Being a Tatay

49 10 8
                                    

49

Nagkayayaan lumabas sina Enzo at Larenz, dahil kasama si Brena, ito ang sumama kay Enzo sa kotse at si Larenz ang kasama ni Andy sa isang kotse.

"How are you with this set up?" Tanong ni Larenz

Andy: Hmmm, ano sa tingin mo?

Larenz: I'm sure galit ka.

Andy: sa totoo lang noong una..Yes, galit ako.. pero para sa career ni Enzo ayaw ko na lang gumawa ng gulo.

Larenz:it is So not you Nicz, ano bang ginawa sayo ni Enzo at naging tame ka.

Andy: I don't know.. Eh ikaw kumusta ka? Yung mama ni Sam nagpaparamdam pa ba?

Larenz: Hinde mo lang alam, buti nga nanood ka ng laro medyo umayos ang takbo ng utak ko..Pero pinipressure nya ako.

Andy: Anong pwede kong gawin?

Larenz: Ano ka ba, ako na to..Hinde naman ako takot mabunyag yung nangyari sa atin dati, kahit hinde ako iblackmail ng mama ni Sam, hinde ko iiwan si Sam hanggang sa huling hininga nya.

Andy: Okey, pero kung kailangan mo ng tulong, sabihan mo lang kami ni Enzo.

Larenz: thank you for everything boots, wala ako sa kung saan ako ngayon kung hinde dahil sayo.. hinde ako magtitino kung hinde dahil sayo.

Andy: Ang tanong nagtino ka ba talaga?

Natatawang tanong ni Andy.

Larenz: pilyo parin naman, pero I have changed, natuto akong mag ipon, natuto akong mashare ng blessings na natatanggap ko.

Andy: Good.. At least madami ka ng natutunan ng nawala ako.. And I hope na makakahanap ka ng babae na deserve mo.

Tinignan ni Larenz si Andy at hinawakan ang kamay neto.

"I still love you boots,hinde parin nagbabago yun"

"I love Enzo poots, the only thing na hinde kita mabitiwan is, you are my bestfriend..kaya kahit may mga hindeng magandang nangyari between us I still love you as friend and I still owe you my life"

Hinde na umimik si Larenz hanggang sa makarating sila sa Resto na kakainan nila nina Enzo.

Naunang dumating sina Enzo sa resto kaya nakapag order na ito ng pagkain..

"What took you so long?" Agad na tanong neto

Larenz: Bagal magdrive ng driver ko eh.

Andy: Traffic eh..

Brena: so, how you two together?

Andy: Kami ni Larenz? Magkaibigan lang kami.

Brena: Hmm, hinde yan ang narinig ko, bakit bawal din ba sa basketball player ang magkajowa?

Larenz: Why? Ano bang narinig mo Brena?

Brena: That you were a childhood sweetheart..

Andy: Alam mo naman pala, bakit ka pa nagtatanong?

Brena: Bakit ba ang sungit mo sa akin? Hinde ka pa nga sikat attitude kana?

Andy: Simple lang, I don't like you..

"Andy, stop!" Sita ni Enzo sa kanya

Andy: sinagot ko lang naman ang tanong nya.

Enzo: I'm sorry Bren, pagpasensyahan mo na si Andy, may dalaw kasi yan ngayon..

Binalingan ni Enzo si Andy

"At ikaw, mag uusap tayo mamaya pag uwi"

Sasagot pa sana si Andy ng hawakan ni Larenz ang kamay neto.

Crazy Little Thing Called Me (behind their shadows)Where stories live. Discover now