M I L L E R
One week has passed. Hindi ko alam kung paano pero nakaya kong lampasan ang pitong araw na estrus ni Axel. I have no idea what had gotten into me during those days. Pakiramdam ko ay bigla akong nawalan ng ulirat at tanging lib0g na lang ang nasa isipan ko sa mga araw na iyon. Ganoon din si Axel na halos puro ungol na lang ang lumalabas sa bibig niya. Walang sinabi ang unang gabi nami sa estrus ni Axel.
Siguro ganoon na lang talaga kalakas ang katawan ng mga bampira. At kagaya nga ng sinabi nila, isang mahalagang cycle ang estrus para sa kanilang lahi para sila ay makapagparami.
Pagkatapos ng pitong araw na estrus ay nagpahinga na muna kami ni Axel ng isang araw. Nasa loob lang kami ng kwarto... to be honest, I have no recollection of what happened on the day after Axel's heat subsided. Nagising na lang kaming dalawa na magaan ang katawan. Although the room stinks from our body fluid, we were both refreshed.
Kaya naman, eto kami ngayon. Naligo at nag-ayos na kami ng kwarto. Binalikan ni Axel ang notebook na kinuha niya noong unang araw. Tahimik niya itong binasa sa kama habang nagpatuloy naman ako sa paghahanda ko sa training.
Sa madaling salita ay bumalik lang kami sa naka-ugalian namin na routine. Sa inaasta ni Axel (at pwede na rin na sabihin na pati ako) ay para bang hindi kami nag-s*x sa buong isang linggo. At paglabas ko ay una kong nakasalubong sa mansyon si Kristoff na nagkataon na dumaan lang kasama ang apat pang mga bampira.
I called him para itanong kung ano ang nangyari sa loob ng isang linggo. At imbes na bigyan ako ng direktang sagot ay pinaalam niya sa akin na, "Sampung araw kayong nasa loob ni Master. Ako na ang nagpaliwanag kay Papa kung ano ang nangyayari."
"T-Ten days?"
So, does it mean na hindi lang kami natulog ni Axel ng isang araw, kung hindi ay tatlong araw?
"Wala ka bang naaalala?"
"Nope... I mean, I remembered a few moments—but I don't think we slept that long."
"Totoo. Sampung araw kayong nasa silid ninyo. Hindi ba?" tinanong ni Kristoff ang mga kasama niya at lahat sila ay nagsi-tango.
"Bumalik na si Master Mateo noong isang araw," sabi ng kasama ni Kristoff.
"Huh? Bumalik na? Didn't you tell me na may estrus din siya? Hindi ba dapat sabay silang natapos ni Axel?"
Nagkamot ng ulo niya si Kristoff. Hindi niya ata alam kung ano ang isasagot sa akin.
Pagbibintangan ko na sana siya na ginu-good time ako nang magsalita ang kaisa-isang babae sa mga bampira na kasama ni Kristoff.
"Oo, may estrus nga si Master Mateo. Nabalitaan namin na sabay sila ngayon ni Sir Axel pero walang partner si Master kaya magkaiba sila ng sitwasyon ng master ni Kristoff,"
"Huh? Paanong naging iba?" tanong ni Kristoff sa babae.
Mukhang pati si Kristoff ay wala ring alam tungkol dito. Hindi na ako nakipag-debate at nakinig na lang sa sasabihin ng babae.
"Uhm, pwede ko bang malaman kung ano ang ginawa niyo ni Sir Axel sa tatlong araw na nanatili kayo sa silid, Miller?"
Nagulat ako dahil alam niya ang pangalan ko, sa kabila nito ay ibinigay ko pa rin ang impormasyon na kailangan niya.
"We slept."
"Huh!? Natulog lang kayo?" gulat na tanong ni Kristoff na para bang imposible na mangyari ang sagot ko.
"What's wrong about that?"
Pitong araw kaming nag-s*x tapos hindi kami pwede na matulog?
"Nasa estrus si Master ta—"
YOU ARE READING
Taming the Vampire
VampirMiller grew up privileged. Mayaman at iginagalang ang kanyang mga magulang, gayunpaman, nagbago ang lahat nang malugi ang kumpanya ng kanyang ama. Worse, his mother died. When the course of his luxurious life suddenly maneuvers to downfall Miller re...
