SAM

56 9 6
                                    

43

Nakita ni Andy na nakatingin sa kanya si Larenz..

Mayamaya lang ay tumunog ang Cp ni Andy

"Lasing na si Enzo, iuwi mo na" text ni Larenz

Umiling si Andy kay Larenz at nakita ni Pablo yun, kaya napatingin ito sa pwesto nila Enzo at nakita nga neto ang ginagawa ng anak.

Tatayo sana si Pablo ngunit pinigilan ito ni Andy..

"Okey lang sir, hayaan nyo na po sya"

Napalingon na rin si Ken at nakita na rin neto si enzo

Agad hinawakan ni Ken ang kamay ni Andy

"Gusto mo bang umalis na lang?" Tanong neto

Andy: No dad, I'm Okey.. Inom na lang tayo.

Tinawag na ni Pablo ang waiter na sadyang inassign para mag assist sa kanila. At umorder na sila ng maiinom.

Hinde na tinanggal ni Larenz ang tingin kay Andy at kita neto ang sunod sunod na tagay ni Andy ng tequila..

Napailing na lang sina Pablo at Ken, nagkatinginan silang dalawa at nagtawanan.

Ken: ang hirap maging magulang bro.

Pablo: Sinabi mo pa..

Ken: Para tayong mga tatay na sinasamahan ang anak natin na broken hearted.

Pablo: Parang ganon na nga.. Ano man bugbugin na natin yung lalaking nanakit sa anak natin? Nasa kabilang table lang oh

Ken: Baliw, anak mo yun. Anak mo yung nanakit sa anak ko.

Pablo: anong anak ko? Anak mo yun, ikaw nagpalaki don..

"Hahaha"

Nagtawanan na naman silang dalawa

Hinde nila namamalayan na nakakaraming tagay na si Andy at nakakalahati na neto ang boteng inorder nila.

Nagkakatinginan parin sina Larenz at  Andy, at alam ni Larenz na may binabalak na si Andy, balak netong warningan si Enzo, ngunit malayo ito kay enzo para magawa iyon.

Matalim na ang tingin ni Andy kay Enzo.. dahil sa mga nakikita neto.

Masyadong Close ang babae kay Enzo at pahaplos halpos pa ito sa mukha ng kasintahan ngunit hinde na nakatiis si Andy ng nakita netong humalik ang babae sa pisngi ni Enzo.

Napatayo na si Larenz kasabay ng pagtayo ni Andy na ikinagulat naman nina Ken at Pablo.

Naglakad ito palapit ng table nila Enzo at kinuha neto ang Bucket ng Ice at ibinuhos kay Enzo.

Nawala ang kalasingan ni Enzo at napatayo ito.

"Andy?!"

Bago pa makapag react si Enzo ay tumalikod na si Andy at lumabas na ng bar.

Larenz: Bro, habulin mo na.. ako na bahala dito.

Hahabulin na sana ni Enzo si Andy ng harangan sya nina Pablo at Ken.

Ken: You're Done..

Binayaran ni Pablo ang ininom nila at lumabas na din sila ng bar. Walang nagawa si Enzo kundi ang mapaupo sa inupuan nina Pablo at nakita neto ang bote ng alak na nasa table.

Hinatid nina Ken at Pablo si Andy sa condo, ngunit napansin nilang hinde man lang ito umiyak.

"Gusto nyo po ng kape?" Tanong ni Andy

Pablo: Ako na ang gagawa, okey ka lang ba?

Andy: Actually I'm good sir.. napaghandaan ko na po to. Hinde na bago sa akin to.

Crazy Little Thing Called Me (behind their shadows)Where stories live. Discover now