REHAB

44 7 3
                                    

26

Enzo's POV

This has changed since that incident, naging tahimik si Andy at hinde na ito ngumingiti at madalas ko syang nahuhuli na umiyak..

Gusto ko syang kausapin at icomfort, pero hinde pwede dahil sa advice na rin ng mga doctor nya. I can see that she's trying to pull her life back together pero ramdam naming lahat na nilalayo nya na ang sarili nya sa amin, sa akin..

I tried my best na mapangiti sya. Sinubukan ko pa nga yung pa mystery admirer na sinabi nya sa akin. I secretly snuck a stem of roses sa windshield ng kotse nya. And some corny jokes and words of wisdom, I was hoping na pagkauwi nya sa condo eh magkikwento sya about doon, pero wala eh. Papasaok sya agad ng kwarto at iiyak

Nagpatuloy lang si Andy sa ganon. Hanggang matapos ang semester na yun..pakiramdam ko na unti unti na syang nawawala sa akin, sa amin at dumating na nga ang araw na kinakatakutan ko.

Nagpadinner si Dada Josh sa Mansion at sa unang pagkakataon after ng nangyari sa kanya dumating si Andy.. ngumingiti ito na tulad ng dati, sobrang saya namin kasi akala namin she's back. Pero hinde pala.

Nag kikwentuhan na lang ang lahat ng mag salita si Andy

"excuse po sa lahat, I know it's a short notice and I'm sorry"

Napapabuntong hininga sya habang nagsasalita

"Thank you sa lahat lahat, kahit sa konting sandali na nakilala at nakasama ko kayo, I felt loved, and sobrang thankful ako sa inyo.. lalo na sa Par, i was broke and broken nung nagkabanggaan tayo sa school, but thank you for picking me up. Siguro kung hinde ikaw yun, hinde ko alam kung saan na ako ngayon, for a time akala ko ok na ako.. akala ko having you guys can fill the void sa buhay ko..pero hinde eh, narealize ko na ngayon na kahit palibutan pa ako ng mabubuting tao na katulad nyo, there is no way of fixing me.. ako mismo yung naglalapit sa sarili ko sa kapahamakan and ayaw ko na madrag pa kayo..So magpapaalam na po ako. Bukas po aalis na ako at babalik na ako sa US"

Hinde ko alam anong irereact ko sa mga oras na yun, lalo na ng hinubad nya yung necklace na ibinigay ko sa kanya at isinauli sa nya 'to sa akin.

Syempre tinanggihan ko na tanggapin yun

"No, wag mong isauli sa akin yan, para may rason ka pag bumalik pag nagkalakas loob na akong sabihin kay someone else yung nararamdaman ko" nagbiro pa ako para lang hinde nya yun ibalik sa akin

"Enzo, this thing doesn't belong to me, para yan sa babaeng bubuo sayo, at hinde ako yun for sure.. naiisip ko pa lang kinikilabutan na ako."

Alam kong biro lang yun ni Andy, pero bakit parang ang sakit? Wala talaga syang feelings sa akin kahit kahit katiting man lang? Pero may sinabi syang nagoabuhay sa dugo ko😆

"Pero par tandaan mo na mahal na mahal kita, the best ka kaya sa lahat.. as in sa lahat" pangiti ngiti netong sambit sa akin

"Talaga ba Grachi? Akala ko pa naman iba ka sa lahat ng nakilala ko, pagkatapos mong nakuha ang lahat sa akin, iiwan mo ko ng ganito?" Pabirong sagot ko sa kanya..

Kita sa mukha ng mga kasama namin ang pagtataka at parang nagegets na din nila ang pinag uusapan namin.

"Oh my God!! KENKEN!! ano na lang sasabihin ni Mama juls pag nalaman nya to??!!" Galit na galit na sabi ni Ate Hanna

"What Did I do? Wala naman akong ginawa?" Pagtanggi ko

"Siguraduhin mo lang Kenken!! Naku! Sinasabi ko sayo tatamaan ka sa akin!" Tila hinde naniniwala si Ate sa pagtanggi ko.

"Relax ate, ok kami ni Enzo, hinde kami talo, hinde ako type nyan.. diba par?" Pagtatanggol naman sa akin ni Andy.. yung mga ngiting yun. Yun na pala ang huli.

Crazy Little Thing Called Me (behind their shadows)Where stories live. Discover now