7
Sinundo na nila si Izzy at lumipat si Andy sa passenger seat kasama ni Joy..
Kita sa mukha ni Enzo ang kilig kaya asar talo eto kay Andy.
"Ehem, mukhang may hinde makakaconcentrate sa pagdadrive ah. Baka gusto mo kaming ipakilala boss" pang asar ni Andy kay Enzo.
Napakamot ng ulo si Enzo at pinakilala neto ang mga kasama "iz, si ate joy pala. Bestfriend ni Mom at yaya, then yung maingay si Andy, P.A ko"
Andy: Hi, ikaw na pala ang love of his life.
Izzy: Hi andy. Hi po Joy.
Nagtaka si Joy kung sino si Izzy kaya napabulong at tanong ito kay andy "nak, sino yan?"
"Yan po yung babaeng gusto ni Enzo, si izzy. Hinde ba nagkikwento sa inyo?" Sagot ni Andy
"Ibig sabihin, hinde kayo ni Enzo?" Tanong ni Joy.
Andy: Po? Hinde no.. friends lang po kami ni enzo at nagtatrabaho po ako sa kanya. Yang si izzy talaga ang gusto nya. Kaya kailangan nating tulungan si Enzo na magpagoodshot dyan kay izzy.
Joy: huh? Bakit hinde ikaw?
Andy: kumalma ka po. Hinde kami talo ni boss. Friends lang po. At madami pa po akong pangarap sa buhay. Gusto ko pa pong maging singer, beautyqueen at maging magaling na pintor. So Ayoko kong magjowa ate.
Joy: Pero, kasi pinadala ka ng Mama ni Kenken para may mag alaga sa kanya pag wala na ako.
Andy: Kaya nga po ako ang P.A nya. Kasi ako mag aalaga sa kanya. Tama po ba. Hanggang doon lang po ok. Kinikilabutan naman ako sa part na akala mo jowa ko si Kenzo. Nauur!
Nanahimik na sina Joy at Andy.
At pinagmasdan lang nila ang bulungan at tawanan nina Enzo at Izzy.
Dahil sa presensya ni Izzy, hinde na nila namalayan na malapit na sila sa rest house.
Joy: Oy kenken, iliko mo dyan.
Enzo: May waze po ate. Relax.
Nasa harap na sila ng gate ng rest house ng nag umpisa na naman si Joy na maiyak.
Enzo: ate joy, ok ka lang ba?
Joy: wag nyo kong pansinin. After mamatay ng mama mo. Ngayon na lang ulit ako nakabalik dito.
Niyakap ni Andy si Joy at naramdaman ni Joy ang yakap na matagal na netong hinde nararanasan. "Thank you Andy"
Pumito na si Enzo at pinagbuksan na sila ng caretaker ng Rest house. Pagpasok nila nakahelera na ang mga sasakyan ng boys at ni Hanna.
Andy: wow, ganda naman dito, kanino to?
Enzo: Sa mama ko to. Rest house ng family
Izzy: hinde ba ito yung ipinamana sayo ng mommy mo?
Enzo: hinde siguro, ang laki neto, bakit namn ako pamamanahan ng ganito ni mom.
Izzy: ito na yun, I saw the pictures, hinde mo ba tinignan yung envelop na dinala ko sa office ng dad mo?
Enzo: Oh. May pictures pala don? Hinde ko nakita.
Izzy:ngayon ko lang nalaman na ang yaman pala ng pamilya mo. Bakit ba kasi itinatago mo?
Enzo: Wala naman akong tinatago, hinde ko lang pinagsasabi. At wala namang maniniwala... ate Joy saan ako pwede magpark? Accupied na lahat ng parking eh. Daming kotse ah. Kanino yung ibang kotse?
Joy: yung black sa dulo, kay Ser Ken yan. Regalo ng Lolo mo sa kanya. Favorite talaga ni Sir Robert si Serken. Tapos yung dalawang kotse sa mama mo.
Enzo: ang cool naman pala ni Mom.
YOU ARE READING
Crazy Little Thing Called Me (behind their shadows)
RomanceIt is a sequel story of Mahal ko o mahal ako. Enzo, the younger son of the Ppop king leader Pablo Nase, who is blind about hid parents past and trying to create his own Name in the same industry. Without telling other people his real identity. Afra...