Hinde Talo

43 10 2
                                    

36

Nagising si Andy sa paulit ulit na pagring ng telepono neto at may tumatawag sa messenger..

Sinagot neto ang cellphone ng hinde tinitignan kung sino ang tumatawag

"Hello?"

"Nasaan ka?? Ilang araw ka ng absent ahh" Inis na tanong ng nasa kabilang linya

"Sir Pablo?" Gulat na napaupo si Andy at nagtakip ng kumot "sir, nasa rest house po ako..kasama ko si Enzo"

"Tumawag sa akin ang isang prof mo, hinde ka daw pumapasok" tanong ni Pablo.

"Papasok din po ako next week, masyado po akong na stress nung mga nakaraan..Sorry po sir"

"Sige, nag alala lang ako.. akala ko nagdrop out kana., enjoy your rest day."

"Sige po sir, thank you, tatawag po ako sa inyo pagkadating ko ng manila" iooff na sana ni Andy andy ang tawag ng "wait, pwede bang makausap si Enzo?" Pakiusap ni Pablo

Tumango si Andy at ginising neto si Enzo "Par, gising.. kakausapin ka ng tatay mo"

"Huh? Si tatay?" Bumangon si Enzo at Yumakap at humalik ito kay Andy..hinde napansin na nasa video call ang tatay nya

"Kenken! Umayos ka nga!" Singhal ni Pablo

"Oh shit!! Par, bakit d mo sinabing nakavideo call mo si Tatay?" Gulat na sambit ni Enzo

"Sinabi ko kaya na kakausapin ka ng tatay mo diba? Sinisi pa ako.. sige na. Bibihis muna ako.. Good luck" tumayo si Andy sabay belat kay Enzo

"Yes tay, kailangan ko na bang bumalik?" Agad na tanong ni Enzo

"What are you doing? Diba sinabihan kanang wag mong papakialaman si Andy? Ang dami namang babae dyan, bakit si Andy pa?"

"Tay, pwede ba.. tama na yang kakasermon mo sa akin? Ano bang mali kung si Andy?"

"Ayaw ko lang na matulad si Andy sa Mama mo" sambit ni Pablo

"Hinde kita maintindihan, care to explain?" Tanong naman ni Enzo

"I'll explain everything pagbalik mo dito, for now.. just take care of her..and don't do anything stupid.. bye na. Ingat kayo dyan

Si Pablo na ang nag off ng tawag.

Napakamot naman ng ulo si Enzo, bumangon na ito at sumunod kay Andy sa walkin in closet..

"So, anong sabi ng tatay mo?" Agad na tanong ni Andy

"Hinde ko maintindihan.. hinde ko maintindihan kung bakit pinipilit nilang wag ikaw." Sagot ni Enzo habang yakapyakap neto si Andy

Nalungkot si Andy sa sagot ni Enzo at pakiramdam neto na ayaw talaga sa kanya ni Pablo.

"Siguro, kailangan na nating itigil to Par" saad ni Andy habang nakayap ito at nakatingala na nakatingin sa mukha ni Enzo

"No, kung ano mang trip ni Tatay, hinde natin papansinin. Please Andy, ikaw lang meron ako, kaya sana wag mo kong iwan" pagmamakaawa ni Enzo kay Andy

Tumango si Andy sa pagsang ayon kay Enzo at yumakap ito ng mahigpit.

"I love you so much Garchi"

Tinignan ni Andy si enzo at ngumiti, hinde inaasahan nya inaasahan na sasagutin sya ni Andy..kaya niyakap nya na lang ito at hinalikan sa noo..

"I love you too Nase" mahinang sagot ni Andy

"Wait, what? You said It!" Nakangiting wika ni Enzo "mahal ki ba ako? For real?" Hinde parin ito makapaniwala

Crazy Little Thing Called Me (behind their shadows)Where stories live. Discover now