* * *
Sa isang madilim at malamig na silid ay makikita si Ronaldo na nakaupo sa sofa na may ginto at matingkad na tela na satin. Puno ang silid ng mga gamit na pang-ehersisyo. Katatapos niya lang magpapawis kaya umupo muna siya para magpahinga habang umiinom ng vino imbes na tubig.
Mapapansin din sa silid na iba ang mga mukha na nasa litrato na nakasabit sa dingding. Isang binata na lalaki na nasa edad dalawampu't anim. Nakasuot siya ng puting sando at itim na shorts, nakataas ang kanyang isang kamay at ipinapakita ang kanyang malusog at matigas na muscles. Katabi ng litrato ay ang masayang imahe ng pitong magbabarkada. Apat ang mga babae at tatlo ang mga lalaki, kabilang na sa kanila ang lalaki na naka-puting sando sa unang litrato. Mula pa lang sa mga litrato na ito hanggang sa makabagong disenyo ng silid ay masasabi na agad na hindi ito kay Ronaldo.
Tama, is na naman ito sa mga mansyon na sapilitan niyang inagaw mula sa isa na namang angkan ng mga bampira.
"This place isn't bad... I'll stay here for a while." Nasisiyahan niyang sabi sa sarili bago uminom ng isang lagok ng vino. "Maybe I should get a place with a style similar to this one... hmm," dagdag pa niya habang ninanamnam ang tamis at konting sipa ng kanyang inumin.
Sa kalagitnaan ng kanyang pag-ubos sa natitira vino sa baso ay may narinig siyang mga yabag papalapit sa kanyang silid. Tumigil siya sa pag-inom. Ibinaba niya ang kanyang baso at tinitigan ang pinto para hintayin ang gagawin ng kung sinuman ang patungo sa silid.
Tatlong sunod-sunod na pagkatok ang kanyang narinig, tumaas ang kanyang kilay nang bumukas ito ng kusa.
Napataas si Ronaldo ng kilay dahil hindi pa siya nagbibigay ng permiso na pumasok ay tila ba walang galang na pinaunlakan ng tao sa labas ang sarili na pumasok.
Agad din naman ito na napansin ng lalaki at aligaga na humingi ng tawad.
"M-M-My apologies, My Lo–"
Smash!
Napatayo ng tuwid ang lalaking pumasok nang hindi pa man siya tapos na magsalita ay may bigla ng lumipad na bagay sa kanyang direksyon. Nasundan din naman kaagad ito ng tunog ng nahulog at nabasag na bagay. Nang siya ay yumuko ay nakita niya ang bilugan na pwet ng baso at ang maraming piraso nitong nagkalat sa sahiig.
Hindi na siya nag-isip pa at agad na yumuko. "MY LORD!" Pasigaw niyang paghingi ulit ng tawad. Nanginginig ang kanyang boses at ang kanyang buong katawan.
Huminga naman ng malalim si Ronaldo, sabay ayos ng kanyang pagkakaupo. Nagsuklay na rin siya ng buhok gamit ang kanyang mga daliri.
Nag-krus ang kanyang mga binti bago tinitigan ng masama ang tauhan na nasa kanyang harapan.
"What do you want?" padabog niyang ani. Sumenyas si Ronaldo sa lalaki para lumapit ito.
Humakbang ito ng dalawang beses. Ngunit hindi na muna nagsalita ang lalaki at tumitig lang kay Ronaldo, naghihintay ng permiso. Natatakot na siya na magawa ulit ang parehong pagkakamali.
"Go ahead, speak."
"The officer leader in area 36 just called, My Lord."
Pinitik ni Ronaldo ang kanyang dila sa narinig. "What does he want now?" ang may halong inis na tanong niya.
"He wanted some pure blooded and experienced alpha vampires in his place– B-But! My Lord, it was a call four hours ago. I didn't inform you early as you do not want to be disturbed."
"Right. I don't want to be disturbed. Anyway, isn't the number of alpha vampires I gave enough? Isn't he asking for too much?"
"He wanted the experienced individual, My Lord," banggit ulit ng tauhan ni Ronaldo.
YOU ARE READING
Taming the Vampire
VampireMiller grew up privileged. Mayaman at iginagalang ang kanyang mga magulang, gayunpaman, nagbago ang lahat nang malugi ang kumpanya ng kanyang ama. Worse, his mother died. When the course of his luxurious life suddenly maneuvers to downfall Miller re...
