HSH

41 9 5
                                    

33

Hinde maipaliwanag ni Enzo ang saya na nararamdaman nya ng marinig ulit kumanta si Andy.

"And its a wrap!!" Sambit ni Pablo

"Thank you sir Pablo" nakangiting pasasalamat naman ni Andy.. lalabas na sana si Andy ng biglang nagsalita si Pablo

"Andy, napansin ko na nasa list yung Hanggang sa Huli, bakit hinde nyo kinanta?"

Andy: Uhmm.. ang ganda ho kasi nung original version po. Nakakahiya po baka hinde namin mabigyan ng justice.

Pablo: Can you at least try?

Andy: Are you sure sir?

Pablo: Yes I'm sure..please.

Naaninag ni Andy si Enzo at kumaway ito.. "Uhm, Sir Pablo, pwede bang isama ko si Enzo? Kaming dalawa kakanta?"

"Sige" sinenyasan ni Pablo si Enzo na pumasok sa booth.. at agad namang tumalima si Enzo.

Excited ito at niyakap si Andy "ang saya ah, parang nakalaklak ng happy pill" pang asar agad ni Andy sa kanya

Pablo: Ready? In 3,2,1

Nag umpisang kumanta si Enzo at salitan sila ni Andy..

🎶Mahal kita..Mahal kita..Mahal kita..🎶

Hinawakan ni Enzo ang kamay ni Andy..
🎶 pag ibig ko sayo, Sayo hangang sa Huli🎶

Ken: Woooah!! Ang ganda ng ginawa nilang dalawa.

Pablo: that was a better version ng kantang to. Hinde masakit pakinggan, yung parang inlove na inlove silang dalawa.

"May rehearsal pa kayo pagkatapos neto?" Bulong ni Enzo kay Andy

Hinde nagsalita si Andy at umiling lang ito.

"Good, dito ka ba lang muna, antayin mo kong matapos mag practice tapos labas tayo" bulong ulit ni Enzo

"Ok.. papaalam lang ako sa mga classmates ko." Sagot naman ni Andy habang inaayos ang gitara at mga intrusments na ginamit nila

"Enzo, labas na dyan.. practice na.." sigaw naman ni Ken mula sa labas ng booth

"Ok sir.. coming na po" bago umalis si Enzo humalik muna ito kay Andy sa noo at kita ito ni Luke. "Aba! At may pa noo na ang idol ah" asar neto kay Andy..

"Sus, ganyan naman yan dati pa. Lets just say na everything is just taking place" nakangiting sagot ni Andy

"Naku girl, wag ako.. amoy kita!! At alam ko na kahit kinikilig ka kay anonymous admirer mo, mas kinikilig ka kay enzo.. bestfriends tayo noh" kulit ni Luke sa kanya.

"Ssshh!! Wag kang maingay marinig ka ni Dad, baka magrounded pa ako.. hahhaha"

"So, papaiwan kana? Narinig ko bulungan nyo kanina eh"

Andy: Ok lang?

Luke: support kita all the way besh..

Andy: thank you.. kaya love na love kita eh..

Niyakap ni Andy ang kaibigan at sabay silang lumabas ng booth..

Hinatid ni Andy ang mga kaibigan hanggang lobby ng office, at nakita ni Enzo na yumakap at humalik si Andy sa pisngi ni Luke.. nakita din ito ng mga kagrupo nya. "Mukhang magjowa yung dalawa ah.. sa tingin mo Bro?" Tanong ni Kyle.. "ganda pa naman ni Andy, pwede kayang ligawan yan?" Sambit naman ni Mark.

Nilingon ni Enzo si Mark at nagbanta "wag mong subukan, kung ayaw mong masira ang buhay mo" sryosong sambit ni Enzo.

Mark: kalma, nagtatanong lang naman.

Crazy Little Thing Called Me (behind their shadows)Where stories live. Discover now