CHAPTER ONE HUNDRED-EIGHT

9 0 0
                                        

* * *

"There are also enemies here! I'm requesting for reinforcement." Kagaya ni Miller ay naipit din ng mga kalaban sa event hall si Mateo at ang anim pa nitong natitirang kasamahan.

Inaasahan nila na malaki ang posibilidad na may mga transformed na kalaban din sa mga bisitang imbitado. Imposible kasi na haharap sa publiko ng mag-isa si Logan. Lalo na at alam ng mga ito na susugod sila. Ngunit dahil sa dami rin ng mga mortal na kailangan munang iligtas ay nagkawatak-watak ang pwersa na nakalaan para sa mga kalaban na nasa event hall.

"Oo. Papunta na kami," sambit ni Stefan na kasalukuyang tumatakbo patungo sa kinaroroonan ng kaibigan. Rinig din naman ni Mateo ang hingal nito kaya mahinahon na siyang naghintay habang nilalabanan ang patuloy na sumusugod na mga kalaban.

"Mateo. Mateo!"

"Sh*t! Don't shout!" bulyaw ni Mateo nang bahagyang sumakit ang kanyang tenga sanhi ng matalim na boses ni Miller sa earpiece.

"P-Pasensya na..." Saglit na tumikhim si Miller na parehong nagulat sa pagreklamo ni Mateo. "I thought I'm calm," sabi niya sa sarili nang napagtanto ang kanyang asal.

"May nakakita kasi na palabas ng building si Logan. Madadaanan niya ang event hall, Mateo," mahinahon niyang mutawi.

"Tsk!" Napapitik na lang ng dila si Mateo dahil sa higpit ng pagbabantay sa kanya ng mga tauhan ni Ronaldo. Para bang pinagplanuhan nila na huwag siyang paalisin sa event hall.

"Master! Leave it to us!"

"Right, master. We can hold them until the reinforcement arrives!"

Ito ang sabi ng mga estudyante ni Mateo sa kanya. Alam nila na importante na mapigilan ni Mateo ang anuman na balak ni Logan. May kutob si Mateo na hindi mabuti ang magiging dulot ng kung anuman na gawin nito sa plano ni Ronaldo.

"When else did Logan do good?" Matagal ng tinalikuran ni Logan ang gumawa ng mabuting asal kaya hindi na rin maalala ni Mateo kung kailan niya huling nakita na ginawa ito ng dating kaibigan.

Hindi na nagpadalos-dalos pa si Mateo at umalis na nga sa event hall. Naiwan sa ere ang kanyang mga kalaban na muntik nang magbangga ang mga mukha sa biglaan niyang paglaho.

"Where did they last see him?" anito kay Miller.

"At the east, to where the parking lot is located," sagot ng vampirized sa kanya.

Bago pa man sila sumugod sa venue ay nag-imbestiga na muna sila sa bagong building na ito. Ito raw ang magiging headquarter ng Water Grande dam oprations, at maswerteng nakahanap ng blueprint si Leo. Ito ang naka-tokang misyon sa kanya sa loob ng dalawang araw na paghahanda, at ninakaw niya ito sa pamamagitan ng pagpapanggap niya bilang isang electrician ng bagong gawang building.

Napag-aralan na ito ng lahat ng nasa frontline, at ngayon ay malaya na silang nakakapag-teleport sa kung saan man na parte o silid ng building.

"Nandito na kami," pagbibigay alam ni Stefan kay Mateo.

Narinig naman ito ng malinaw ni Mateo. Ngayon ay alam na niya na wala na siyang dapat ipangamba pa, kaya naman ay binilisan pa niya ang paghahabol kay Logan.

Ilang hakbang na lang ay malapit na siya sa parking lot. Tila ba ginugol niya ang lahat ng lakas sa pagtakbo habang sinisilip ang bawat silid na kanyang nadadaanan. Sinisigurado na wala sa isa dito si Logan. Sa sobrang pokus ay lumampas na siya sa pintuan na patungo ng parking lot. Nasa mismong paradahan na siya nang may narinig siyang kalabog mula sa loob. Nahinto si Mateo at bumalik sa loob ng gusali.

"Ah–" Kasunod nito ay ang tila bang naunsyaming paghinga, para bang biglang nawalan ng hangin ang kung sinuman. Nang sumilip siya sa makipot na espasyo sa kanan niya ay natanaw niya ang dalawang pares ng pulang ilaw.

Nangunot ang kilay ni Mateo habang nanliliit ang kanyang mga mata para ayusin ang sariling paningin. Ilang segundo rin ang dumaan bago niya maayos na natanaw kung sino at ano ang nasa madilim na espasyo. Nanlaki ang kanyang mga mata sa nakita. Subalit bago pa man niya mamutawi kung ano ito ay mala kidlat siyang nahagip ng nilalang na maliksing tumakbo palabas ng espasyo patungo sa kanya.

Dumagundong ang buong ground floor nang tumilapon si Mateo sa dingding. Sunod-sunod din ang kaluskos ng mga nabiyak na bato habang marupok na natumba ang pundasyon na haligi na humahati sa huling silid.

Pagkatapos nito ay wala nang narinig na tunog ang mga kasamahan ni Mateo. Tanging ang magaspang na static na lang ang naiwan sa kanyang linya bago tuluyan siyang nawala sa connection nila.

Natigilan si Miller at Leo sa narinig nilang ingay. Nasa baba lang nila si Mateo, at nakakapangamba rin ang pagkasira ng kanyang earpiece. Nais pa sanang puntahan ni Leo ang kanyang master kung hindi lang siya pinigilan ng kasama.

"Let's continue. Sigurado akong maayos lang siya," hikayat ni Miller sa kanya.

Nag-aalinlangan man ay may tiwala pa rin naman si Leo sa kakayahan ng kanyang master.

Samantala ay nasa kabilang dako ng ground floor si Hilda, o mas mabuti na tawagin siya na Ronaldo. Nakapagpalit na siya ng anyo at kumportable ng naglalakad. Kasama niya si Aaron at Paolo na parehong bumalik na rin sa kanilang mga tunay na anyo.

"Sa tingin mo andito rin ba si Maximilian?" tanong ni Aaron kay Ronaldo na malayo ang tingin. Nakatuon ang kanyang atensyon sa labas ng gusali kung saan tanaw ang labas-masok nilang mga tauhan at ang kampo ni Mateo. Umabot na pati sa labas ng gusali ang kanilang pagtutunggali.

"He'll come. He knew he should," buong kumpyansa na batid ni Ronaldo.

Sa sandaling ipinahayag nito ang kanyang pagiging kampante ay narinig naman ni Paolo ang tunog ng paparating na yabag ng mga paa mula sa kanilang taas.

"Three people are approaching. All are alpha, one vampirized," pakikiramdam nito.

Tumango lang si Aaron kay Ronaldo at nagkaroon na ng mahinahon na pagkakaintindihan sa pagitan nilang dalawa.

Tumakbo na si Ronaldo palabas habang tahimik at kalmado naman na naghihintay sa mga paparating si Aaron at Paolo. Hindi rin nagtagal ay dumating na ang nagmamay-ari ng mga yabag.

"Sa wakas at nahanap na rin kita," nakangisi na sambit ni Miller. Nakatitig ng matalim ang kanyang mga tingin kay Aaron.

"Ano ang maipaglilingkod ko sa'yo, hijo?"

Pumitik ang sentido ni Miller nang makita ang malawak na ngiti ni Aaron. Hindi niya nagustuhan na nakangiti pa rin ito sa kabila ng mga pahirap na binigay niya kay Axel.

"Seems like the opponents is already settled," komento ni Paolo, ramdam niya ang mainit na pagbati ng dalawa sa isa't isa. Tumungo ang kanyang tingin kay Leo at sa kasama nito, "I'm sorry for having the lowly me, but is it fine to you to fight me?"

Mapagkumbaba ang katanungan, ngunit mayabang ang tono ng boses nito kaya mabilis na kumulo ang dugo ni Leo.

"Tumulong ka sa mga kasamahan natin sa labas. Ako na ang bahala rito," utos niya sa kasama.

Yumuko lang din ito at agad na sumunod sa kanya. Hindi pa man nakakalayo ng lubos ang kasamahan nila ay umalingawngaw na ang matinis na salpukan ng dalawang talim ni Aaron at Miller.

Napakinabangan nina Miller ang mga nakumpiska nilang sandata noong araw ng pagsugod nila sa Golden Mansion. Ngayon ay magkakaroon na ng pantay na labanan ang dalawang kampo.

Taming the VampireWhere stories live. Discover now