeah, si luke.. kuya ni Jenny.. mabait kay Andy yung tao. Inaalagaan nya si Andy. Kaya aalagaan ko din ang kapatid nya.

Larenz: eh si Izzy? Anong plano mo dyan? Mukhang hinde pa nakakamove on sayo.. Ingat ka bro. Baka lingkisan ka nyan pag d ka nakatingin.

Enzo: inlove ako sa girlfriend ko kaya, no more playing..

Larenz: Sus. Inlove? Style mo bulok..1st month ka lang matino Bro. Kilala na kita... maliban na lang kung si Andy ang girlfriend mo.. mahihirapan kang magloko pag nasa paligid yun.

Enzo: Sus. Ikaw nga nagloko ka rin.

Larenz: well, malayo sya eh.. tapos shaky talaga yung relasyon namin. Dahil sa mga pamilya namin. Pero the best talaga si Andy.. kahit sa anong bagay.
.
.
.
Maagang bumyahe sina Andy at Luke papuntang tagaytay kaya bago magtanghalian ay nakarating na sila ng rest house.

"Wow, eto yung rest house ng jowa mo? Hinde halatang fan sya ng sb ah" namamanghang sambit ni Luke

Andy: yung Mama nya ang fan ng Sb ano ka ba.. kaya ganyan yan ang rest House.

Hinde na kailangan ni Andy ang kumatok pa, dahil may susi din sya ng rest house. Susi ni Ken ang dala nya.

Inabutan nyang naghahanda ng lunch ang kaibigang si Marco at Ang kapatid ni Luke na si Jenny..

Crazy Little Thing Called Me (behind their shadows)Where stories live. Discover now