From Stranger

35 7 7
                                    

14

Habang nag aayos si Andy ng mga gamit sa kabilang kwarto, hinde nito maiwasan na hinde mapatitig sa mga larawan ni Naia, hanggang may isang picture na familiar sa kanya at pinagmasdan nya ito ng mabuti.."hmm, nakita ko na to ah"

Inisip ng maayos ni Andy ang bahay na nasa picture.

Kinuha ni Andy ang picture at dinala kay Enzo..

Umupo ito sa tabi ng nakahigang si Enzo "par, may itatanong ako sayo, alam mo ba kung saan to?" Inabot ni Andy ang picture kay Enzo at ng tignan ito ni Enzo napangiti ito.

Enzo: this is my happy place, parati ako dyan kapag bakasyon ko. Bahay ni Dad sa province, why?

Andy: Parang nakita ko na yan, hinde ko lang maalala kung saan or kelan or sa panaginip??... yeah I think sa panaginip ko nakita.

Enzo: that's weird..

Andy: Oo nga.. or baka may kaparehong design lang..

Nilingon ni Andy si Enzo at pansin netong hinde ito kumportable sa isang unan nya.

Andy: Ok ka lang dyan? Pasensya kana at yang unan na yan lang ang kinaya ng budget ko.

Enzo: gusto mo din humiga?

Andy: Wag na, wala akong unan..

Inilatag ni Enzo ang braso neto "ok na ba tong maging unan?" Nakangiting tanong ni Enzo

Napakunot naman ang noo ni Andy at tila may malaking Question mark sa mukha neto habang nakikipagtitigan kay Enzo "Don't tell me maiilang ka pa sa akin? Walang malisya remember?" Nakangiting sambit ni Enzo

"Ok, walang malisya" nahiga si Andy sa braso ni Enzo kahit nahihiya ito.

Nabalot ng katahimikan ang kwarto, at hinde makagalaw si Andy na tila namamanhid ang buong katawan neto.

Binasag ni Enzo ang katahimikan ng magtanong ito "andz, naniniwala ka sa destiny?"

Andy: hinde, para sa akin kasi ikaw ang gagawa ng sarili mong tadhana. Maybe totoong may nakalaan na sayo, pero nasa sayo parin kung ano ang gusto mong mangyari sa takbo ng kwento mo.. bakit bigla mo namang naitanong yan?

Enzo: Wala lang, parang ang bilis ng mga pangyayari eh. Nagkabanggaan lang tayo sa school, ngayon nakahiga kana sa braso ko.
Natatawang sambit ni Enzo

Andy: luh, tawang tawa ka?

Enzo: Hinde ko lang iniexpect na magkakaroon ako ng bestfriend na babae, alam mo yun, from stranger to this..

Andy: Hinde ka ba natatakot na baka masamang tao ako? Or manggamit... you know stuff like that..

Enzo: Hinde naman, nararamdaman ko naman agad kapag manloloko eh, pero tanga lang talaga ako at nagpapaloko.. pero honestly...

"Hahahhaha" natatawa si Enzo bago pa neto matapos ang sasabihin

Andy: anong nakakatawa?

Enzo: ....honestly, nung gabing narealize ko na nawawala ang wallet ko, tapos naalala kong may nakabangaan ako sa school. Inisip ko na pick pocket ka..

Andy: hahaha, understandable naman. Sa itsura ko ba naman sa araw na yun.. hay nako..pero hinde parin ako naniniwala sa destiny..

Enzo: alam mo kakaiba kang nilalang..yung ibang babae may padestiny na may pa fate pa..

Habang nakahiga sila ay tumunog ang cellfon ni Enzo kaya agad nya itong binasa "oh, si ate nagtext na, nasa Pinas na daw sya at nag aayang magdinner"

Andy: Ok. Uwi kana ng makabihis ka.

Crazy Little Thing Called Me (behind their shadows)Where stories live. Discover now