SIR PABLO

35 9 2
                                    

12

Dumating sina Enzo at Andy sa studio, at dahil bawal si Andy pumasok sa mismong training room ay nasa office lang ito ng mga boss. Inoobserbahan lang neto ang mga ginagawa ng mga staff doon.

"Nandito ka?"

Napatayo agad si Andy at bumati "good morning sir Pablo, bawal po ba ako dito? Aalis na lang po ako"

Pablo: No, please stay. Gusto din kitang makausap at makilala.

Andy: Ok po.

Pablo: bakit si Enzo? I mean sa dinami dami ng lalaki sa campus bakit ang anak ko?

Andy: Po? Hinde ko po maintindihan..

Pablo: As a father, medyo over protective ako sa mga anak ko. Lalo na kay Kenzo. We tried to make a background check about sayo. And we got nothing. So since nandito ka na rin naman bakit hinde na lang ikaw ang magsabi.

Andy: hinde po ako masamang tao, hinde po porket hinde nyo ako mahagilap sa social media eh may ginawa na akong masama. Gusto ko lang ng tahimik na buhay. At kung ayaw nyo po ako na makipagkaibigan sa anak nyo sabihin nyo lang po at iiwas na ako.

Pablo: I'm sorry, natatakot lang ako para sa anak ko. Ilang beses na syang niloko. According kay Ken.

Andy: the truth is, i really need a job. Nagkataon lang na si Enzo ang taong tumutulong sa akin.. pero don't worry, pagtatrabahuan ko po ang lahat ng ibibigay sa akin ni Enzo..

"Hey bro! Relax, tinatakot mo naman anh bata, Andy, pasensya kana dito kay Tatay at ngayon lang kasi to bumabawi kay Kenken" dumating si Ken na may dalang pagkain.

Ken: Andy, kain ka, samahan mo kami.

Andy: salamat sir, wala po akong pambayad.

Pablo: Andy, sensya na. Hinde naman ganon yung ibig kong sabihin... Saluhan mo na kami ni Ken.

Andy:ok na po. Hinde po ako gutom.

Ken: Justin, tawagin na ang mga bata at kakain na.

Pablo: kakain na pala bakit nagdala ka pa ng pagkain dito?

Ken: trip ko bakit ba?

Isa isa ng naglabasan ang mga trainees kasama si Enzo na basang basa ng pawis, kaya agad kumuha si Andy ng towel at pinunasan neto si Enzo naglabas din ito ng bagong shirt.

"Anong ginagawa nyo don at nanlilimahid ka sa pawis? Magpalit ka muna ng damit bago ka kumain" sambit ni Andy habang pinupusanan neto ang likod ni Enzo.

Pinagmamasdan naman ni Pablo ang dalawa at naalala neto si Naia, ganon na ganon ang ginagawa neto sa tuwing umuuwi ito ng condo at basang basa sya ng pawis.

Nahuli ni Enzo si Pablo na nakatitig sa kanila at ngumiti lang ito sa ama.

Pablo: Bilisan nyo na at kakain na.

Enzo: Ok sir, sensya at mabagal tong Yaya ko.

Binatukan ni Andy si Enzo "yaya mong mukha mo"

Enzo: sarap naman mag alaga, may pabatok pa. Naalog utak ko don ah. So ok ka lang ba dito? Hinde ka ba hinaras ni Sir Pablo?

Andy: yeah, I'm good mabait yung tatay mo at mahal na mahal ka nya.

Enzo: talaga? Sana makita mo yung ginagawa namin sa loob para mainspired ka naman. Pero ang sakit na ng mga legs ko. Feeling ko magkakacrumps ako mamaya.

Andy: Gusto ng masahe?

Enzo: Marunong ka?

Andy: ano ka ba, captain ng basketball team ang Ex ko. Praktisado to noh. Upo ka don at imamasahe ko yang mga legs mo.

Crazy Little Thing Called Me (behind their shadows)Where stories live. Discover now