* * *
Woosh!
Akalaing may bumulusok na kometa sa gilid ng mukha ni Logan. Kasunod nito ay ang nakabibingi na sigaw ng nagpupuyos sa galit na si Aaron.
"YOU! PATHETIC PIECE OF SH*T! AAH!" Hindi pa siya nakontento at dinampot naman ang isa pang maliit na paso na nakapatong sa lamesa na nasa gilid ng silid. Ito na ang pangalawang pang-disenyo na paso na tinapon ni Aaron kay Logan.
Woosh!
Hinagis niya ulit ito kay Logan. Ngayon ay sa kaliwa naman na pisngi ng dayuhan bumulusok ang paso.
Mamula-mula na ang mata at pisngi ni Aaron sa galit. May mga namumuong ugat na rin sa gilid ng kanyang ulo. At mistulang ambon na ang laway niyang tumatalsik sa bawat pagsigaw niya.
"How come you were not able to stop them. YOU HAVE THE NUMBER! BUT YOU ARE TOO DUMB ENOUGH TO NOT ABLE TO STRATEGIZE!"
Sa pagkakataon na ito ay ubos na ang mga maganda at makinis na porselana na paso sa lamesa. Kaya naman ay binunot na lang ni Aaron ang dala niyang punyal na sing haba lang ng kanyang kamay ang buong sukat. Naka-ipit lang ito sa kanyang pantalon kaya madali niya itong nabunot at tinapon kay Logan.
"Augh!" mahinang igik ni Logan nang tumama ito sa kanyang braso.
Sa wakas ay nasira na rin ang napaka-kalmado at walang ka-emo-emosyon na mukha ni Logan.
Tila ba ipinagpalay nito na hindi magagawa ni Aaron na saktan siya. Sinubok lang naman ng kanyang kawalanghiyaan ang pasensya ni Aaron. Kaya naging seryoso na ang matanda sa pangatlong beses na naglabas siya ng pagkadismaya sa mas batang bampira. Kung kanina ay sinasadya pa ni Aaron na hindi tamaan si Logan, sa pagkakataon na ito ay sinigurado niya na babaon sa braso ng binata ang kanyang matalim na punyal.
"Uh... Uhm, forgive me, sir. I know that he's dumb but could you please not add another injury in his body? It's already quite challenging to patch the hole in his stomach." Batid ito ni Paolo na nasa tabi ni Logan.
Nasa loob sila ng parisukat na silid na may tig-isang sofa ang bawat gilid. Isa sa tabi ng lamesang nasa kaliwa ng kinatatayuan ni Aaron, isa sa kanyang kanan. At tag-iisa ulit sa kanyang harap at likod. At sa kanyang harapan ay naka-pwesto si Logan na duguan mula sa kanyang sikmura hanggang sa kanyang pantalon.
Sa laki kasi ng sugat na natamo niya mula sa laban nila ni Mateo ay nasa mga dalawa hanggang limang oras pa ang gugugulin bago ito tuluyan na maghilom.
At dahil hindi magiging kaaya-aya kung lumabas siya na may butas sa kanyang tiyan at luwa ang kanyang mga lamang-loob, tinulungan na siya ni Paolo na lagyan ito ng benda. Sa gilid ni Paolo ay isa na namang maliit na lamesa. Dito nakapatong ang kahon niya na puno ng mga kagamitan na panggamot.
"Y-You're too cruel, sir," sambit ni Logan kay Aaron habang binubunot ang nakabaon na punyal sa kanyang braso.
"Aba'y dapat lang. Ang hirap kasi sa'yo ay hindi ka natututo. Hindi ka rin nakikinig!" bulyaw niya ulit sa kano. Sinisigurado niya na may bitbit na pwersa ang bawat salita na kanyang minumutawi kahit na hindi siya sigurado kung naiintindihan ito ni Logan.
Nang mabitawan na niya ang huling salita ay napaisip si Aaron. "Nag-Ingles na ako kanina. Huwag niyang ipakita na hindi niya naiintindihan ang pagkamuhi ko sa kanya?"
Sa kabilang banda, lumipat naman sa kaliwa si Paolo para linisin ang tumutulong dugo sa braso ni Logan. Nilagyan na rin niya ito ng band aid para maging malinis tingnan.
Pagkatapos nito ay ipinahayag niya kay Logan ang tinatayang oras bago tuluyan na maghilom ang maliit na sugat.
"It will heal after more or less than fifteen minutes."
YOU ARE READING
Taming the Vampire
VampireMiller grew up privileged. Mayaman at iginagalang ang kanyang mga magulang, gayunpaman, nagbago ang lahat nang malugi ang kumpanya ng kanyang ama. Worse, his mother died. When the course of his luxurious life suddenly maneuvers to downfall Miller re...
